Showing posts with label pinoy. Show all posts
Showing posts with label pinoy. Show all posts

Saturday, July 8, 2017

Ibat-ibang Uri ng Anting-Anting o Agimat

Mga anting-anting, agimat at kakaibang galing
Madalas nating marinig, lalo na sa matatanda, ang mga kwento tungkol sa mga taong may anting o agimat. Bukod pa roon, madalas din itong matagpuan sa mga panitikan kung saan ang mga tauhan ay nagtataglay ng kakaibang katangian at galing sa pakikipaglaban.


Ang anting o agimat ay nagbibigay ng mga hindi pangkaraniwang kakayanan. Kung hindi man kakaibang husay sa pakikipaglaban, kakayahang labanan ang sakit,  o kakayahang gumamot ang mga ito ay maari ring magdala ng swerte.  Ito ang isang dahilan kung bakit marami ang gustong magkaroon nito.

Iba-iba ang tawag sa mga ito. Depende sa kakayanan na maaring taglayin ng isang tao o depende sa pinagmulang rehiyon. Narito ang listahan ng mga anting o agimat mula sa ibat-ibang dako ng Pilipinas

Anting-anting o Agimat sa iba`t-ibang panig ng Pilipinas.


Odom ng mga Bikolano o Satagabulag  - ang taong nagtataglay ng agimat na ito ay may mkakayahang maging invissible o mahusay sa pagtatago.

 Sa Gabe o Wiga - Hindi nababasa ang nagtataglay nito kahit pa maglakad siya sa ilalim ng ulan.

 Sa Tagahupa - Ito ay ang galing sa pagpapasunod o pagaawat. Sinasabing kahit pa masidhi ang galit ng isang tao kung kakausapin ng may sa tagahupa nagiging parang tupa sa bait

Pulang Korales - isang uri ng Coral na sinasabing humihigop ng swerte kaya mapalad ang makakatagpo nito.

Karbungko - Isang uri ng batong nagliliwanag sa sa tuwing natatapat sa lugar kung saan may ginto.
Iniingatan ito ng mga ahas.

Ang batong karbungko ayon sa deskripsiyon sa mga panitikan.
Ang Batong Karbungko, isang uri ng agimat, ayon sa deskripsiyon sa mga panitikan


Agsam - isang uri ng baging na matatagpuan lamang sa mga lib-lib na lugar sa Mindanao. Ginagawa itong bracelet na may kakayahang magtaboy ng masasamang espiritu, engkanto at mga lamang lupa.

Pamako - ang may sa pamako ay nagagawang paralisahin ang mga nakakaalitan o sino man na gusto niyang paralisahin.

Pangil ng Kidlat - magtatagpuan sa mga lugar na tinamaan ng kidlat. Ang makakakuha nito ay magtataglay ng hindi matatawarang lakas ng katawan.

Mutya ng Bulak - ang mutya ng bulak ay isang maliit bato namatatagpuan sa loob ng tuyong bulak. Ang may mutya ay may kakaibang gaan ng katawan. Makikita ang husay nila sa pagakyat sa puno dahil kaya nilang tumapak kahit na sa mililiit na sanga dahil sa gaan ng katawan.

Mutya sa Palos - ang makakuha ng mutya sa palos ay may kakaibang liksi ng katawan kaya magaling silang tumakas. Gustong-gusto ito ng mgga kawatan.

Mutya ng Tawak - ito ay maliit na bato na maaring makuha mula sa lungga ng ahas o agawin mula sa ahas mismo. Hindi tatalaban ng kamandag ng ahas ang magtataglay nito

Tagaliwas - ang may sa tagaliwas ay hindi tinatamaan ng bala o ng ano pa mang bagay na maaring makapaminsala

Kabal - ang taong may sa kabal ay may makunat na balat na hindi tinatablan ng matatalaas at matutulis na bagay tulad ng itak at bala

Ilan lamang ang mga ito sa mga uri ng anting-anting o agimat ng mga Pilipino.
May kilala ka bang tao na mayroong anting-anting?
May alam ka pa bang uri nito na hindi matatagpuan sa listahan?

Friday, February 24, 2017

Filipino Superstition Can Animals and Insects Predict Calamities?


Can Animals Predict Natural Disasters Like Earthquakes and Typhoons?


According to the Roman writer Aelian (On Observing Animals Before the Massive Earthquake that Vanished Helike 11.19): “For five days before Helike disappeared, all the mice and martens and snakes and centipedes and beetles and every other creature of that kind in the city left in a body by the road that leads to Keryneia. And the people of Helike seeing this happening were filled with amazement, but were unable to guess the reason. But after these creatures had departed, an earthquake occurred in the night; the city subsided; an immense wave flooded and Helike disappeared, while ten Spartan vessels which happened to be at anchor were lost together with the city”.

Helike was an ancient Greek city that was submerged by a tsunami in the winter of 373 BC. It was located in Achaea, northern Peloponnesos (As cited from; http://www.helike.org/sources2.html)


Cats Can Sense a Typhoon Coming


Cats can predict typhoons
Cats can predict typhoons as asserted by the elderlies


That can be linked to the Filipino superstition asserting that animals such as rats, dogs and cats can predict calamities and natural disasters. When I was a child, I can clearly remember my grandmother telling me that “ Kapag kinutkot na ng pusa na yan  ang bubong sigurado nang babagyo” (When the cat starts scratching the roof, there would be a typhoon for sure) and a week later it happens.

During the typhoon, my Grandmother observed the cat keenly.  I heard her telling my mother  “Kapag lumundag na palabas ng bahay ang pusa sumunod ka na kung ayaw mong mabagsakan ng bahay na giba” (Once the cat skipped out of the house you have to follow suit if you don’t want the debris of your broken house to fall on you). Luckily, the cat did nothing.  It slept all night long.


A Scientific Explanation Behind the Phenomenon


There are plenty of articles and researches stating that animals react to certain environmental indicators serving as precursors to disasters such as typhoons and earthquakes. As an example, animals like dogs (and ducks too) can sense changes in humidity and temperature. When the air`s humidity and temperature change, dogs will come inside before it rains. Because of their careful observations, our ancestor may say that ducks and dogs can predict that rain is coming.

