Tuesday, June 3, 2014

Phishing at Iba Pang Pandaraya sa Internet

Ano ba ang Phishing? 

Ang Phising ay isa sa mga pamamaraan ng mga mangagantso o scammers sa internet, kung saan ginagaya nito ang itsura at laman ng mga mahahalagang website na madalas nating gamitin. Karaniwang ginagamit ang mga website na naglalaman ng mga mahahalaga at sensitibong  impormasyon tungkol sa iyo o sa mga ginagawa mong transakyon katulad ng website ng mga bangko, eskwelahan, social media at iba pa.


Phishing
Isang Paglalarawan ng Phishing


Paano Isinasagawa ang Phishing?

Ang pangkaraniwang pamamaraan ng mga kawatan ay ang pagpapadala ng e-mail, mensahe sa chat o text message na pupukaw sa iyong interes kung saan sinasabing kailangan na ng madaliang aksyon. 

Ang mensahe upang maging epektibo ay humihingi ng atensyon  tulad ng: 

1.      isasara ang iyong account sa (bangko, social media, paypal, at iba pa) 
2.      may naganap na malaking transaksyon gamit ang iyong pangalan at account 
3.      may mga mali sa iyong parerehistro 
4.      mayroon kang mga bagong utang 
5.      naaprubahan ang iyong request para sa  credit card
6.      may gumagamit ng iyong social media accounts 
7.      at iba pa. 

Paano makikilala ang isang Phishing e-mail o message? 


Ito ay pangkaraniwan nang gumagamit ng generic o default na header at pagbati

1.      To our beloved customer 
2.      To our valued user 
3.      Pangalan ng kompanya, Establisyemento, website. 

Ito ay nangangahulugan lamang na ang mensaheng iyong natanggap ay ipinadala sa pamamagitan ng bulk mail services o maramihang pagsend. 

Iba Pang mga Palatandaan

1.      Gumagamit ng isang larawang HTML (HTML Images Mapping ) kung saan natatago ang tunay na nilalaman ng mga link at hindi kayang basahin kung walang add-on para sa script.                                        
2.       Humihingi ng reply sa unsecured at unencrypted connection. Yan ay upang mairedirect ka sa pekeng site kung saan kinakailangang ipasok ang iyong username at password at iba pang mahalagang impormasyon. 

Ano ang mga Paunang Hakbang Na Dapat Mong Gawin?

Upang makita ang tunay na URL sa likod ng link. Ihover ang iyong mouse sa mga link. Lalabas ang tunay na url sa pinaka kaliwang bahagi ng screen. 


1.      I-click ang reply upang makita ang orihinal na address ng nagpadala. ( pero wag isend)                
2.      I search sa google ang nakuhang address at URL at i-ugnay ng mga salitang scam, spam at phishing. 


Ano ang Dapat Mong Gawin Upang Makaiwas sa Phishing? 


1.      Huwag i-click ang link 
2.      Huwag magreply 
3.      I-mark as unread bago isend sa spam o itabi sa ibang folder kung nagaalangan ka 
4.      Magtungo sa lehitimong website at icheck ang account 
5.      Mag e-mail sa customer service at magtanong. Maari ka ring magpadala ng kopya ng natanggap na e-mail upang ivalidate ito. 


Ano ang dapat gawin kung nakapagpasok ka na ng mahahalagang impormasyon sa pekeng website? 


1.      Ipagbigay alam agad sa kinauukulan upang malapatan ng mga legal na aksyon. 
2.      Magpalit ng password 
Para sa mga katanungan, maari kang magiwan ng komento o i-like ang aming Facebook Page