Sunday, October 26, 2014

Brief History of Municipality of Gumaca


Gumaca is one of the oldest town in Quezon Province and only several years younger than the City of Manila was already a well-established community even before the Spaniards came. 


According to oral tarditions, the community has a barangay government as early as the 14th century with Lakan Bugtali as the first and Lakan Gitingan being the last.

The barangay had for its territory much of the area now under the jurisdictions of the municipalities of Atimonan, Plaridel, Lopez, Alabat, Calauag, Perez, Atimonan, Quezon,Unisan, Pitogo and Macalelon.

Located at the mouth of what is now known as Ppisik river and nestling at the foot of Sierra Madre range, it was - as it is now - also the center of local trade and commerce.

It was perhaps because of this,  that the Franciscan Friar, Fray Diego de Oropesa, first set foot in the community and introduced Christianity  to the people with St. Diego de Alcala being proclaimed as the pueblo`s patron saint. In 1582, the first "vista" was erected and 1686 marked the establishment of a full-pledged town with in dependent (civil) government, the earlier ones being headed by the ever-present Spanish Friars (The municipality of Gumaca boasts of a still complete liine-up of chief executives from 1574 down to the present)

The center of the local governance, built in 1921 on the grounds where the Tribunal and the Casa Real once stood.

Approximately 200 Kilometers south of Manila, Gumaca is a four-parts leisurely drive trough rice fields, coconut plantations, picturesque towns, and scenic resorts.......truly a prelude to the wonder that is Gumaca.

Source: Gumaca Municipal Library

Saturday, October 25, 2014

Philippine Folk Dances: Tinikling



Ang #Tinikling ang itinuturing na pambansang sayaw ng Pilipinas ay nagmula sa Kabisayaan sa Lalawigan ng #Leyte. Iniuugnay ito sa pagdiriwang na may kinalaman sa agrikultura.

Ang pangalang Tinikling ay hango sa pangalan ng Tikling ( isang ibon na may mahabang leeg, tuka at paa) sapagkat ginagaya nito ang galaw ng nasabing ibon na kadalasang makikitang palunda-lundag at patakbo-takbo sa mga damuhan

Isinasagawa ito sa saliw ng isang makalumang tugtugin.Gamit ang dalawang piraso ng mahabang kawayan, ginagaya ng mga mananayaw ang mayumi ngunit mabilis na kilos ng ibong Tikling sa tuwing binibitag ito ng mga magsasaka.

Ang Pandesal o Spanish Salt-bread


Naimbento ito noong panahon ng Kastila at naging popular bilang isang pagkaing sa agahan o almusal.

Sinasabing ang kakulangan sa mga sangkap noong panahong `yon ang dahilan kung bakit mga payak na sangkap lang ang ginamit sa pandesal. Ito ay ang harina, itlog, mantika ng gulay, asin at kaunting asukal.

Payak din ang pamamaraan ng pag-gawa nito.Pagkatapos maiwasto ang masa, irorolyo ito sa hugis baston (babastonin) bago gagayatin sa tama at pare-parehong sukat. Ang bawat piraso ay isasawsaw o di kaya naman ay pagugulungin sa mumot ng tinapay o bread crumbs. Hahantayin muna itong umalsa bago ipasok sa pugon.

Hanggang sa ngayon popular pa rin ang pandesal sapagkat isa ito sa pinaka affordable na pagkain para sa almusal

Malaki ang ginagampanan ng pandesal sa hapag kainan ng bawat pinoy. Tila hindi kumpleto ang almusal kung sa hapag ay walang pandesal. Masarap itong kainin kasabay ng mainit na kape o gatas. Bagaman malambot, hindi maipaliwanag kung bakit gustong-gusto natin itong isawsaw sa kape.

Philippine Antiquities: Manunggul Jar



Manunggul jar (Item 64-MO-74 of National Museum of the Philippines) is a secondary burial jar dating back to the Neolithic period (890 - 710 B.C).

It was discovered by Dr. Robert Foxel and Miguel Antonio in 1962 together with the Tabon man in Manunggul Cave of Tabon caves at Lipuun Point, Palawan, thus it was given the name Manunggul Jar

Ang Mga Puno ng Balete at Kababalaghang Pinoy

Balete or Banyan Tree

   Genus: Fycus


Family: Hemi   Epiphytes

Balete or Banyan Tree

Sa hindi mamalamang dahilan, palaging idinadawit sa mga kababalaghan ang mga puno ng balete. Naniniwala ang ilan na sa punong ito naninirahan ang mga lamang lupa, gaya ng dwende, kapre, tikbalang at iba pa. Pinananahanan din daw ito ng mga espiritung ligaw kaya naman naging simbulo na rin ito ng mga katatakutan sa telebisyon.

Ang isa sa pinakatatakutang lugar sa modernong Pilipinas, ang Balete drive, ay ipinangalan sa punong ito. Sinasabing sa isang matandang puno ng balete sa New Manila, Quezon City nagpapakita ang isang white lady na siyang nagiging dahilan ng mga aksidente sa lugar. Bukod duon  marami pang mga pangyayari ang iniuugnay sa punong balete sa nasabing lugar.

Ngunit alam niyo ba na ang pinatuyong sanga, dahon at ugat ng puno ng Balete, kung isasama sa langis ay ginagamit na  pampahilom ng mga sugat. Ang pinakuluang sanga nito ay mabisang gamot sa sakit sa bato.

Ang pinaka matandang puno ng Balete (1328 years old) sa Asya ay matatagpuan sa Kanlaon City, Negros Oriental samantang ang pinakamalaki naman (200 ft talll, 49 ft in diameter) ay matatagpuan sa Baranggay Quirino Ma. Aurora, Aurora Province.

