Showing posts with label noypi. Show all posts
Showing posts with label noypi. Show all posts

Thursday, October 31, 2013

Undas

Mga Puntod sa Sementeryo
Mga Puntod sa Sementeryo


Ano ang Undas?   


Ang araw ng Undas, isang natatanging araw na inilaan para sa mga namayapa nating mahal sa buhay. Ito ay nagaganap tuwing ika-1 ng Nobyembre taun-taon. Araw na itinakda bilang pista opisyal, kaya naman lahat ay nabigyan ng pagkakataon na makibahagi.

Ang Undas ay kilala rin bilang "Todos Los Santos" sa kastila o "All Saints Day" sa English.Ito ay isa nang matandang tradisyon ng mga Katoliko Romano kung saan inaalala ang lahat ng santo sa unang Linggo pagkatapos ng Petekostes.

Iiisa ang layunin ng Undas saan mang dako ng daigdig. Ito ay upang alalahanin ang mga namayapang mahal natin sa buhay. Sa panahon ng Undas inaalala rin at binibigyang pugay ang mga santo ng simbahang Katoliko Romano. Ang Undas ito ay isang tradisyong inampon mula sa mga Kastila dala ng relihiyong Krisiyano ngunit ito ay  isa nang tradisyon na naging bahagi na ng Kulturang Pilipino.






Pinagmulan ng Salitang Undas.


Ang salitang Undas ay nagmula sa salitang "Honras", isang salitang Espanyol na ang ibig sabihin ay pagpupugay o pagbibigay galang. Sa salitang kastila ang titik "h" ay walang tunog kung kaya ang bigkas ya maririnig bilang "Onras".

Likas sa mga Pilipino noon ang pagkakamali sa pagbigkas  at pagbaybay sa  mga salitang Kastila. Marahil ang salita ay naririnig ng ating mga ninuno sa mga Kastila at naipasa-pasa ang maling bigkas ng "Honras" bilang "Undas" ito rin marahil ang dahilan kung bakit sa ibang lalawigan ay binibigkas din ito bilang "Undras"


Undas sa Pilipinas Noon at Ngayon


   Para sa iilan ang araw ng undas ay isang araw ng kaabalahan. Sila ay yumayaon upang maglinis at mag-ayos ng puntod ng mga namayapang mahal sa buhay. Ang iba naman ay itinuturing itong isang mapagpalang araw sapagkat kumikita sila ng malaki mula sa pagtitinda ng kandila, pagkain at mga bulaklak, at sa paghahatid ng mga serbisyo. Itinuturing din ito bilang isang pambihirang araw na sinasamantala ng iba upang magdaos ng kasiyahan at muling magsamasama ang pamilya.

   Ngunit ano pa man ang maging tingin nila, ang araw undas ay mananatili at dapat manatili bilang isang tunay na  sagradong pagdiriwang. Isang natatanging araw na nakalaan para sa  ating mga namayapang kaibigan at kapamilya. Isang araw kung saan inaalala natin ang kanilang mga nagawang kabutihan, kagitingan, at pagaaruga sa atin noong sila ay nabubuhay pa. Isang araw ng mga bulaklak, kandila, pagninilay at panalangin. Isang araw ng tradisyong tatak na  ng ating pagka-pilipino.

ANG MGA PINOY AT ANG MGA PAMAHIIN

   Bilang isang pinoy, hindi na iba sa atin ang paniniwala sa mga pamahiing minana pa natin sa ating mga ninuno. Ngunit totoo nga kaya ang mga pamahiing ito? Kailangan ba talaga itong paniwalaan at isabuhay? Ano ang epekto nito sa ayung pamumuhay? Ano-ano ang mga pamahiing Pilipino?

pamahiin sa itim na pusa
Itim na Pusa sa Daan

Pamahiin sa Itim na Pusa


   Isa sa mga pangunahing pmahiin na madalas nating marinig ay ang tungkol sa itim na pusa. Ayon sa sabi-sabi, huwag ka na daw tumuloy kung saka-sakaling may nakaharang o kaya`y tumawid na itim na pusa sa daan. Maari daw malasin ka o mgakaroon ng hindi magandang kahihinatnan ang iyong lakad. Ang pamahiing ito ay hind pinaniniwalaan ng marami. Sapagkat ang pagsunod sa pamahiing ito ay magdudulot ng malaking kaabalahan sa isang gawaing dapat natingg gampanan. Isipin na lamang na hindi tayo papasok sa trabaho o eskwela ng dahil lamang sa pusang nakaharang o tumawid sa ating daraanan. Maari itong maging katawa-tawa at hindi katanggap-tanggap para sa ilan, lalo na sa mga banyaga.

Pamahiin sa pagwawalis
Pamahiin sa Pagwawalis


Bakit Bawal Magwalis sa Gabi


   Sa mga pamahiing ito, may ilan din namang kapani-paniwala at may lohikal at siyentipikong kapaliwanagan. Isa ditto ay ang pamahiin tunngkol sa pagwawalis tuwing gabi. Isang gawaing napakasama para sa sinaunang matatanda. Maari mawalis o maitaboy ang suerte palabas ng tahanan. Kung paka-iisipin, maaring totoo nga ito. Isipin na lamang na may isang mahalagang bagay na nahulog sa sahig at mawalis natin ito. Hindi na natin iyon makikita kung sakaling kailanganin na natin nag bagay na iyon.





