Bilang isang pinoy, hindi na iba sa atin ang paniniwala sa mga pamahiing minana pa natin sa ating mga ninuno. Ngunit totoo nga kaya ang mga pamahiing ito? Kailangan ba talaga itong paniwalaan at isabuhay? Ano ang epekto nito sa ayung pamumuhay? Ano-ano ang mga pamahiing Pilipino?
Itim na Pusa sa Daan |
Pamahiin sa Itim na Pusa
Isa sa mga pangunahing pmahiin na madalas nating marinig ay ang tungkol sa itim na pusa. Ayon sa sabi-sabi, huwag ka na daw tumuloy kung saka-sakaling may nakaharang o kaya`y tumawid na itim na pusa sa daan. Maari daw malasin ka o mgakaroon ng hindi magandang kahihinatnan ang iyong lakad. Ang pamahiing ito ay hind pinaniniwalaan ng marami. Sapagkat ang pagsunod sa pamahiing ito ay magdudulot ng malaking kaabalahan sa isang gawaing dapat natingg gampanan. Isipin na lamang na hindi tayo papasok sa trabaho o eskwela ng dahil lamang sa pusang nakaharang o tumawid sa ating daraanan. Maari itong maging katawa-tawa at hindi katanggap-tanggap para sa ilan, lalo na sa mga banyaga.
Pamahiin sa Pagwawalis |
Bakit Bawal Magwalis sa Gabi
Sa mga pamahiing ito, may ilan din namang kapani-paniwala at may lohikal at siyentipikong kapaliwanagan. Isa ditto ay ang pamahiin tunngkol sa pagwawalis tuwing gabi. Isang gawaing napakasama para sa sinaunang matatanda. Maari mawalis o maitaboy ang suerte palabas ng tahanan. Kung paka-iisipin, maaring totoo nga ito. Isipin na lamang na may isang mahalagang bagay na nahulog sa sahig at mawalis natin ito. Hindi na natin iyon makikita kung sakaling kailanganin na natin nag bagay na iyon.
Isa pang pamahiin ng mga Pilipino sa pagwawalis ay ang direksiyon ng pagtataboy ng kalat kung nagwawalis sa loob ng bahay. Sa tuwing nagwawalis, huwag itataboy ang kalat papunta sa labas ng bahay lalong lalo na sa papunta sa direksiyon ng pinto. Naitataboy daw ang suerte o biyaya kapag palabas sa bahay ang direksiyon ng pagwawalis. Dapat ang pagwawalis ay magmumula sa pinto papunta sa gitna ng sala o kwarto. Sa ganong direksiyon ang suerte at maiipon sa gitna at magiging makapakipakinabang para sa tao at sa tahanan.

Bakit may mga Pamahiin
Kung ang ating mga ninuno man ay gumawa at nagpasimuno ng mga pamahiing iyan, marahil ay may malalim silang layunin o kaya`y kinatha nila ang mga ito upang gabayan tayo at ang mga susunod pang henerasyon. Kapani-paniwala man o hindi ang isang pamahiin ang mga ito ay naging isang tatak na ng pagkakakilanlan ng kulturang Pilipino.