Hindi natin mapabubulaanan kung hindi man mapatunayan ang mga kababalaghang iniuugnay sa mga puno ng balete. Ngunit isa lang ang malinaw, ang mga paniniwala ukol sa puno ng balete ay naging isang karagdagan sa makulay na kultura ng minamahal nating Pilipinas.

Kasaysayan ng Alpabetong (Abakada) Filipino


Bago dumating ang mga Kastila nuong ika-16 siglo ay may sarili nang sistema ng pagsulat ang ating mga ninuno. Ang sistemang ito ay tinatawag na Baybayin (hindi Alibata) na nagmula sa salitang ugat na Baybay (spell).


Ang Baybayin ay binubuo ng  labing-apat na katinig at tatlong patinig.

Noong dumating ang mga Kastila ang baybayin ay pinalitan ng Alpabetong Romano.

Noong 1930`s binuo ni G. Lope K. Santos ( ang itinuturing na ama ng balarilang Filipino) ang isang abakada na may dalwampung (20) titik na kinabibilangan ng  limang (5) patinig at labing-limang (15) katinig na ang tunog o bigkas ay hango mula sa wikang Tagalog.

"a, b , k , d , e g, h, i l, m, n , ng, o, p, r, s, t, u, w, y."


Noong Oktubre 4, 1971, pinagtibay ng Sanggunian ng Wikang Pambansa (Komisyon sa Wikang Filipino na ngayon) ang pinagyamang alpabeto na binubuo ng 31 titik.

Ito ay ang: "a, b, c ch, d, e, f, g, h, i, j, k, l, ll, m, n, ñ,ng, o, p, q, r, rr, s, t, u, v, w, x, y, z"

Muli itong binago kaalinsabay ng pagbabago ng Pambansang Konstitusyon bilang tugon sa mabilis na pagbabago at pag-unlad ng wikang pambansa. Matapos ang mahabang serye ng sanguniang pulong o seminar nabuo ang Alpabetong Filipino na may 28 titik:
" a, b , c, d, e, f, g, h, i, j, k, l, m, n, ñ , ng, o, p, q, r, s, t, u, v, w, x, y, z."

Tuesday, October 21, 2014

Ang Kalabaw Bilang Pambansang Hayop ng Pilipinas

Kalabaw sa tubugan


Ang KALABAW ay dinala ng mga imigranteng Malay sa Pilipinas nuong 300 - 200 BC ngunit may isang uri din ng kalabaw  ang dinala ng mga dayuhang intsik sa bansa (shanghai buffalo) nuong kasagsagan ng panahon ng kastila.

Sa kasalukuyan, karamihan sa mga bagong lahi ng kalabaw ay iniluwas pa mula sa bansang Cambodia.

Malaki ang pakinabang sa kalabaw noon pa man. Bukod sa ito ang pangunahing katulong sa pagsasaka, matatandaang ito rin ang isa sa pinakaunang uri ng transportasyon sa bansa bago pa man dumating ang mga mananakop. Napagkukunan din ito ng sariwang gatas na talaga nanamang kakaiba ang taglay na sarap at sustansiya. Sinasabing ang sungay ng kalabaw ay ginamit ng mga katutubong mandirigma bilang armas at pananggalang.

Sa ngayon, ang Kalabaw ang itinuturing na pambansang hayop ng PIlipinas. Isang hindi matatawarang tatak ng lahing Pilipino. Isang malaking bahagi at pagkakakilanlan ng Kulturang Pinoy.

Kalabaw

Ang Kalabaw at ang Kulturang Pinoy


Sunday, October 5, 2014

Guro: Alagad ng Sining

Ang ating mga guro ay maituturing din na alagad ng sining. Sila rin ay mga iskultor, pintor at kompositor. Sa papaanong paraan? Nasaan ang kanilang mga likhang sining? Talakayin natin.

Sila ( ang ating mga teacher) ay maituturing na alagad ng sining sapagkat, katulad ng mga iskultor hinuhubog nilang mainam ang ating pagkatao sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga kabutihang asal. Kininis nila at binigyang hugis ang ating pagkatao kung kaya naman tayo ay hindi nanatiling katulad ng mga batong katitisuran sa daan.

Ibinabahagi nila sa atin ang kanilang mga karunungan na para bang mga pintor na gumuguhit ng makukulay at makabuluhang miyural sa mga pader na wala pang nakikilalang kulay. At dahil sa mga kaalamang kanilang inihain ng buong puso at hindi ipinagkait, humaharap tayong buong husay sa mga hamon ng buhay.

Katulad din ng mga kompositor na humahabi ng magagandang tugtugin at awitin, ihinahalayhay  nila ang mga nota sa ating isipan upang ito ay magluwal ng mga kaisipan na nanaising pakinggan ng lahat. Kaya naman ang ating mga pananalita ay may mahusay na paglirip. Alam natin ang wastong salitang bibigkasin ayon sa hinihingi ng panahon kung kaya`t hindi masasabi ng mga nakikinig na tayo ay balahura at balibi mag-isip.

Ang mga kinikilalang tao sa lipunan ang kanilang mga bantog na likha. Ang kanilang mga likhang sining na tinitingalang tulad ng mga bantayog,  hinahangaan na gaya ng mga miyural, at pinakikinggan na para bang isang napapanahong awitin.

Kaya naman marapat lang na sila`y ating igalang kahanay ng lumikha at ng ating mga magulang. Magpugay tayo sa kanila sa bawat panahon at mag-ukol ng paghanga bilang tugon sa kanilang mga sakripisyo alang-alang sa atin.

Sinulat ni: Lawrence Avillano para sa Buwan ng Mga Guro taong 2014.


Malaya ang sinuman na ito`y gamitin.