Looking at the case of that Super Pusa who can predict typhoons, cats can hear sound frequencies up to 70, 000 Hz. Cats can hear better than human. It is not impossible that it can sense vibrations that we, humans, can`t. Those vibrations can frighten or irritate them, prompting them to react and behave in such strange way that our elders perceived as predictors to natural dilemmas. In our Super Pusa`s case, that would be scratching the roof.
Dogs can sense changes in humidity
Dogs can sense changes in humidity


Ants Can Predict Rainy Days

Ants can predict rainy days



Another urban legend is that, ants can predict that rainy days is coming. And yes, ants are awesome for that purpose. I had observed ants myself. Before the rainy season begin, ants go out of their nest and  eagerly gather foods as preparation for the rainy days. They also start climbing the walls evacuating to higher places. Once I had seen ants in a hurry, evacuating their entire colony from the ground. I saw them carrying small pale ants and their food to a small hole on our house`s foundation. After 5 hours, it rained, flooding the entire ground where they came from. That made me think that they can detect environmental changes, that we are not able to.


Relationship Between Oarfish Beachings and Earthquakes


On the news, is a series of beaching of Oarfish in Mindanao before and after the 6.7 magnitude earthquake that hits Surigao on February 10, 2017. It occurs as follows;

“A series of beaching of oarfishes along Butuan Bay, Agusan del Norte were reported particularly in Barangay Masao, Butuan City and in the municipality of Nasipit on January 19, the municipalities of Buenavista on February 8, Tubay on February 13, and Carmen on February 15, 2017. Published news associated these events with the magnitude 6.7 earthquake that hit Surigao City on February 10, 2017”

As quoted from “STATEMENT ON THE REPORTED BEACHING OF OARFISH IN SEVERAL COASTAL AREAS IN NORTHEASTERN MINDANAO ASSOCIATED WITH THE MAGNITUDE 6.7 EARTHQUAKE” By the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources. (http://www.bfar.da.gov.ph/BFARnews?id=270)

          A Japanese myth explains that the appearance of oarfish signal an earthquake. The beaching of undetermined number of oar fishes from December 2009 to March 2010 preceded the Tohoku earthquake and tsunami in March 2011. It is known in Japanese folklore as “Messenger from the Sea God”s Palace.

It is not impossible that Oarfishes can predict earthquakes. Oarfishes are deep sea fish living near the sea or ocean bottom, at depths of between 200 to 1,000 meters. It enables them to sense tremors on the active faults of the seabed or oceanic crust and other changes therein.

This only proves that some Filipino Superstitions have scientific basis and is a result of careful observations of the surroundings. Though we can`t directly say that animals and insects can predict the weather and disasters. It is still helpful for us to observe their behavior because animals and insects are more tuned into cues from nature such as changes in pressure, temperature, humidity, wind direction, speed and velocity and sounds of the upcoming debacle.

                

Friday, January 20, 2017

ANG PANINIWALA NG MGA PILIPINO TUNGKOL SA MGA ENGKANTO


Naniniwala ba ang mga Pilipino sa mga Engkanto? 


Mga Engkanto at Engkantada
Mga Engkanto at Engkantada


   Simula pa nuong unang-una lubos na talagang naniniwala ang mga Pilipino na may mga engkanto at lamang lupa. Bagaman hindi nakikita , sinasabing nasa paligid lamang  sila at namumuhay na katulad nating mga normal na nilalang.

Ano nga ba ang mga anyo at uri ng mga engkanto?

shape shifter
Engkantong shape-shifter


    Ayon sa mga matatanda at sa mga may karanasan na. May ibat-ibang kaanyuan ang mga engkanto. Mayroong kalahating tao at kalahating hayop. Mayroon din namang mga hayop na may kakayahang magsalita o makipag usap sa mga tao. May nagsasabing ang mga engkanto daw ay anyong tao din na may bihis maharlika at aristokrata, katulad ng mga sinaunang tao.

Ayon  naman sa iba sila ay mga taong may mataas na antas nga pamumuhay. Maiuugnay dito ang mga kwento tungkol sa maalamat, kagilagilalas at misteryosong isla ng Biringan sa Samar. Sinasabing ang Biringan Island daw isang isla na natatago sa mata ng karamihan. Nagku-kuwento ang ilang tagaroon na naranasan na daw nila ang makarating sa nasabing Isla Biringan sa Samar at ang iba naman ay pinagpakitaan ng misteryosong Biringan Island


Saan matatagpuan ang mga Engkanto?


      Matatagpuuan ang mga engkanto sa halos lahat ng lugar. Sa kabundukan, sa kagubatan, sa dagat, sa mga ilog at sapa at maging sa mga matataong lugar man. Sinasabing ang daan daw patungo sa daigdig ng mga engkanto ay nasasa malalaki at matatandang puno, sa mga batuhan at sa malalim na ilog at sa ilang piling lugar.

Ano ng epekto ng paniniwala sa engkanto at lamang lupa sa buhay at kultura ng mga Pilipino?


Engkanto


     Ang paniniwala sa mga engkanto ay maiuugnay sa pagiging magalang ng mga Pilipino at sa pagiging mapagmahal sa kalikasan. Magalang na tinatanggap ang mga bisita, kahit na ang mga estranghero, lalung- lalo na sa mga liblib na lugar sa mga lalawigan sapagkat maari daw na ang taong ito ay isang engkanto na nag-anyong tao. Maaring magtamo ng mabigat na kaparusahan ang sinumang magtataboy at hindi magbibigay ng tulong sa  isang pulubing humihingi ng kaunting tulong o nakiki-inom lang ng tubig. Ang malawakang tagtuyong naganap sa isang lalawigan sa Mindanao ay sinasabing  naging resulta ng pagdadamot ng mga mamamayan sa mga pulubing nakiki-inom.


 Lubos naman ang pag-aalaga ng mga Pilipino sa mga matatandang puno sapagkat sinasabing  duon nanahan  ang mga engkanto. Madalas din silang magpasintabi sa tuwing dadaan sa mga malalaking bato, sa mga sapa at batis at sa tuwing maglulunoy sa  mga ilog. Sinasambit nila ang salitang “ tabi-tabi po nuno” sa tuwing magagawi sa mga lugar na pinaniniwalaang pinamamahayan ng mga engkanto.

