Showing posts with label pilipinas.. Show all posts
Showing posts with label pilipinas.. Show all posts

Friday, September 16, 2016

Ang Alamat ng Langaw


Alamat ng langaw
Isang libong taon matapos ang malawakang pagbaha na gumunaw sa mga sinaunang sibilisasyon. Sumilang ang isang kaharian sa isang lambak sa pampang ng ilog Yuan sa bahagi ng mundo na kilala bilang Tsina ngayon. Ito ang kaharian ng Yum-Yum na pinamununuan ng biyudong si Haring Tsing-Tsang-Tsu.

Sa kasagsagan ng pamumuno ng hari naging napakaunlad ng buong pamayanan. Ano pa`t namuhay ang lahat nitong mamayan sa hindi matatawarang karangyaan. Masaya na sana ang hari, kundi lang dahil sa nagiisa niyang anak na si Lang Ao.

Mayabang itong si Lang Ao. Palagi niyang ipinagmamalaking siya ang nagiisang anak ng hari. Ang magiging tagapagmana ng kaharian. Maluho siya at laging laman ng mga kasiyahan. Hindi siya papayag na hindi siya iimbitahan sa kahit na pinakamaliit na salu-salo sa kanilang nasasakupan. At kung mangyari ito, ipadadala niya ang kanyang tauhan upang ipatigil ang kasiyahan.

Wala naman sanang masama kung maimbita si Lang Ao sa mga handaan. Ang problema nga lang ay ang ubod niyang kayabangan. Gusto niyang sa kanya nakatutok ang atensiyon ng lahat at siya ang aasikasuhin ng may paganap. Bukod pa sa taglay niyang kalikutan at katakawan. Mahirap siyang pagsabihan. Kung makinig man ay agad ring naguuli. Palagi ngang ganoon si Lang Ao. Hanggang sumapit ang isang araw sa kanyang buhay na hindi malilimutan ng buong Yum-Yum.

Unang araw iyon sa unang linggo ng tagsibol. Ang mga araw na mainam para sa kasal ayon sa kulturang Tsino. Kaya naman kabi-kabila ang kasalan. Sa makatuwid dagsa rin ang imbitasyon para kay Lang Ao. Imbitado siya ng lahat ng may pakasal sa tagsibol na iyon, maliban na lamang sa isa. Hindi siya pinasabihan ng pamilyang Ben Ben.

Maraming dahilan ang ama ng tahanan. Isa na dito ang pagiging payak ng gaganaping handaan para sa kasalan. Kaunti lamang ang magiging handa at hindi magtatagal ang kasiyahan sa dahilang kinakapos sila sa mga panahong yaon. Nagkasunod-sunod kasi ang kanyang pagkalugi sa Kalakalang Kipot Malay sapagkat umiinam na rin ang mga kalakal buhat sa ibang kaharian sa Indo-Tsina. At iyon nga ang dahilan kung bakit hindi na inanyayahan ng matanda ang anak ng hari. Bagay na lubos na ikinagalit nito.

Nang dumating ang araw ng handaan naging masaya rin ang lahat sa kabila ng pagiging payak nito. Ngunit sa kalagitnaan ng lahat dumating ang anak ng hari kasama ang mga bayaran nitong tauhan. Galit na galit itong nagtutungayaw.

"Hindi niyo ba alam na ako ang anak ng hari! Ang tagapagmana ng lahat niyang kayamanan! Saan kayo kumuha ng kalapastanganan upang hindi ako anyayahan sa piging na ito?! Saan?!" Halos lumuwa ang mata nito at nanlalaki ang butas ng ilong sa galit.

"Hala! Ibubo ninyong lahat ang handa sa lupa!" Utos nito sa mga bayarang tauhan sa pagkatigagal ng lahat ng naroon. Wala na silang nagawa upang lumaban at ipagtanggol ang sarili sa kahihiyang ginagagawa sa kani la ni Lang Ao.

Matapos maibubo sa lupa ang lahat ng pagkain at inumin sa piging na iyon, sumigaw si Lang Ao sa pinakamatalim niya tinig. "Lamunin ninyong lahat ang mga yan! Kamatayan ang kaparusahan sa hindi susunod!" mariin pa nitong utos.

Ngunit bago pa makasunod ang lahat ay dumating na parang kidlat sa gitna ng piging na yaon si Xiezhi at si Gao-Yao, ang mga Diyos ng katarungan at paglilitis.

