Puno ng Papaya |
"leron-leron sinta
buko ng papaya
dala-dala`y buslo
sisidlan ng bunga
pagdating sa dulo
nabali ang sanga
a dios kapalaran
humanap ng iba"
Pamilyar
ka na siguro sa mga linyang ito. Isang simpleng himno na paulit-ulit
nating inawit noon sa Elementarya. Sa makatuwid ang "leron-leron sinta"
ay napapaloob sa kategoryang awitin o himig pambata. Kung ganyan ang
iyong paniniwala, you are absolutely wrong my friend.
Kung
lilimiing mabuti, Mapagtatanto na ang leron-leron sinta ay hindi lang
basta isang awiting pambata, Ito ay isang himig pambata na may temang
pangmatanda (Face grin). Maari rin natin itong ituring na kundiman o
love song kumbaga. Sapagkat kung pakasusuriin, ang diwa ng nursery rhyme
na ito ay tumutukoy sa isang naunsiyaming pagibig. Halukayin natin sa
pamamagitan ng pagsasaling diwa.
Leron-leron sinta - (Kunwa-kunwaring pagibig)
Buko ng papaya - ( Buko - bago pa lamang sumisibol, bago pa lang nararamdaman. Nasa getting to know each other period palang kumbaga)
Dala-dala`y buslo - (pero may nararamdamang pagasa)
Sisidlan ng bunga - (na pinaghuhugutan ng lakas ng loob)
Pagdating sa dulo - (pero sa parteng huli)
Nabali ang sanga
- (wala naman pala "this is the sorry to burst your bubble thing",
Paasa mode, Friend zone at kung ano-ano pang ka jejemonan na yun din
naman ang ibig sabihin)
a dios kapalaran - (paalam na a dios "I love you Goodbye girl")
humanap ng iba - ( dahil bigo "Move on" humanap na ng iba)
Sa
kabuuan, malalarawan ang isang tao na sinibulan ng bagong pag-ibig at
umasa na natagpuan na niya ang the one that he/she`ve been searching for
his/her whole life. Umasa, nabigo nagmove-on. Napaka tipikal na love
story. Eh ano ngayon? Bakit kailangan kong sabihin sayo to?
Ito
ay isang halimbawa lang na maaring magpatunay na may mga kaalaman
tayong pinanghahawakan na maaring may ibang katuturan na sumasalungat sa
katotohanan nito. Kaya ikaw na ang bahala kung maniniwala ka sa akin o
hindi. Hindi kita pipilitin. Salamat sa pagbabasa. Wag ka sanang ma-leron-leron sinta.
- Lawrence Avillano
Sabi na nga ba't may hugot talaga ang kantang to eh HAHAHAH. Kuya Lawrence naman eh. Seryoso? 😂
ReplyDeleteHayae na. Wala lang akong magawa niyan. Haha!
ReplyDeleteNice :D Haha
ReplyDeleteNice Mo To. Haha
ReplyDeletemajusay! e paano naman yung kanta ng mga bata na...
ReplyDeleteLangit lupa impyerno...in-im-im-im pyerno!
Saksak puso tulo ang dugo...
Patay..buhay...
Alis ka na diyan!
ahhhh ehh.....
ReplyDeleteSa pamamagitan ng chant na yan (na ginagamit sa isang uri ng laro na involved ang hagdanan, kung di ako nagkakamali) Nagiging aware ang mga bata sa mga consequences ng mga kilos, gawi etc.
Sak-sak puso; tulo dugo >Consequence<Patay/buhay
Alis ka na diyan...
Dahil kung anong gagawin mo sa lupa ay pwedeng magdala sayo sa impyerno o sa langit
Kaya nasa gitna ang lupa..
At kung nasa impyerno ka may roon kang tatlong chance ( Sa loob ng buong laro) na...
MAKAPAG CHANGEFOOT
****************
ReplyDeleteeh pano naman ung magtanim ay di biro?
ReplyDeleteGaling
ReplyDeleteGaling hahaha prang si Kaalaman
ReplyDeletepwede po bang gumawa kayo nang Salin ng sariling bersiyon
ReplyDeleteng leron leron sinta
ReplyDeletegaling HAHHAHHAHAHA👏😂
ReplyDeletevhkcgjxdsfzxfh
ReplyDeleteang alam ko "kapos-kapalaran" 'yon
ReplyDeleteKapos kapalaran po ang alam ko ehh... Pero ewan ko kung ganun sa iba...
ReplyDeleteParang ang sarap nalang tumambay dito HAHAHA isang hugot pa nga po.
ReplyDeletehuhu napadpad lang ako dito dahil sa module pero masaya din pala dito HAHAHA
ReplyDeleteAnong damdamin Ang nag hahari sa waiting leroleron sinta ?.I hope you will notice itr Lawrence Avillano
ReplyDeleteKalungkutan my friend..
DeleteDahil matapos magbuhos ng effort kailangan lang humanap ng iba.
HAUAHAHAHA ANG GALING NABUGA KO YUNG KAPE AHAHHAHAA witty yet very helpful
ReplyDeleteWag magkape. Masama sa kalusugan my friend.
DeleteWe have the same idea about the meaning or message of this song. Maaaring iyon naman talaga ang ipinapahiwatig ng orihinal na sumulat nito. Thank you, mas lumakas ang kutob ko na ganun nga iyon ��
ReplyDeleteAng tagal tagal ko nang nagtataka kung bakit may buko yung papaya. hindi pala coconut ibig sabihin nun. hahaha.
ReplyDeleteSerioso ba to hahahahah
ReplyDeleteAnnsssswwweeeerrrrr😭
ReplyDeleteboy hugot
ReplyDelete