Ang pagkakaroon ng albularyo “shaman” ay maiuugnay din sa paniniwala ng mga Pilipino sa engkanto. Sa tuwing may mga hindi pangkaraniwang sakit ang isang tao, katulad ng biglaang pagtubo ng mga bukol sa katawan at pamamaga, dinadala nila ito sa isang albularyo upang masuri at isagawa ang “pagsusuob o pagtawas” upang matukoy kung ang karamdaman ay kagagawan nga ng isang engkanto. Kung mapatunayang kagagawan nga ito ng engkanto, isasagawa ang isang ritwal ng pag-hingi ng tawad. Karaniwan nang nag-aalay ng isang buhay na manok at malagkit na bigas sa lugar kung saan sinasabing nanahan ang engkantong nasaktan.Kung totoo man o hindi ang pag-iral ng mga engkanto. Ang  paniniwalang ito ay may malaking ambag kulturang Noypi

Lawrence Avillano 2017


Friday, September 16, 2016

Ang Alamat ng Langaw


Alamat ng langaw
Isang libong taon matapos ang malawakang pagbaha na gumunaw sa mga sinaunang sibilisasyon. Sumilang ang isang kaharian sa isang lambak sa pampang ng ilog Yuan sa bahagi ng mundo na kilala bilang Tsina ngayon. Ito ang kaharian ng Yum-Yum na pinamununuan ng biyudong si Haring Tsing-Tsang-Tsu.

Sa kasagsagan ng pamumuno ng hari naging napakaunlad ng buong pamayanan. Ano pa`t namuhay ang lahat nitong mamayan sa hindi matatawarang karangyaan. Masaya na sana ang hari, kundi lang dahil sa nagiisa niyang anak na si Lang Ao.

Mayabang itong si Lang Ao. Palagi niyang ipinagmamalaking siya ang nagiisang anak ng hari. Ang magiging tagapagmana ng kaharian. Maluho siya at laging laman ng mga kasiyahan. Hindi siya papayag na hindi siya iimbitahan sa kahit na pinakamaliit na salu-salo sa kanilang nasasakupan. At kung mangyari ito, ipadadala niya ang kanyang tauhan upang ipatigil ang kasiyahan.

Wala naman sanang masama kung maimbita si Lang Ao sa mga handaan. Ang problema nga lang ay ang ubod niyang kayabangan. Gusto niyang sa kanya nakatutok ang atensiyon ng lahat at siya ang aasikasuhin ng may paganap. Bukod pa sa taglay niyang kalikutan at katakawan. Mahirap siyang pagsabihan. Kung makinig man ay agad ring naguuli. Palagi ngang ganoon si Lang Ao. Hanggang sumapit ang isang araw sa kanyang buhay na hindi malilimutan ng buong Yum-Yum.

Unang araw iyon sa unang linggo ng tagsibol. Ang mga araw na mainam para sa kasal ayon sa kulturang Tsino. Kaya naman kabi-kabila ang kasalan. Sa makatuwid dagsa rin ang imbitasyon para kay Lang Ao. Imbitado siya ng lahat ng may pakasal sa tagsibol na iyon, maliban na lamang sa isa. Hindi siya pinasabihan ng pamilyang Ben Ben.

Maraming dahilan ang ama ng tahanan. Isa na dito ang pagiging payak ng gaganaping handaan para sa kasalan. Kaunti lamang ang magiging handa at hindi magtatagal ang kasiyahan sa dahilang kinakapos sila sa mga panahong yaon. Nagkasunod-sunod kasi ang kanyang pagkalugi sa Kalakalang Kipot Malay sapagkat umiinam na rin ang mga kalakal buhat sa ibang kaharian sa Indo-Tsina. At iyon nga ang dahilan kung bakit hindi na inanyayahan ng matanda ang anak ng hari. Bagay na lubos na ikinagalit nito.

Nang dumating ang araw ng handaan naging masaya rin ang lahat sa kabila ng pagiging payak nito. Ngunit sa kalagitnaan ng lahat dumating ang anak ng hari kasama ang mga bayaran nitong tauhan. Galit na galit itong nagtutungayaw.

"Hindi niyo ba alam na ako ang anak ng hari! Ang tagapagmana ng lahat niyang kayamanan! Saan kayo kumuha ng kalapastanganan upang hindi ako anyayahan sa piging na ito?! Saan?!" Halos lumuwa ang mata nito at nanlalaki ang butas ng ilong sa galit.

"Hala! Ibubo ninyong lahat ang handa sa lupa!" Utos nito sa mga bayarang tauhan sa pagkatigagal ng lahat ng naroon. Wala na silang nagawa upang lumaban at ipagtanggol ang sarili sa kahihiyang ginagagawa sa kani la ni Lang Ao.

Matapos maibubo sa lupa ang lahat ng pagkain at inumin sa piging na iyon, sumigaw si Lang Ao sa pinakamatalim niya tinig. "Lamunin ninyong lahat ang mga yan! Kamatayan ang kaparusahan sa hindi susunod!" mariin pa nitong utos.

Ngunit bago pa makasunod ang lahat ay dumating na parang kidlat sa gitna ng piging na yaon si Xiezhi at si Gao-Yao, ang mga Diyos ng katarungan at paglilitis.

Sa pagkakagulantang ng lahat ay sabay nilang pinakawalan ang isang nakasisilaw na liwanag mula sa kanilang palad kasabay ng pagbigkas ng mga salitang "Dahil sa ang mga ginagawa mo ay isang malaking kalapastanganan sa mata ng mga Diyos at `sang katauhan na nagpapakita ng kawalang katarungan, ay isinusumpa ka naming maging isang nilalang na nagtataglay ng iyong mga masamang katangian upang ikaw ay hindi na panularan pa kailanman!"

Lumipas ang ilang sandali at nasaksihan ng mga naroroon ang pagbabagong anyo ng anak ng hari. Si Lang Ao ay naging isang nilalang na kasing laki lamang ng butil ng mais, maitim, may malaking mga mata at may mga pakpak na humuhuni na animoy bulong. Nagpalipad-lipad itong may taglay na kalikutan. Dumadapo sa mga natapong pagkain at pinagkukuskos ang mga kamay na animo ay gutom na gutom.

Sa pagkagulat ng mga naroroon ay natawag nila ang pangalang "Lang Ao! Diyos ko! Nagbago ang anyo no Lang Ao! Si Lang Ao yan!" kagaya na rin ng pagsambit nila sa tuwing nakikita nila ang insektong iyon ng mga sumunod pang araw.


Sa paglipas ng panahon ang Lang Ao ay naging Langaw dahil na rin sa pagsasalin-salin at pagpapalit wika.

