Mga Hayop Na Endemiko sa Pilipinas.
Ang mga endemikong hayop, endemic animals, ay mga hayop na natatangi sa isang teritoryo o bansa. May mga hayop na endemic o endemiko sa Pilipinas dahil tanging sa Pilipinas lamang sila matatagpuan. Ilan na dito ng baboy damo, Tamaraw at Tarsier.
Tamaraw
Ang Tamaraw ay isang uri ng kalabaw o water buffalo na tanging sa Isla lamang ng Mindoro matatagpuan. Kilala rin ito bilang "Dwarf Water Buffalo". Bagaman may ganoong bansag, ang Tamaraw ang maituturing na pinakamalaking hayop na endemiko sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang Tamaraw ay kabilang na sa mga lahi ng hayop na nanganganib mula sa pagkaubos. Patuloy ang ginagawang hakbang ng pamahalaan upang protektahan ang mga Tamaraw
Tarsier
Kung ang Tamaraw ang pinakamalaki sa mga hayop na endemiko sa Pilipinas, ang Tarsier naman ang pinakamaliit na primate sa buong mundo. Bagaman maliit, ang itsura nito ay hindi nalalayo sa mga lemur at unggoy. Ito ay may sukat na tatlo hanggang anim na pulgada lamang. Ang mga Tarsier ay matatagpuan sa Bohol papatawid sa iba pang probinsiya patungo sa katimugang bahagi ng Pilipinas. Ang mga Tarsier ay tinatawag ding Mawumag, Mago at Mamag.
Baboy Ramo o Baboy Damo
May apat na uri ng Baboy damo na lahat ay endemiko sa Pilipinas. Ito ay ang Philippine Warty Pig, Visayan Warty Pig, Palawan Bearded Pig at Mindoro Warty Pig. Ang mga baboy ramo ay binansagang "Warty Pig" dahil sa mga bukol na animo`y kulugo o warts malapit sa mga panga ng mga ito. Ang mga baboy damo ay may mas maiksing buntot kumpara sa hybrid na mga baboy. Kapansin-pansin din ang mas makapal na buhok ng mga ito mula sa noo hanggang sa balugbog o ibabaw ng likod. Nanganganib na rin ito mula sa pagkaubos dahil sa pangangaso.
Visayan Spotted Deer
Ang Visayan Spotted Deer ay lahi ng Usa na endemic sa Pilipinas. Matatagpuan ang mga usang ito sa Negros, Cebu, Guimaras, Leyte at Samar. Nakilala ito sa ganoong pangalan dahil sa pagkakaroon nito ng mga batik. Maliliit lamang ang mga usang ito . Sila ay may habang 125 hanggang 130 centimetro kung magugulang na.
Palawan Bearcat.
Ang Palawan Bearcat ay kilala rin bilang Musang, Binturong, o Pasla. Ang hayop na ito ay hindi Pusa at hindi rin Oso ngunit malaki ang pagkakahawig nito sa dalwa. Ito ay may kakatwang itsura dahil mahahabang puting sungot (whiskers) na aabot hanggang taynga nito. Maitim ang balahibo na kadalasay kulag. Matatalas ang kuko at ngipin at may matitibay na buntot na siyang ginagamit nito sa pagbitin ng matagal sa mga sanga. Kadalasan ang kinakain nito ay mga manok at itik kung kaya naman isa ito sa mga kaaway ng mga magsasaka. Isang dahilan kung bakit nanganganib mulsa sa pagkaubos ang lahi nito sa ngayon.
Giant Golden-Crowned Flying Fox
Ang Giant Golden-Crowned Flying Fox o Golden Capped Fruit Bat ay malalaking paniki na endemic sa Pilipinas. Tanging sa Pilipinas lamang matatagpuan ang mga paniking ito partikular sa Mindanao. Bagaman malalaki, hindi laman ng kapuwa hayop kundi prutas at ilang uri ng dahon ang kanilang kinakain. Sila ay karaniwang nanahan sa mga kwebang malalapit sa mga ilog. Marahil sa dahilang mas marami sa kanilang pagkain ay matatagpuan sa ganoong lugar at upang makaligo. Kakatwa ang mga paniking ito dahil mahilig silang maligo. Sinasalok nila ng kanilang mga pakpak ang tubig at isinasaboy ito sa kanilang katawan. Mapalad ang Pilipinas sapagkat sa ating bansa naninirahan ang pinaka-malaking paniki sa mundo. Ang Giant Golden-Crowned Flying Fox o Golden Capped Fruit Bat ay endagered o nanganganib nang maubos. Samantala ang subspecie nito na Panay Golden-Crowned Flying Fox ay extinct na sa ngayon.
No comments:
Post a Comment