Nuffnang Ads

HELP US GROW

social facebook twitter gplus instagram

Sunday, March 8, 2015

Ang Katotohanan sa Likod ng Leron-Leron Sinta

"leron-leron sinta
buko ng papaya
dala-dala`y buslo
sisidlan ng bunga
pagdating sa dulo
nabali ang sanga
a dios kapalaran
humanap ng iba"

Pamilyar ka na siguro sa mga linyang ito. Isang simpleng himno na paulit-ulit nating inawit noon sa Elementarya. Sa makatuwid ang "leron-leron sinta" ay napapaloob sa kategoryang awitin o himig pambata. Kung ganyan ang iyong paniniwala, you are absolutely wrong my friend.

Kung lilimiing mabuti, Mapagtatanto na ang leron-leron sinta ay hindi lang basta isang awiting pambata, Ito ay isang himig pambata na may temang pangmatanda (Face grin). Maari rin natin itong ituring na kundiman o love song kumbaga. Sapagkat kung pakasusuriin, ang diwa ng nursery rhyme na ito ay tumutukoy sa isang naunsiyaming pagibig. Halukayin natin sa pamamagitan ng pagsasaling diwa.

Leron-leron sinta - (Kunwa-kunwaring pagibig)
Buko ng papaya - ( Buko - bago pa lamang sumisibol, bago pa lang nararamdaman. Nasa getting to know each other period palang kumbaga)
Dala-dala`y buslo - (pero may nararamdamang pagasa)
Sisidlan ng bunga - (na pinaghuhugutan ng lakas ng loob)
Pagdating sa dulo - (pero sa parteng huli)
Nabali ang sanga  - (wala naman pala "this is the sorry to burst your bubble thing", Paasa mode, Friend zone at kung ano-ano pang ka jejemonan na yun din naman ang ibig sabihin)
a dios kapalaran - (paalam na a dios "I love you Goodbye girl")
humanap ng iba - ( dahil bigo "Move on" humanap na ng iba)

Sa kabuuan, malalarawan ang isang tao na sinibulan ng bagong pag-ibig at umasa na natagpuan na niya ang the one that he/she`ve been searching for his/her whole life. Umasa, nabigo nagmove-on. Napaka tipikal na love story. Eh ano ngayon? Bakit kailangan kong sabihin sayo to?

Ito ay isang halimbawa lang na maaring magpatunay na may mga kaalaman tayong pinanghahawakan na maaring may ibang katuturan na sumasalungat sa katotohanan nito. Kaya ikaw na ang bahala kung maniniwala ka sa akin o hindi. Hindi kita pipilitin. Salamat sa pagbabasa. Wag ka sanang ma-leron-leron sinta.
 - Lawrence Avillano

7 comments:

Anonymous said...

Sabi na nga ba't may hugot talaga ang kantang to eh HAHAHAH. Kuya Lawrence naman eh. Seryoso? 😂

lawrence Avillano said...

Hayae na. Wala lang akong magawa niyan. Haha!

Lucia Isabelle Briones said...

Nice :D Haha

lawrence Avillano said...

Nice Mo To. Haha

van Luna said...

majusay! e paano naman yung kanta ng mga bata na...
Langit lupa impyerno...in-im-im-im pyerno!
Saksak puso tulo ang dugo...
Patay..buhay...
Alis ka na diyan!

lawrence Avillano said...

ahhhh ehh.....
Sa pamamagitan ng chant na yan (na ginagamit sa isang uri ng laro na involved ang hagdanan, kung di ako nagkakamali) Nagiging aware ang mga bata sa mga consequences ng mga kilos, gawi etc.
Sak-sak puso; tulo dugo >Consequence<Patay/buhay
Alis ka na diyan...

Dahil kung anong gagawin mo sa lupa ay pwedeng magdala sayo sa impyerno o sa langit
Kaya nasa gitna ang lupa..
At kung nasa impyerno ka may roon kang tatlong chance ( Sa loob ng buong laro) na...
MAKAPAG CHANGEFOOT

Jomarie said...

****************

Most Read Posts