Karapatang Ari (Intellectual Property Right)
Bawal Kopyahin ng Walang Pahintulot mula sa May Akda
Makipag Usap  I-Pm sa kanyang Facebook Account-
Lawrence Avillano

Sunday, March 8, 2015

Ang Katotohanan sa Likod ng Leron-Leron Sinta

Puno ng Papaya
Puno ng Papaya

"leron-leron sinta
buko ng papaya
dala-dala`y buslo
sisidlan ng bunga
pagdating sa dulo
nabali ang sanga
a dios kapalaran
humanap ng iba"

Pamilyar ka na siguro sa mga linyang ito. Isang simpleng himno na paulit-ulit nating inawit noon sa Elementarya. Sa makatuwid ang "leron-leron sinta" ay napapaloob sa kategoryang awitin o himig pambata. Kung ganyan ang iyong paniniwala, you are absolutely wrong my friend.

Kung lilimiing mabuti, Mapagtatanto na ang leron-leron sinta ay hindi lang basta isang awiting pambata, Ito ay isang himig pambata na may temang pangmatanda (Face grin). Maari rin natin itong ituring na kundiman o love song kumbaga. Sapagkat kung pakasusuriin, ang diwa ng nursery rhyme na ito ay tumutukoy sa isang naunsiyaming pagibig. Halukayin natin sa pamamagitan ng pagsasaling diwa.

Leron-leron sinta - (Kunwa-kunwaring pagibig)
Buko ng papaya - ( Buko - bago pa lamang sumisibol, bago pa lang nararamdaman. Nasa getting to know each other period palang kumbaga)
Dala-dala`y buslo - (pero may nararamdamang pagasa)
Sisidlan ng bunga - (na pinaghuhugutan ng lakas ng loob)
Pagdating sa dulo - (pero sa parteng huli)
Nabali ang sanga  - (wala naman pala "this is the sorry to burst your bubble thing", Paasa mode, Friend zone at kung ano-ano pang ka jejemonan na yun din naman ang ibig sabihin)
a dios kapalaran - (paalam na a dios "I love you Goodbye girl")
humanap ng iba - ( dahil bigo "Move on" humanap na ng iba)

Sa kabuuan, malalarawan ang isang tao na sinibulan ng bagong pag-ibig at umasa na natagpuan na niya ang the one that he/she`ve been searching for his/her whole life. Umasa, nabigo nagmove-on. Napaka tipikal na love story. Eh ano ngayon? Bakit kailangan kong sabihin sayo to?

Ito ay isang halimbawa lang na maaring magpatunay na may mga kaalaman tayong pinanghahawakan na maaring may ibang katuturan na sumasalungat sa katotohanan nito. Kaya ikaw na ang bahala kung maniniwala ka sa akin o hindi. Hindi kita pipilitin. Salamat sa pagbabasa. Wag ka sanang ma-leron-leron sinta.

 - Lawrence Avillano

Saturday, October 25, 2014

Philippine Folk Dances: Tinikling



Ang #Tinikling ang itinuturing na pambansang sayaw ng Pilipinas ay nagmula sa Kabisayaan sa Lalawigan ng #Leyte. Iniuugnay ito sa pagdiriwang na may kinalaman sa agrikultura.

Ang pangalang Tinikling ay hango sa pangalan ng Tikling ( isang ibon na may mahabang leeg, tuka at paa) sapagkat ginagaya nito ang galaw ng nasabing ibon na kadalasang makikitang palunda-lundag at patakbo-takbo sa mga damuhan

Isinasagawa ito sa saliw ng isang makalumang tugtugin.Gamit ang dalawang piraso ng mahabang kawayan, ginagaya ng mga mananayaw ang mayumi ngunit mabilis na kilos ng ibong Tikling sa tuwing binibitag ito ng mga magsasaka.

Ang Pandesal o Spanish Salt-bread


Naimbento ito noong panahon ng Kastila at naging popular bilang isang pagkaing sa agahan o almusal.

Sinasabing ang kakulangan sa mga sangkap noong panahong `yon ang dahilan kung bakit mga payak na sangkap lang ang ginamit sa pandesal. Ito ay ang harina, itlog, mantika ng gulay, asin at kaunting asukal.

Payak din ang pamamaraan ng pag-gawa nito.Pagkatapos maiwasto ang masa, irorolyo ito sa hugis baston (babastonin) bago gagayatin sa tama at pare-parehong sukat. Ang bawat piraso ay isasawsaw o di kaya naman ay pagugulungin sa mumot ng tinapay o bread crumbs. Hahantayin muna itong umalsa bago ipasok sa pugon.

Hanggang sa ngayon popular pa rin ang pandesal sapagkat isa ito sa pinaka affordable na pagkain para sa almusal

Malaki ang ginagampanan ng pandesal sa hapag kainan ng bawat pinoy. Tila hindi kumpleto ang almusal kung sa hapag ay walang pandesal. Masarap itong kainin kasabay ng mainit na kape o gatas. Bagaman malambot, hindi maipaliwanag kung bakit gustong-gusto natin itong isawsaw sa kape.

Ang Mga Puno ng Balete at Kababalaghang Pinoy

Balete or Banyan Tree

   Genus: Fycus


Family: Hemi   Epiphytes

Balete or Banyan Tree

Sa hindi mamalamang dahilan, palaging idinadawit sa mga kababalaghan ang mga puno ng balete. Naniniwala ang ilan na sa punong ito naninirahan ang mga lamang lupa, gaya ng dwende, kapre, tikbalang at iba pa. Pinananahanan din daw ito ng mga espiritung ligaw kaya naman naging simbulo na rin ito ng mga katatakutan sa telebisyon.

Ang isa sa pinakatatakutang lugar sa modernong Pilipinas, ang Balete drive, ay ipinangalan sa punong ito. Sinasabing sa isang matandang puno ng balete sa New Manila, Quezon City nagpapakita ang isang white lady na siyang nagiging dahilan ng mga aksidente sa lugar. Bukod duon  marami pang mga pangyayari ang iniuugnay sa punong balete sa nasabing lugar.

Ngunit alam niyo ba na ang pinatuyong sanga, dahon at ugat ng puno ng Balete, kung isasama sa langis ay ginagamit na  pampahilom ng mga sugat. Ang pinakuluang sanga nito ay mabisang gamot sa sakit sa bato.

