Minsan sa ating pagbabasa, pakikinig at pakikipag-usap, may maririnig tayong mga salitang hindi pamilyar o di kaya naman ay talagang malalim at hindi natin alam ang kahulugan. Ito ay karaniwan na nating mararanasan sa tuwing tayo ay magbabasa ng mga lumang babasahin gaya ng kwento, nobela at tulo. Kadalasan din natin itong maririnig sa mga matatanda. Narito ang karagdagang bokabularyo ng mga salin ng makaluma at malalim na mga salitang tagalog para sayo.
Danumsigwasan - Tagalog sa Hydraulics |
Mga Malalim at Makalumang Salita
- dumatal - dumating
- masimod - matakaw
- kumakandili - nagmamalasakit
- agam-agam - pangambag
- bahagdan - porsyento
- Balintataw -guni-guni
- naapuhap - nahanap
- nagkukumahog - nagmamadali
- sapantaha - hinala
- nabuslot- nahulog sa butas
- batalan - lababo
- adhika - nais o gusto
- balintuna - laban o kabaliktaran
- anluwage - karpintero
- agsikapin - inhenyero
- bahagimbilang - praksyon (fraction)
- Sipnayan - tagalog sa mathematics
- bathalaan - tagalog ng theology
- batlag - kotse (car)
- buumbilang - (whole number) lahat
- dalubhayupan - tagalog sa zoology
- dalubsakahan- tagalog sa agriculture
- danumsigwasan- tagalog sa hydraulics
- hanggaan - limitasyon
- hatimbutod - tagalog sa Mitosis
- hatinig - tagalog sa telephone o telepono
- isigan - tagalog sa dynamics
- sakwil - tagalog sa resistance
- tumbasan - tagalog sa equation
- palasigmuan - tagalog sa mechanism
Ilan lamang ang mga ito sa mga makaluma at malalim na salitang tagalog.
May alam ka pa bang mga salita na maari nating idagdag dito?
May mga salita ka bang alam na tanging ang mga kababayan mo lang ang makakaunawa?
Tara! Pagusapan natin!
No comments:
Post a Comment