Sa pagkakagulantang ng lahat ay sabay nilang pinakawalan ang isang nakasisilaw na liwanag mula sa kanilang palad kasabay ng pagbigkas ng mga salitang "Dahil sa ang mga ginagawa mo ay isang malaking kalapastanganan sa mata ng mga Diyos at `sang katauhan na nagpapakita ng kawalang katarungan, ay isinusumpa ka naming maging isang nilalang na nagtataglay ng iyong mga masamang katangian upang ikaw ay hindi na panularan pa kailanman!"

Lumipas ang ilang sandali at nasaksihan ng mga naroroon ang pagbabagong anyo ng anak ng hari. Si Lang Ao ay naging isang nilalang na kasing laki lamang ng butil ng mais, maitim, may malaking mga mata at may mga pakpak na humuhuni na animoy bulong. Nagpalipad-lipad itong may taglay na kalikutan. Dumadapo sa mga natapong pagkain at pinagkukuskos ang mga kamay na animo ay gutom na gutom.

Sa pagkagulat ng mga naroroon ay natawag nila ang pangalang "Lang Ao! Diyos ko! Nagbago ang anyo no Lang Ao! Si Lang Ao yan!" kagaya na rin ng pagsambit nila sa tuwing nakikita nila ang insektong iyon ng mga sumunod pang araw.


Sa paglipas ng panahon ang Lang Ao ay naging Langaw dahil na rin sa pagsasalin-salin at pagpapalit wika.

Karapatang Ari (Intellectual Property Right)
Bawal Kopyahin ng Walang Pahintulot mula sa May Akda
Makipag Usap  I-Pm sa kanyang Facebook Account-
Lawrence Avillano

Sunday, June 8, 2014

Mga Makaluma at Malalalim na Salitang Tagalog

Minsan sa ating pagbabasa, pakikinig at pakikipag-usap, may maririnig tayong mga salitang hindi pamilyar o di kaya naman ay talagang malalim at hindi natin alam ang kahulugan. Ito ay karaniwan na nating mararanasan sa tuwing tayo ay magbabasa ng mga lumang babasahin gaya ng kwento, nobela at tulo. Kadalasan din natin itong maririnig sa mga matatanda. Narito ang karagdagang bokabularyo ng mga salin ng makaluma at malalim na mga salitang tagalog para sayo.

Danumsigwasan - Hydraulics
Danumsigwasan - Tagalog sa Hydraulics


Mga Malalim at Makalumang Salita

  1. dumatal - dumating
  2. masimod - matakaw
  3. kumakandili - nagmamalasakit
  4. agam-agam - pangambag
  5. bahagdan - porsyento
  6. Balintataw -guni-guni
  7. naapuhap - nahanap
  8. nagkukumahog - nagmamadali
  9. sapantaha - hinala
  10. nabuslot- nahulog sa butas
  11. batalan - lababo
  12. adhika - nais o gusto
  13. balintuna - laban o kabaliktaran
  14. anluwage - karpintero
  15. agsikapin - inhenyero
  16. bahagimbilang - praksyon (fraction)
  17. Sipnayan - tagalog sa mathematics
  18. bathalaan - tagalog ng theology
  19. batlag - kotse (car)
  20. buumbilang - (whole number) lahat
  21. dalubhayupan - tagalog sa zoology
  22. dalubsakahan- tagalog sa agriculture
  23. danumsigwasan- tagalog sa hydraulics
  24. hanggaan - limitasyon
  25. hatimbutod - tagalog sa Mitosis
  26. hatinig - tagalog sa telephone o telepono
  27. isigan - tagalog sa dynamics
  28. sakwil - tagalog sa resistance
  29. tumbasan - tagalog sa equation
  30. palasigmuan - tagalog sa mechanism
Ilan lamang ang mga ito sa mga makaluma at malalim na salitang tagalog.
May alam ka pa bang mga salita na maari nating idagdag dito?
May mga salita ka bang alam na tanging ang mga kababayan mo lang ang makakaunawa?
Tara! Pagusapan natin!

Thursday, March 3, 2011

BIOGRAPHY OF NICK JOAQUIN


Nick Joaquin

The Making of a Writer - Nick Joaquin


Nick Joaquín was born in Paco, Manila, one of ten children of Leocadio Joaquín, a colonel under General Emilio Aguinaldo in the 1896 Revolution, and Salome Márquez, a teacher of English and Spanish.

After being read poems and stories by his mother, the boy Joaquín read widely in his father's library and at the National Library of the Philippines. By then, his father had become a successful lawyer after the revolution. From reading, Joaquín became interested in writing.

At age 17, Joaquín had his first piece published, in the literary section of the pre-World War II Tribune, where he worked as a proofreader. It was accepted by the writer and editor Serafín Lanot. After Joaquín won a nationwide essay competition for to honor La Naval de Manila, sponsored by the Dominican Order, the University of Santo Tomas awarded him an honorary Associate in Arts (A.A.). They also awarded him a scholarship to St. Albert's Convent, the Dominican monastery in Hong Kong.