Ang pinaka matandang puno ng Balete (1328 years old) sa Asya ay matatagpuan sa Kanlaon City, Negros Oriental samantang ang pinakamalaki naman (200 ft talll, 49 ft in diameter) ay matatagpuan sa Baranggay Quirino Ma. Aurora, Aurora Province.

Hindi natin mapabubulaanan kung hindi man mapatunayan ang mga kababalaghang iniuugnay sa mga puno ng balete. Ngunit isa lang ang malinaw, ang mga paniniwala ukol sa puno ng balete ay naging isang karagdagan sa makulay na kultura ng minamahal nating Pilipinas.

Kasaysayan ng Alpabetong (Abakada) Filipino


Bago dumating ang mga Kastila nuong ika-16 siglo ay may sarili nang sistema ng pagsulat ang ating mga ninuno. Ang sistemang ito ay tinatawag na Baybayin (hindi Alibata) na nagmula sa salitang ugat na Baybay (spell).


Ang Baybayin ay binubuo ng  labing-apat na katinig at tatlong patinig.

Noong dumating ang mga Kastila ang baybayin ay pinalitan ng Alpabetong Romano.

Noong 1930`s binuo ni G. Lope K. Santos ( ang itinuturing na ama ng balarilang Filipino) ang isang abakada na may dalwampung (20) titik na kinabibilangan ng  limang (5) patinig at labing-limang (15) katinig na ang tunog o bigkas ay hango mula sa wikang Tagalog.

"a, b , k , d , e g, h, i l, m, n , ng, o, p, r, s, t, u, w, y."


Noong Oktubre 4, 1971, pinagtibay ng Sanggunian ng Wikang Pambansa (Komisyon sa Wikang Filipino na ngayon) ang pinagyamang alpabeto na binubuo ng 31 titik.

Ito ay ang: "a, b, c ch, d, e, f, g, h, i, j, k, l, ll, m, n, ñ,ng, o, p, q, r, rr, s, t, u, v, w, x, y, z"

Muli itong binago kaalinsabay ng pagbabago ng Pambansang Konstitusyon bilang tugon sa mabilis na pagbabago at pag-unlad ng wikang pambansa. Matapos ang mahabang serye ng sanguniang pulong o seminar nabuo ang Alpabetong Filipino na may 28 titik:
" a, b , c, d, e, f, g, h, i, j, k, l, m, n, ñ , ng, o, p, q, r, s, t, u, v, w, x, y, z."

Tuesday, October 21, 2014

Ang Kalabaw Bilang Pambansang Hayop ng Pilipinas

Kalabaw sa tubugan


Ang KALABAW ay dinala ng mga imigranteng Malay sa Pilipinas nuong 300 - 200 BC ngunit may isang uri din ng kalabaw  ang dinala ng mga dayuhang intsik sa bansa (shanghai buffalo) nuong kasagsagan ng panahon ng kastila.

Sa kasalukuyan, karamihan sa mga bagong lahi ng kalabaw ay iniluwas pa mula sa bansang Cambodia.

Malaki ang pakinabang sa kalabaw noon pa man. Bukod sa ito ang pangunahing katulong sa pagsasaka, matatandaang ito rin ang isa sa pinakaunang uri ng transportasyon sa bansa bago pa man dumating ang mga mananakop. Napagkukunan din ito ng sariwang gatas na talaga nanamang kakaiba ang taglay na sarap at sustansiya. Sinasabing ang sungay ng kalabaw ay ginamit ng mga katutubong mandirigma bilang armas at pananggalang.

Sa ngayon, ang Kalabaw ang itinuturing na pambansang hayop ng PIlipinas. Isang hindi matatawarang tatak ng lahing Pilipino. Isang malaking bahagi at pagkakakilanlan ng Kulturang Pinoy.

Kalabaw

Sunday, June 8, 2014

Mga Makaluma at Malalalim na Salitang Tagalog

Minsan sa ating pagbabasa, pakikinig at pakikipag-usap, may maririnig tayong mga salitang hindi pamilyar o di kaya naman ay talagang malalim at hindi natin alam ang kahulugan. Ito ay karaniwan na nating mararanasan sa tuwing tayo ay magbabasa ng mga lumang babasahin gaya ng kwento, nobela at tulo. Kadalasan din natin itong maririnig sa mga matatanda. Narito ang karagdagang bokabularyo ng mga salin ng makaluma at malalim na mga salitang tagalog para sayo.

Danumsigwasan - Hydraulics
Danumsigwasan - Tagalog sa Hydraulics


Mga Malalim at Makalumang Salita

  1. dumatal - dumating
  2. masimod - matakaw
  3. kumakandili - nagmamalasakit
  4. agam-agam - pangambag
  5. bahagdan - porsyento
  6. Balintataw -guni-guni
  7. naapuhap - nahanap
  8. nagkukumahog - nagmamadali
  9. sapantaha - hinala
  10. nabuslot- nahulog sa butas
  11. batalan - lababo
  12. adhika - nais o gusto
  13. balintuna - laban o kabaliktaran
  14. anluwage - karpintero
  15. agsikapin - inhenyero
  16. bahagimbilang - praksyon (fraction)
  17. Sipnayan - tagalog sa mathematics
  18. bathalaan - tagalog ng theology
  19. batlag - kotse (car)
  20. buumbilang - (whole number) lahat
  21. dalubhayupan - tagalog sa zoology
  22. dalubsakahan- tagalog sa agriculture
  23. danumsigwasan- tagalog sa hydraulics
  24. hanggaan - limitasyon
  25. hatimbutod - tagalog sa Mitosis
  26. hatinig - tagalog sa telephone o telepono
  27. isigan - tagalog sa dynamics
  28. sakwil - tagalog sa resistance
  29. tumbasan - tagalog sa equation
  30. palasigmuan - tagalog sa mechanism
Ilan lamang ang mga ito sa mga makaluma at malalim na salitang tagalog.
May alam ka pa bang mga salita na maari nating idagdag dito?
May mga salita ka bang alam na tanging ang mga kababayan mo lang ang makakaunawa?
Tara! Pagusapan natin!

Thursday, October 31, 2013

Undas

Mga Puntod sa Sementeryo
Mga Puntod sa Sementeryo


Ano ang Undas?   


Ang araw ng Undas, isang natatanging araw na inilaan para sa mga namayapa nating mahal sa buhay. Ito ay nagaganap tuwing ika-1 ng Nobyembre taun-taon. Araw na itinakda bilang pista opisyal, kaya naman lahat ay nabigyan ng pagkakataon na makibahagi.

