Depiksiyon ng Birheng Maria |
Ano ang Santacruzan?
Ang Santacruzan ay isang prosisyon ng mga dilag, kung tawagin sa iba ay Sagala, na ginaganap tuwing Mayo sa buong Pilipinas. Ito ay bahagi ng debosyonal na Flores De Maria o Flores De Mayo dahil ang buwan ng Mayo ay buwan na dedikado sa Birheng Maria.
Katulad ng Tibag, ang Santacruzan ay isang prosisyon ng pag-gunita sa pagkahanap ni Reyna Elena sa Banal na Krus at sa kanyang anak na si Emperador Constatino sa Jerusalem at maibalik nito sa Roma.
Ang Santacruzan, bagaman isang tradisyon na ipinakilala ng mga Kastila, ay buong pusong tinanggap ng mga Pilipino at ngayon nga ay bahagi na ng sariling atin.
Ano ang Pangalan ng Mga Reyna sa Santacruzan?
- Reyna Abogada - ang tagapagtanggol ng mahihirap at inaapi. Nakasuot siya ng itim na graduation cap (toga) at gown at may dala siyang malaking libro.
- Reyna Banderada - isang dilag na nakasuot ng mahabang pulang gown na may dalang dilaw na tatsulok na bandila. Kinakatawan niya ang pagdating ng Kristiyanismo.
- Reyna De Las Propetas - Dilag na may dalang orasan
- Reyna De Las Estrellas - Reyna ng mga bituin. Karaniwang may dalang wand na may bituin.
- Reyna Del Cielo - Reyna ng Kalangitan. May dalang mga bulaklak at may kasamang dalwang anghel
- Reyna De Las Flores - Reyna ng mga bulaklak
- Reyna De Las Virgenes - Reyna ng mga birhen. May Dalang Rosario at may agapay na dalwang anghel
- Reyna Paz - Reyna ng kapayapaan. Nagdadala ng simbulo ng kapayapaan
- Reyna Elena (Queen Helena) - ang maalamat na tagapagtatag ng tunay na Krus, na kinakatawan ng maliit na krus na hawak niya sa kanyang mga kamay.
- Reyna Esther - ang biblikal na Hudyo na nagligtas sa kanyang mga kababayan mula sa kamatayan at pagkawasak sa pamamagitan ng napapanahong interbensyon sa Haring Xerxes. May dala siyang isang setro.
- Reyna Judith - kumakatawan kay Judith ng Pethulia na nagligtas sa kanyang lungsod mula sa mga Asiryano (Assyrians) maatapos niyang pugutan ng ulo ang malupit na holofern. Bitbit niya ang ulo sa isang kamay at isang tabak sa kabila.
- Reyna Justicia - isang personipikasyon ng "salamin ng katarungan". May dala siyang timbangan at tabak.
- Reyna Sentenciada - dilag na ang kamay ay nagagapos ng lubid. Siya ang simbolo ng mga walang kasalanan na nahatulan. Inaagapayan siya ng dalawang sundalong Romano.
- Reyna Sheba - Ang Reyna na dumalaw kay Haring Solomon na may labis na labis na karunungan, kapangyarihan at kayamanan. May dala siyang isang kahon ng alahas
- Si Reyna Fe - sumisimbolo sa birtud ng pananampalataya - ang una sa mga kagalingan sa teolohiko. May dala siyang krus.Reyna Caridad - sumisimbolo sa birtud ng kawanggawa - ang pangatlong kagalingan sa teolohiya. Nagdadala siya ng isang pulang puso.
- Reyna Mora - kumakatawan sa nangingibabaw na relihiyon bago ang Kristiyanismo (nakadamit pambabae ng Moro mula sa relihiyong Muslim).Reyna Esperanza - sumisimbolo ng birtud ng pag-asa - ang pangalawang teolohikal na kagalingan. May dala siyang angkla.
Sino ang iba pang tauhan sa Santacruzan?
- Metuselah - isang matandang may edad na nakasakay sa isang karo. May dala siyang sisidlan ng alabok bilang paalala na ang lahat ay sa alabok nanggaling at sa alabok din babalik.
- Mga Ita/katutubo - kumakatawan sa kalagayan ng bansa bago dumating ang mga Kastila
- Samaritana - ang babaeng nakausap ni Kristo malapit sa isang balon. May dala siyang banga sa kanyang balikat
- Veronica - Ang babaeng nagpunas sa muka ni Hesus. May dala siyang bandana
- Maria Magdalena - ang naghugas sa paa ni Hesus. may dala siyang bote ng pabango
- Maria Ina ni Santiago (James) - May dala siyang bote ng langis na pamahid
- Maria Ina ni Hesus - Birheng Maria
- Walong Anghel - May dala silang mga tig-iisang titik na bumubuo sa salitang AVE MARIA kapag binasa.
- Divina Pastora - may dalang tungkod pamastol
- Rosa Mystica - May bitbit na palumpon ng mga bulaklak
Sino-sino ang mga Marian?
Ang mga Marian ang mga titulo o katawagan sa Birheng Marya.
- AVE MARIA - walong anghel
- Divina Pastora - Banal na Pastola
- Reyna De Las Estrellas - Reyna ng mga Bituin
- Rosa Mystica -
- Reyna Paz - Reyna ng Kapayapaan
- Reyna De Las Propetas' - Reyna ng mga Propeta
- Reyna Del Cielo - Reyna ng Kalangitan
- Reyna De Las Virgenes - Reyna ng mga Birhen
- Reyna De Las Flores - Reyna ng mga Bulaklak
Lawrence Avillano 2020
No comments:
Post a Comment