Career

After returning to the Philippines, Joaquín joined the Philippines Free Press, starting as a proofreader. Soon he attracted notice for his poems, stories and plays, as well as his journalism under the pen name Quijano de Manila. His journalism was both intellectual and provocative, an unknown genre in the Philippines at that time, and he raised the level of reportage in the country.


Joaquín deeply admired José Rizal, the national hero of the Philippines. Joaquín paid tribute to him in books such as The Storyteller's New Medium - Rizal in Saga, The Complete Poems and Plays of Jose Rizal, and A Question of Heroes: Essays in Criticism on Ten Key Figures of Philippine History. He translated the hero's valedictory poem, in the original Spanish Mi Ultimo Adios, as "Land That I Love, Farewell!"

Joaquín was appointed as a member of the Motion Pictures commission under presidents Diosdado Macapagal and Ferdinand E. Marcos.

After being honored as National Artist, Joaquin used his position to work for intellectual freedom in society. He secured the release of imprisoned writer José F. Lacaba. At a ceremony on Mount Makiling attended by First Lady Imelda Marcos, Joaquín delivered an invocation to Mariang Makiling, the mountain's mythical maiden. Joaquín touched on the importance of freedom and the artist. After that, Joaquín was excluded by the Marcos regime as a speaker from important cultural events.

Joaquín died of cardiac arrest in the early morning of April 29, 2004, at his home in San Juan, Metro Manila. He was then editor of Philippine Graphic magazine and publisher of its sister publication, Mirror Weekly, a women’s magazine. He also wrote the column (“Small Beer”) for the Philippine Daily Inquirer and Isyu, an opinion tabloid.

Works

  • May Day Eve (1947)
  • Prose and Poems (1952)
  • The Woman Who had Two Navels (1961)
  • La Naval de Manila and Other Essays (1964)
  • A Portrait of the Artist as Filipino (1966)
  • Tropical Gothic (1972)
  • A Question of Heroes (1977)
  • Jeseph Estrada and Other Sketches (1977)
  • Nora Aunor & Other Profiles (1977)
  • Ronnie Poe & Other Silhouettes (1977)
  • Reportage on Lovers (1977)
  • Reportage on Crime (1977)
  • Amalia Fuentes & Other Etchings (1977)
  • Gloria Diaz & Other Delineations (1977)
  • Doveglion & Other Cameos (1977)
  • Language of the Streets and Other Essays (1977)
  • Manila: Sin City and Other Chronicles (1977)
  • Tropical Baroque (1979),
  • Stories for Groovy Kids (1979)
  • Language of the Street and Other Essays (1980)
  • The Ballad of the Five Battles (1981)
  • The Aquinos of Tarlac: An Essay on History as Three Generations (1983)
  • Almanac for Manileños
  • Cave and Shadows (1983)
  • The Quartet of the Tiger Moon: Scenes from the People Power Apocalypse (1986)
  • Collected Verse (1987)
  • Culture and History: Occasional Notes on the Process of Philippine Becoming (1988)
  • Manila, My Manila: A History for the Young (1990),
  • The D.M. Guevara Story (1993),
  • Mr. F.E.U., the Culture Hero That Was Nicanor Reyes (1995).
  • Rizal in Saga (1996)

Awards

  • José García Villa's Honor Roll (1940)
  • Philippines Free Press Short Story Contest (1949)
  • Ten Most Outstanding Young Men of the Philippines (TOYM), Awardee for Literature (1955)
  • Don Carlos Palanca Memorial Literary Awards (1957–1958; 1965; 1976)
  • Harper Publishing Company (New York, U.S.A.) writing fellowship
  • Stonehill Award for the Novel (1960)
  • Republic Cultural Heritage Award (1961)
  • Patnubay ng Sining at Kalinangan Award from the City of Manila (1964)
  • National Artist Award (1976).
  • S.E.A. Write Award (1980)
  • Ramon Magsaysay Award for Literature (1996)
  • Tanglaw ng Lahi Award from the Ateneo de Manila University (1997)
  • Several ESSO Journalism awards, including the highly-covetedJournalist of the Year Award.
  • Several National Book Awards from the Manila Critics' Circle for The Aquinos of Tarlac: An Essay in History as Three Generations; The Quartet of the Tiger Moon: Scenes from the People Power Apocalypse; Culture and History: Occasional Notes on the Process of Philippine Becoming; The World of Damian Domingo: 19th Century Manila (co-authored with Luciano P.R. Santiago); and Jaime Ongpin: The Enigma: The Profile of a Filipino as Manager.

References