Ang Undas ay kilala rin bilang "Todos Los Santos" sa kastila o "All Saints Day" sa English.Ito ay isa nang matandang tradisyon ng mga Katoliko Romano kung saan inaalala ang lahat ng santo sa unang Linggo pagkatapos ng Petekostes.

Iiisa ang layunin ng Undas saan mang dako ng daigdig. Ito ay upang alalahanin ang mga namayapang mahal natin sa buhay. Sa panahon ng Undas inaalala rin at binibigyang pugay ang mga santo ng simbahang Katoliko Romano. Ang Undas ito ay isang tradisyong inampon mula sa mga Kastila dala ng relihiyong Krisiyano ngunit ito ay  isa nang tradisyon na naging bahagi na ng Kulturang Pilipino.






Pinagmulan ng Salitang Undas.


Ang salitang Undas ay nagmula sa salitang "Honras", isang salitang Espanyol na ang ibig sabihin ay pagpupugay o pagbibigay galang. Sa salitang kastila ang titik "h" ay walang tunog kung kaya ang bigkas ya maririnig bilang "Onras".

Likas sa mga Pilipino noon ang pagkakamali sa pagbigkas  at pagbaybay sa  mga salitang Kastila. Marahil ang salita ay naririnig ng ating mga ninuno sa mga Kastila at naipasa-pasa ang maling bigkas ng "Honras" bilang "Undas" ito rin marahil ang dahilan kung bakit sa ibang lalawigan ay binibigkas din ito bilang "Undras"


Undas sa Pilipinas Noon at Ngayon


   Para sa iilan ang araw ng undas ay isang araw ng kaabalahan. Sila ay yumayaon upang maglinis at mag-ayos ng puntod ng mga namayapang mahal sa buhay. Ang iba naman ay itinuturing itong isang mapagpalang araw sapagkat kumikita sila ng malaki mula sa pagtitinda ng kandila, pagkain at mga bulaklak, at sa paghahatid ng mga serbisyo. Itinuturing din ito bilang isang pambihirang araw na sinasamantala ng iba upang magdaos ng kasiyahan at muling magsamasama ang pamilya.

   Ngunit ano pa man ang maging tingin nila, ang araw undas ay mananatili at dapat manatili bilang isang tunay na  sagradong pagdiriwang. Isang natatanging araw na nakalaan para sa  ating mga namayapang kaibigan at kapamilya. Isang araw kung saan inaalala natin ang kanilang mga nagawang kabutihan, kagitingan, at pagaaruga sa atin noong sila ay nabubuhay pa. Isang araw ng mga bulaklak, kandila, pagninilay at panalangin. Isang araw ng tradisyong tatak na  ng ating pagka-pilipino.

ANG MGA PINOY AT ANG MGA PAMAHIIN

   Bilang isang pinoy, hindi na iba sa atin ang paniniwala sa mga pamahiing minana pa natin sa ating mga ninuno. Ngunit totoo nga kaya ang mga pamahiing ito? Kailangan ba talaga itong paniwalaan at isabuhay? Ano ang epekto nito sa ayung pamumuhay? Ano-ano ang mga pamahiing Pilipino?

pamahiin sa itim na pusa
Itim na Pusa sa Daan

Pamahiin sa Itim na Pusa


   Isa sa mga pangunahing pmahiin na madalas nating marinig ay ang tungkol sa itim na pusa. Ayon sa sabi-sabi, huwag ka na daw tumuloy kung saka-sakaling may nakaharang o kaya`y tumawid na itim na pusa sa daan. Maari daw malasin ka o mgakaroon ng hindi magandang kahihinatnan ang iyong lakad. Ang pamahiing ito ay hind pinaniniwalaan ng marami. Sapagkat ang pagsunod sa pamahiing ito ay magdudulot ng malaking kaabalahan sa isang gawaing dapat natingg gampanan. Isipin na lamang na hindi tayo papasok sa trabaho o eskwela ng dahil lamang sa pusang nakaharang o tumawid sa ating daraanan. Maari itong maging katawa-tawa at hindi katanggap-tanggap para sa ilan, lalo na sa mga banyaga.

Pamahiin sa pagwawalis
Pamahiin sa Pagwawalis


Bakit Bawal Magwalis sa Gabi


   Sa mga pamahiing ito, may ilan din namang kapani-paniwala at may lohikal at siyentipikong kapaliwanagan. Isa ditto ay ang pamahiin tunngkol sa pagwawalis tuwing gabi. Isang gawaing napakasama para sa sinaunang matatanda. Maari mawalis o maitaboy ang suerte palabas ng tahanan. Kung paka-iisipin, maaring totoo nga ito. Isipin na lamang na may isang mahalagang bagay na nahulog sa sahig at mawalis natin ito. Hindi na natin iyon makikita kung sakaling kailanganin na natin nag bagay na iyon.





Isa pang pamahiin ng mga Pilipino sa pagwawalis ay ang direksiyon ng pagtataboy ng kalat kung nagwawalis sa loob ng bahay. Sa tuwing nagwawalis, huwag itataboy ang kalat papunta sa labas ng bahay lalong lalo na sa papunta sa direksiyon ng pinto. Naitataboy daw ang suerte o biyaya kapag palabas sa bahay ang direksiyon ng pagwawalis. Dapat ang pagwawalis ay magmumula sa pinto papunta sa gitna ng sala o kwarto. Sa ganong direksiyon  ang suerte at maiipon sa gitna at magiging makapakipakinabang para sa tao at sa tahanan.

Bakit may mga Pamahiin


   Kung ang  ating mga ninuno man ay gumawa at nagpasimuno ng mga pamahiing iyan, marahil ay may malalim silang layunin o kaya`y kinatha nila ang mga ito upang gabayan tayo at ang mga susunod pang henerasyon. Kapani-paniwala man o hindi ang isang pamahiin ang mga ito ay naging isang tatak na ng pagkakakilanlan ng kulturang Pilipino.

Sunday, October 13, 2013

Mga Lutuing Pinoy

Mga Lutuing Pinoy
Filipino Foods


 Pagdating  sa pagluluto, hindi pahuhuli ang mga pinoy. Sa katunayan libo-libong pinoy ang nagsisilbi bilang kusinero sa ibat-ibang panig ng daigdig. May ilan pa nga na gumawa ng pangalan at umani ng parangal dahil sa taglay na husay sa pagluluto.