Isa pang pamahiin ng mga Pilipino sa pagwawalis ay ang direksiyon ng pagtataboy ng kalat kung nagwawalis sa loob ng bahay. Sa tuwing nagwawalis, huwag itataboy ang kalat papunta sa labas ng bahay lalong lalo na sa papunta sa direksiyon ng pinto. Naitataboy daw ang suerte o biyaya kapag palabas sa bahay ang direksiyon ng pagwawalis. Dapat ang pagwawalis ay magmumula sa pinto papunta sa gitna ng sala o kwarto. Sa ganong direksiyon  ang suerte at maiipon sa gitna at magiging makapakipakinabang para sa tao at sa tahanan.

Bakit may mga Pamahiin


   Kung ang  ating mga ninuno man ay gumawa at nagpasimuno ng mga pamahiing iyan, marahil ay may malalim silang layunin o kaya`y kinatha nila ang mga ito upang gabayan tayo at ang mga susunod pang henerasyon. Kapani-paniwala man o hindi ang isang pamahiin ang mga ito ay naging isang tatak na ng pagkakakilanlan ng kulturang Pilipino.

Thursday, August 25, 2011

(Legends) Ano Ang Alamat?

Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.

Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan.

Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan. Ang salitang alamat ay panumbas sa salitang "legend" ng ingles. Ito ay nagmula sa salitang "leendus" na nangangahulugang "Kayarian Hinggil sa mga kuwento ng mga bayani"

 Kalimitang may ginaganapang importanteng tungkulin at bahagi ang mga diyos, at iba pang mga itinuturing na banal na mga nilalang. Maaaring ipinananggalang nila o kaya sinasaktan ang bayani ng alamat. Katulad na lamang ng sa paglalakbay ni Odysseus sa Ang Odyssey, tinulungan siya ng diyosang si Athena at sinasaktan ng diyos na si Poseidon.

Kung minsan, ang bayani ang siya mismong inkarnasyon, o nasa kaanyuhang tao, ng isang diyos. Maaari ring anak o ampon ng isang diyos ang isang bayaning pang-alamat, na kalimitang may namanang mga katangian mula sa isang magulang, karaniwang mula sa ama.


Sa panitikang Pilipino, matatandaan ang mga alamat tulad ng Alamat ng Pinya, Alamat ng Unggoy, Alamat ng Ahas.

 Karaniwan ding ibinabase sa alamat ang kasaysayan ng pangalan ng isang lugar, bayan o lalawigan.

Narito ang halimbawa ng isang Alamat:

Ang Alamat ng Pinagmulan ng Pangalan ng Brgy. Lagyo Gumaca, Quezon.

Ang baranggay na ito ay isang maliit  ngunit patuloy na umuunlad na pamayanan sa baybayin ng Lamon Bay, na pinanahanan ng mga masisipag at mapagmahal sa kapayapaang magsasaka at mangingisda.

Narito ang Kwento sa Likod ng Kasaysayan:

Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

 Ang Maiksing Kasaysayan ng Brgy. Lagyo Gumaca, Quezon.

Ano nga ba ang Lagyo? Bakit Ito ang napiling ipangalan sa baranggay?
Ang lagyo ay isa pang katawagan sa nuon ay kinatatakutang isda ang PATING.
Ayon sa nagpasalin-saling kasaysayan na  mula pa sa mga orihinal na  naninirahan dito nuon. Ganito ang pangyayari…..
Isang araw daw di umano, sa paghibas ng dagat ay tatlong pagkalalaking Lagyo ang natagpuan sa hibasanan. Ang labis na laki ng mga ito ay gumulantang sa mga tao ng baranggay. Nagmamadali silang humangos patungo sa dagat upang kumpirmahin ang katotohanan ng balita. Habang nangyayari ang pagkakagulo, parang sinadya ng pagkakataon na isang dayuhang nagtatala ng mga pangalan ng mga lugar ang dumating. Tinanong niya ang mga tao sa wikang banyaga “ Ano ang pangalan ng lugar na ito?”. Dahil sa pagmamadali at sa pagaakalang tinatanong sila kung ano ang nangyayari tanging “Lagyo! Lagyo! “ na lamang ang isinagot ng mga tao. Di nagtagal mula nuon ang lugar ay pinangalanan nang Lagyo.
x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x 
Sa pagbubuod, mapagtatanto natin na ang alamat ay isang paraan ng pagpapaliwanag ng mga bagay na hindi natin lubos na nauunawaan. - lawrence avillano





Thursday, March 3, 2011

BIOGRAPHY OF NICK JOAQUIN


Nick Joaquin

The Making of a Writer - Nick Joaquin


Nick Joaquín was born in Paco, Manila, one of ten children of Leocadio Joaquín, a colonel under General Emilio Aguinaldo in the 1896 Revolution, and Salome Márquez, a teacher of English and Spanish.

