![]() |
Puno ng Papaya |
"leron-leron sinta
buko ng papaya
dala-dala`y buslo
sisidlan ng bunga
pagdating sa dulo
nabali ang sanga
a dios kapalaran
humanap ng iba"
Pamilyar
ka na siguro sa mga linyang ito. Isang simpleng himno na paulit-ulit
nating inawit noon sa Elementarya. Sa makatuwid ang "leron-leron sinta"
ay napapaloob sa kategoryang awitin o himig pambata. Kung ganyan ang
iyong paniniwala, you are absolutely wrong my friend.
Kung
lilimiing mabuti, Mapagtatanto na ang leron-leron sinta ay hindi lang
basta isang awiting pambata, Ito ay isang himig pambata na may temang
pangmatanda (Face grin). Maari rin natin itong ituring na kundiman o
love song kumbaga. Sapagkat kung pakasusuriin, ang diwa ng nursery rhyme
na ito ay tumutukoy sa isang naunsiyaming pagibig. Halukayin natin sa
pamamagitan ng pagsasaling diwa.
Leron-leron sinta - (Kunwa-kunwaring pagibig)
Buko ng papaya - ( Buko - bago pa lamang sumisibol, bago pa lang nararamdaman. Nasa getting to know each other period palang kumbaga)
Dala-dala`y buslo - (pero may nararamdamang pagasa)
Sisidlan ng bunga - (na pinaghuhugutan ng lakas ng loob)
Pagdating sa dulo - (pero sa parteng huli)
Nabali ang sanga
- (wala naman pala "this is the sorry to burst your bubble thing",
Paasa mode, Friend zone at kung ano-ano pang ka jejemonan na yun din
naman ang ibig sabihin)
a dios kapalaran - (paalam na a dios "I love you Goodbye girl")
humanap ng iba - ( dahil bigo "Move on" humanap na ng iba)
Sa
kabuuan, malalarawan ang isang tao na sinibulan ng bagong pag-ibig at
umasa na natagpuan na niya ang the one that he/she`ve been searching for
his/her whole life. Umasa, nabigo nagmove-on. Napaka tipikal na love
story. Eh ano ngayon? Bakit kailangan kong sabihin sayo to?
Ito
ay isang halimbawa lang na maaring magpatunay na may mga kaalaman
tayong pinanghahawakan na maaring may ibang katuturan na sumasalungat sa
katotohanan nito. Kaya ikaw na ang bahala kung maniniwala ka sa akin o
hindi. Hindi kita pipilitin. Salamat sa pagbabasa. Wag ka sanang ma-leron-leron sinta.
- Lawrence Avillano