 
Bakit mahilig magluto ang mga Pilipino?


Likas sa atin ang hilig pagkain kaya naman halos lahat ng Pilipino ay may kakayahang magluluto. Ang mga lutuing pinoy ay nagpapakita ng makulay na kultura ng ating bansa. Sumasalamin din ito sa ating kasaysayan sapagkat may mga lutuing natutunan natin mula sa mga dayuhang mananakop at mangangalakal.


Dried Dilis

Bakit iba`t iba ang mga lutuin sa bawat rehiyon ng Pilipinas?


Mga pagkain sa iba`t ibang rehiyon ng Pilipinas


     Bawat lalawigan o bayan ay may espesyalidad at ito ay naayon sa heograpiya, sa klima o di kaya nama`y sa mga uri ng hanapbuhay. Halimbawa ang mga bayang nasa baybaying dagat ay may mga espesyal na lutuing lamang dagat, samantalang mga gulay at karne naman ang inihahanda ng mga magsasaka. May ilan din naming mahilig maghanda ng lutuing ma-anghang dahil sa lamig sa kanilang lugar. May mga lugar ding katulad ng lalawigan ng Quezon kung saan niyog ang pangunahin produktong agricultural, kaya naman ang bawat pagkaing inihahanda duon ay palagi na yatang may gata.

Anu-anong pagkain ang tunay na tatak pinoy?



Chicken Adobo
CHICKEN ADOBO

    Kung ang pag-uusapan ay ang pagakaing orihinal na talagang tatak pinoy, wala nang hihigit pa sa adobo at tinola. Ang tinola ang madalas ihain ng mga pinoy sa tuwing may mga panauhing dunadating sa kanilang mga tahanan sapagkat mabilis at madali itong lutuin. Isasangkutsa lang ang manok sa kaunting mantika, bawang sibuyas, paminta at luya pagkatapos ay sasabawan at lalagyan ng upo o di kaya ay papaya, pakukuluan ng limang minuto at may tinola ka na. Yan ang dahilan kung bakit madalas mabanggit ang tinola sa mga aklat na sinulat ng mga dayuhang manlalakbay. Nabanggit din ito sa aklat na Noli Me Tangere at inilarawan bilang pagkain ng mga Indio, manok na ginisa sa luya at nilahukan  ng upo. Ang paghahain ng tinola sa mga bisita ay isang kaugalian ng mga Pilipinona nagpapakita ng magiliw na pagtanggap sa mga panauhin.

Anu-ano ang mga panghimagas ng Pilipino?


     Hindi rin mawawala ang mga matatamis na panghimagas. Kilalang-kilala ang mga Pinoy pagdating sa mga minatamis katulad ng pakumbo, bukayo, panutsa, makapuno, at sampalok. Mga orihinal na panghimagas na talaga namang napakasarap at angkop na angkop sa ano mang okasyon.

     Hindi talaga mahihigitan ang sarap ng mga lutuing pinoy. Masasabi din nating world class ang dating na talagang babalik-balikan ang sarap. At saan man man tayo makarating maipagmamalaki ang mga lutuing Pinoy na isa sa mga makukulay na tatak nag Kultura ng Pilipinas.

- Lawrence Avillano


SHARIFF KABUNGSUAN FESTIVAL


15-19 of December
Cotabato City
Shariff Kabungsuan Festival is held in Cotabato City every 15-19 of December to celebrate the arrival of Shariff Kabungsuan in Mindanao via the Rio Grande, and the introduction of Islam to the native people. It is a very significant event in Cotabato city. As an Islam festival, it become a display of Muslim culture.

There are lots of events during the celebration of the festival. It includes the Alimango festival, cultural presentations, acrobatic shows, culinary competitions featuring traditional dishes, battle of the bands, and exhibits featuring native products.

The high-lights of the  festival Is ”Guinakit” the parade of artistically decorated bancas along the Rio Grande river and the “Pagana Maguindanao”  a traditional way of dining among the Maguindanaons and Maranaos.

http://kulturang-noypi.blogspot.com 13/10/13 By: avel


Tuesday, April 2, 2013

The Tale of The Sun and The Moon From The Mandayan Tribe


Our Childrens use to ask:  Why does the sun lights the day while the moon illuminates the night? Our Filipino Muslim brothers answered the query with a tale. The sun and the moon: a tales from Mindanao

----------------------------------------------------------------------------------------------

THE SUN AND THE MOON

Sun and Moon Equinox
The Sun and the Moon`s Equinox


The Sun and the Moon were married, but the Sun was very ugly and quarrelsome. One day he became angry at the Moon and started to chase her. She ran very fast until she was some distance ahead of him, when she grew tired and he almost caught her. Ever since he has been chasing her, at times almost reaching her, and again falling far behind.

The Origin of Stars

Origin Of Stars
River of Stars: View of a night sky from a Canyon


The first child of the Sun and Moon was a large star, and he was like a man. One time the Sun, becoming angry at the star, cut him up into small pieces and scattered him over the whole sky just as a woman scatters rice, and ever since there have been many stars.

Why There is Low Tide and High Tide?

LowTide
A view if a shore during low tide


Another child of the Sun and Moon was a gigantic crab.  He still lives and is so powerful that every time he opens and closes his eyes there is a flash of lightning. Most of the time the crab lives in a large hole in the bottom of the sea, and when he is there we have high tide; but when he leaves the hole, the waters rush in and there is low tide. His moving about also causes great waves on the surface of the sea.

The crab is quarrelsome like his father; and he sometimes becomes so angry with his mother, the Moon, that he tries to swallow her.  When the people on earth, who are fond of the Moon, see the crab near her, they run out of doors and shout and beat on gongs until he is frightened away, and thus the Moon is saved.


And that explains why there is night and day, why there are stars and why there is low tide and high tide.