After being read poems and stories by his mother, the boy Joaquín read widely in his father's library and at the National Library of the Philippines. By then, his father had become a successful lawyer after the revolution. From reading, Joaquín became interested in writing.

At age 17, Joaquín had his first piece published, in the literary section of the pre-World War II Tribune, where he worked as a proofreader. It was accepted by the writer and editor Serafín Lanot. After Joaquín won a nationwide essay competition for to honor La Naval de Manila, sponsored by the Dominican Order, the University of Santo Tomas awarded him an honorary Associate in Arts (A.A.). They also awarded him a scholarship to St. Albert's Convent, the Dominican monastery in Hong Kong.

Career

After returning to the Philippines, Joaquín joined the Philippines Free Press, starting as a proofreader. Soon he attracted notice for his poems, stories and plays, as well as his journalism under the pen name Quijano de Manila. His journalism was both intellectual and provocative, an unknown genre in the Philippines at that time, and he raised the level of reportage in the country.


Joaquín deeply admired José Rizal, the national hero of the Philippines. Joaquín paid tribute to him in books such as The Storyteller's New Medium - Rizal in Saga, The Complete Poems and Plays of Jose Rizal, and A Question of Heroes: Essays in Criticism on Ten Key Figures of Philippine History. He translated the hero's valedictory poem, in the original Spanish Mi Ultimo Adios, as "Land That I Love, Farewell!"

Joaquín was appointed as a member of the Motion Pictures commission under presidents Diosdado Macapagal and Ferdinand E. Marcos.

After being honored as National Artist, Joaquin used his position to work for intellectual freedom in society. He secured the release of imprisoned writer José F. Lacaba. At a ceremony on Mount Makiling attended by First Lady Imelda Marcos, Joaquín delivered an invocation to Mariang Makiling, the mountain's mythical maiden. Joaquín touched on the importance of freedom and the artist. After that, Joaquín was excluded by the Marcos regime as a speaker from important cultural events.

Joaquín died of cardiac arrest in the early morning of April 29, 2004, at his home in San Juan, Metro Manila. He was then editor of Philippine Graphic magazine and publisher of its sister publication, Mirror Weekly, a women’s magazine. He also wrote the column (“Small Beer”) for the Philippine Daily Inquirer and Isyu, an opinion tabloid.

Works

  • May Day Eve (1947)
  • Prose and Poems (1952)
  • The Woman Who had Two Navels (1961)
  • La Naval de Manila and Other Essays (1964)
  • A Portrait of the Artist as Filipino (1966)
  • Tropical Gothic (1972)
  • A Question of Heroes (1977)
  • Jeseph Estrada and Other Sketches (1977)
  • Nora Aunor & Other Profiles (1977)
  • Ronnie Poe & Other Silhouettes (1977)
  • Reportage on Lovers (1977)
  • Reportage on Crime (1977)
  • Amalia Fuentes & Other Etchings (1977)
  • Gloria Diaz & Other Delineations (1977)
  • Doveglion & Other Cameos (1977)
  • Language of the Streets and Other Essays (1977)
  • Manila: Sin City and Other Chronicles (1977)
  • Tropical Baroque (1979),
  • Stories for Groovy Kids (1979)
  • Language of the Street and Other Essays (1980)
  • The Ballad of the Five Battles (1981)
  • The Aquinos of Tarlac: An Essay on History as Three Generations (1983)
  • Almanac for Manileños
  • Cave and Shadows (1983)
  • The Quartet of the Tiger Moon: Scenes from the People Power Apocalypse (1986)
  • Collected Verse (1987)
  • Culture and History: Occasional Notes on the Process of Philippine Becoming (1988)
  • Manila, My Manila: A History for the Young (1990),
  • The D.M. Guevara Story (1993),
  • Mr. F.E.U., the Culture Hero That Was Nicanor Reyes (1995).
  • Rizal in Saga (1996)

Awards

  • José García Villa's Honor Roll (1940)
  • Philippines Free Press Short Story Contest (1949)
  • Ten Most Outstanding Young Men of the Philippines (TOYM), Awardee for Literature (1955)
  • Don Carlos Palanca Memorial Literary Awards (1957–1958; 1965; 1976)
  • Harper Publishing Company (New York, U.S.A.) writing fellowship
  • Stonehill Award for the Novel (1960)
  • Republic Cultural Heritage Award (1961)
  • Patnubay ng Sining at Kalinangan Award from the City of Manila (1964)
  • National Artist Award (1976).
  • S.E.A. Write Award (1980)
  • Ramon Magsaysay Award for Literature (1996)
  • Tanglaw ng Lahi Award from the Ateneo de Manila University (1997)
  • Several ESSO Journalism awards, including the highly-covetedJournalist of the Year Award.
  • Several National Book Awards from the Manila Critics' Circle for The Aquinos of Tarlac: An Essay in History as Three Generations; The Quartet of the Tiger Moon: Scenes from the People Power Apocalypse; Culture and History: Occasional Notes on the Process of Philippine Becoming; The World of Damian Domingo: 19th Century Manila (co-authored with Luciano P.R. Santiago); and Jaime Ongpin: The Enigma: The Profile of a Filipino as Manager.

References