Saturday, June 6, 2020

Mga Salitang Mahirap Bigkasin

Asong mahaba ang dila

10 Salitang Nakakabulol

  1. Kinababagabagan
  2. Kinatakha-takhan
  3. Kinakikilabutan
  4. Nginangasab-ngasab
  5. Nangangalingasag
  6. Pinakipakinabangan
  7. Binabalakubakan
  8. Nangagsisinungaling
  9. Sumasali-salimuot
  10. Pinaka-kapaki-pakinabang

Kahulugan ng Mga Salitang Nakakalito


Narito ang mga salitang singkahulugan ng 10 salitang mahirap bigkasin. 

Kinababagabagan - Ikinatatakot, kinababahala

Kinakabagabagan ni Marta ang lumulubhang sakit ng bunsong anak.

Kinatakha-takhaan - Kinamamanghaan

Kinatatakha-takhan ng mga tao ang maliwanag na bagay sa ibabaw ng bundok na lumilitaw gabi-gabi

Kinakikilabutan - Kinatatakutan

Si Limahong ay kinakikilabutang pirata.

Nginangasab-ngasab - Nginunguya

Nginangasab-ngasab ng kalabaw ang sariwang damo.

Nangangalingasag - Nagtikwasan o Nagtaasan ang balahibo.

Nangangalingsag ang balahibo ng pusa kapagnakakakita ito ng aso.

Pinakipakinabangan - Nagamit

Pinakipakinabangan muna niya ang hiniram na aklat bago isinauli.

Binabalakubakan - Inaalisan ng balakubak o tuyong balat

Binabalakubakan muna ang tuyong anit bago lagyan ng Aloevera

Nangagsisinungaling - Nagbubulaan

Nangagsisinungaling ang mga bulaang propeta.

Sumali-salimuot - Gumulo o Humirap

Sumali-salimuot ang buhay ni Liza mula nuong hiwalayan siya ng kanyang asawa.

Pinaka-kapaki-pakinabang - Pinakamaraming pinagagamitan.

Pinaka-kapaki-pakinabang ang bunga ng niyog sa lahat ng bahagi nito.

Lawrence Avillano, LPT

1 comment:

  1. How to make money from gambling on casino gambling
    You can bet on poker, casino games and much more to win and you can do that at the casino through หารายได้เสริม the free play bonus. Here we explain.

    ReplyDelete