Wednesday, September 21, 2011

THE ANTING-ANTING OF MANUELITO


The Anting-Anting is a stone or other small object covered with cabalistic inscriptions. It is worn around the neck, and is supposed to render its owner impervious to knife or bullet. Many are wearing these charms, especially the Tulisanes or outlaws. The Anting-Anting must not be confused, however, with the scapular, a purely religious symbol worn by a great number of the Christian Filipinos.
Many of the older Filipinos remember Manuelito, the great Tulisane, who, more than fifty years ago, kept all the Laguna de Bai district in a state of fear. His robber band was well organized and obeyed his slightest wish. He had many boats on the lake and many hiding places in the mountains, and throughout the country there was no villager who did not fear to oppose him, or who would refuse to help him in any way when required to do so.
In vain the Guardia Civil hunted him. Many times they surrounded the band, but Manuelito always escaped. Many shots were fired at him, but he was never hit; and once, when he was cut off from his men and surrounded, he broke through the line, and though fifty bullets whistled around him he did not receive a scratch.
The officers of the Guardia Civil blamed their men for the bad marksmanship that allowed Manuelito to escape. They told all the people that it should never occur again, and promised that the next fight should end in the death of the outlaw. The people, however, did not believe that Manuelito could be killed, for he wore on his breast a famous Anting-Anting that he had received from Mangagauay, the giver of life and death.
This charm was a stone covered with mysterious signs. It was wrapped in silk and hung by a string from the robber's neck, and even if a gun were fired within a few feet of him the Anting-Anting was sure to turn the bullet in another direction. It was this charm that always saved him from the Guardia Civil.
Manuelito was very proud of his Anting-Anting, and many times, when a fiesta was being held in some town, he and his band would come down from the mountains and take part in the games. Manuelito would stand in the town plaza and allow his men to shoot at him, and each time the Anting-Anting would turn aside the bullets. The people were very much impressed, and though a few of the wiser ones secretly thought that the guns were only loaded with powder, they were afraid to say anything; so the greater number thought it very wonderful and believed that there was no charm so powerful as the Anting-Anting of Manuelito.
For years the Tulisane, protected by his charm, continued to rob and plunder. The Guardia Civil hunted him everywhere, but could never kill him. He grew bolder and bolder, and even came close to Manila to rob the little towns just outside the city.
At last the government grew tired of sending out the Guardia Civil, and ordered a regiment of Macabebes to hunt and kill the Tulisane and his men.
Manuelito was at Pasay when news was brought to him that the Macabebes were coming. Instead of running from these fierce little fighters, he decided to meet them, and many people offered to help him, believing that the Anting-Anting would turn away all bullets and give them victory. So Manuelito and many men left the town, built trenches in the hills near San Pedro Macati, and waited for the Macabebes to appear.
They had not long to wait. The Macabebes, hurrying from Manila, reached San Pedro Macati and soon found that Manuelito was waiting to fight them. They left the town at once and advanced on the Tulisane trenches.
It was a great fight. From the other hills close by many people watched the battle. Five times the Macabebes advanced, and were forced to fall back before the fierce fire of the Tulisanes. But the Macabebe never knows defeat, and once more their line went forward and in one terrible charge swept over the trenches and bayoneted the outlaws. In vain Manuelito called on his men to fight. They broke and ran in every direction. Then, seeing that all was lost, Manuelito started to follow them; but a volley rang out, and, struck by twenty bullets, he fell to the ground dead. The Macabebes chased the flying Tulisanes and killed that of all the band only a few many, safely reached the mountains.
While the Macabebes were chasing the outlaws, many people came down from the hills and stood around the body of Manuelito. They could hardly believe their eyes, but the many wounds and the blood staining the ground proved that the great Tulisane was indeed dead.
What of the Anting-Anting? Had it lost its power?
One man timidly unbuttoned the shirt of the dead robber and pulled out the charm. The mystery was explained. Fixed firmly in the center of the Anting-Anting was a silver bullet. There was but one explanation. The Macabebes had melted a statue of the Virgin and used it to make bullets to fire at Manuelito. Against such bullets the charm was useless, but against ordinary lead it never would have failed. Had not the people seen Manuelito's own men fire at him?
The charm was taken from the neck of the dead Tulisane and many copies were made of it. Even to this day hundreds of people are wearing them. They will tell you about Manuelito's great fight and also about his famous Anting-Anting.
"But," you say, "the Anting-Anting was useless. Manuelito was killed."
They answer, "Yes, Senor, it is true; but the Macabebes used bullets of silver. Had they used lead the story would have been different. Poor Manuelito!"
When the Lilies Return
A legend of the Chinese Invasion. Quiapo, even at the time of the early Spaniards, and for years after, was a deserted field. The story is an old one and generally known to the Tagallos.
At the time when the Pasig flowed peacefully along between flowery banks; when its breast was not torn by puffing steamers; and when only a few clustering huts marked the present site of Manila, there grew on the banks of the river a beautiful field of lilies.
The lilies glistened like silver in the sunlight, and their sweet odor filled the air with delicious perfume. No hand plucked them from the earth, and no foot trampled out their fragrance; for an ancient prophecy had said that while the lilies stood the happiness of the people should endure.
But after a time there came dark days in the history of the Philippines. Yellow hordes swept across the water and carried all before them. The people could hardly expect to resist the invaders, for their warrior king, Loku, had profaned the word of the god, and, in the form of a lizard, was fulfilling his punishment. Their armies were weak and scattered, and the conquerors marched on in triumph.
As report after report of disaster reached Luzon, the people trembled for the safety of their fair land. Warriors gathered hastily for the defense of the nation, and all waited for the enemy to appear.
One day the water was dotted with the junks of the invaders. They came slowly down the bay, and anchored near the mouth of the Pasig.
Then from the boats poured the yellow warriors. Spears rained upon them, stones and arrows laid them low, but their numbers were countless. The people were swept back along the river banks.
Fiercely they fought, but numbers told against them. Foot by foot they were pressed back, till they stood on the border of the field of lilies, where they made their last stand. But it was to no purpose.
The invaders poured from the ships, and in one desperate charge drove back the ranks of the people, who fought and died among their sacred lilies.
All through the night the battle raged, and at daybreak, when the victorious invaders rested on their spears, the beautiful field was no more.
The lilies were crushed and torn. The bodies of dead and dying warriors lay everywhere, and the crushed flowers were stained with the blood of friend and foe. The peace of the land was lost.
Many years have passed since then. New races have come to the Islands, and new manners and customs have been introduced. The Pasig still flows on to the sea, but its banks are harnessed by bridges. Lofty dwellings and stores take the place of the little huts, and a great city marks the site of the little village.
Where once was the beautiful field is now a busy part of the great city. It is called Quiapo, after the lilies. Many of the older people remember the prophecy and wonder if the lilies will ever return.
The land is now a peaceful and contented one. Comfort and happiness may be found among its inhabitants. Perhaps the fair, strange women from the great land over the sea are the lilies. Who can tell?