Showing posts with label wika. Show all posts
Showing posts with label wika. Show all posts

Saturday, June 6, 2020

Mga Salitang Mahirap Bigkasin

Asong mahaba ang dila

10 Salitang Nakakabulol

  1. Kinababagabagan
  2. Kinatakha-takhan
  3. Kinakikilabutan
  4. Nginangasab-ngasab
  5. Nangangalingasag
  6. Pinakipakinabangan
  7. Binabalakubakan
  8. Nangagsisinungaling
  9. Sumasali-salimuot
  10. Pinaka-kapaki-pakinabang

Kahulugan ng Mga Salitang Nakakalito


Narito ang mga salitang singkahulugan ng 10 salitang mahirap bigkasin. 

Kinababagabagan - Ikinatatakot, kinababahala

Kinakabagabagan ni Marta ang lumulubhang sakit ng bunsong anak.

Kinatakha-takhaan - Kinamamanghaan

Kinatatakha-takhan ng mga tao ang maliwanag na bagay sa ibabaw ng bundok na lumilitaw gabi-gabi

Kinakikilabutan - Kinatatakutan

Si Limahong ay kinakikilabutang pirata.

Nginangasab-ngasab - Nginunguya

Nginangasab-ngasab ng kalabaw ang sariwang damo.

Nangangalingasag - Nagtikwasan o Nagtaasan ang balahibo.

Nangangalingsag ang balahibo ng pusa kapagnakakakita ito ng aso.

Pinakipakinabangan - Nagamit

Pinakipakinabangan muna niya ang hiniram na aklat bago isinauli.

Binabalakubakan - Inaalisan ng balakubak o tuyong balat

Binabalakubakan muna ang tuyong anit bago lagyan ng Aloevera

Nangagsisinungaling - Nagbubulaan

Nangagsisinungaling ang mga bulaang propeta.

Sumali-salimuot - Gumulo o Humirap

Sumali-salimuot ang buhay ni Liza mula nuong hiwalayan siya ng kanyang asawa.

Pinaka-kapaki-pakinabang - Pinakamaraming pinagagamitan.

Pinaka-kapaki-pakinabang ang bunga ng niyog sa lahat ng bahagi nito.

Lawrence Avillano, LPT

Friday, May 1, 2020

Mga Salitang Hiram sa Kastila o Espanyol.

Ang Pilipinas ay napasailalim sa kamay ng mga Kastila sa loob ng higit sa 300 taon. Hindi kaginsa-ginsa na makikita, madarama, maamoy at maririnig natin ang impluwensiya ng mga kastila sa ating mga Pilipino at sa ating Kultura.

Hanggang sa ngayon, sa ating araw-araw na pamumuhay marami pa rin tayong mga ginagamit na salitang hiniram lang mula sa wikang Kastila o Espanyol (Spanish Loan Words)

Naririto ang ilan sa mga salitang  hiram lang natin sa mga kastila.

Salitang Hiram sa Kastila o Espanyol
Marami sa mga salitang hiram sa kastila ang may kinalaman sa pagkain


Mga Salitang Hiram sa Kastila o Espanyol - Filipino Spanish Loan Words


  1.  Abono  - Abono - Fertilizer
  2. Alkansiya - Alcancia - Piggy Bank
  3. Bangko - Banco - Bank
  4. Baso - Vaso - Cup
  5. Banyo - Ba(enye)o - Bathroom
  6. Bareta - Barreta - Bar
  7. Bentilador - Ventilador - Fan
  8. Bintana - Ventana - Window Pane
  9. Kadena - Cadena - Chain
  10. Kalye - Calle - Street
  11. Kanto - Canto - Corner
  12. Kutsilyo - Cuchillo - Knife
  13. Kuwarto - Cuarto - Room
  14. Kuwarta - Cuarta - Money
  15. Kristal - Cristal - Crystal
  16. Kwenta  - Cuenta - Bill
  17. Kandado - Candado - Padlock 
  18. Kutsara - Cuchara - Spoon
  19. Libro - Libro - Book
  20. Luho - Lujo - Luxury
  21. Miryenda - Merienda - Snack
  22. Parol - Farol - Lantern
  23. Pasilyo - Pasillo - aisle
  24. Piko - Pico - Pick
  25. Palasiyo - Palacio - Palace
  26. Sarhento - Sargento - Sergeant
  27. Seradura - Ceradura - Lock
  28. Sinturon - Cinturon - Belt
  29. Tinidor - Tenedor - Fork
  30. Tuwalya - Toalla - Towell
Ang simple `di ba? Hindi mo aakalain na ang ilan sa mga salitang nabanggit ay hiniram pa pala natin mula sa ibang wika. Isa lamang iyan sa patunay ng hindi maitatangging ugnayan nating mga Pilipino sa mga Kastila.

Saturday, August 18, 2018

Filipino: Wika ng Saliksik

Filipino: Wika ng Saliksik
Ang wika, ayon sa maraming pagaaral, ay isa sa may pinaka-malaking ambag sa pagunlad ng isang bansa at sa patuloy nitong pagsulong kasabay ng pandaigdigang pagbabago at kaunlaran. Ito ay dahil sa ang wika ang siyang nagbubuklod sa mga kaisipang nakapagpapasulong, nakapagpapabago, at kapaki-pakinabang na ibinabahagi ng bawat isang kasasapi ng lipunan. Kung ang isang bansa ay pakikilusin ng iisang wikang nagagamit at naiintindihan ng lahat, maggiging napakadali ng pakikipag-ugnayan at hindi madaling magahis ang isang kaisipang maaring magpasiklab ng isang rebolusyon na magdadala ng kaunlaran at ginhawa sa bawat mamamayan nito.

Ngayong Agosto 2018, ang tema ng pagdiriwang ng buwan ng wika ay "Filipino; Wika ng Saliksik". Kaugnay ng mga naunang nabanggit sa lathalaing ito, ang tema ngayong taon ay isang panawagan na gamitin ang Filipino bilang wika sa mga pananaliksik o pagaaral.

Isa itong napakagandang tema na dapat pagtuunan ng mga sangay ng pamahalaan, lalung-lalo na sa sangay pang-agham at edukasyon. Kapansin-pansin na ang mga mahahalagang pagaaral na isinasagawa at inilalathala sa mga publikasyon ay karaniwan nang nasa wikang Ingles. Sa mga  pamantasan naman, ang mga magaaral ay inaatasang isulat ang kanilan pagaaral o pananaliksik sa wikang Ingles.

Sa aking pananaw, maaring ang sinusunod na pandaigdigang hulwaran sa pagsulat at paglathala ng saliksik ay Ingles, ngunit ito naman ay maari nating magamit din kahit na ang saliksik ay nasa wikang Filipino. Sa ganoong paraan, maitataas ang kalidad ng datos na nakukuha sa mga tumugon sapagkat ang wikang ginamit sa pagtatanong ay nasa-wikang lubos nilang nauunawaan kung kaya ang sagot ay masmagiging malinaw at kapaki-pakinabang. Bilang bunga, ang mga katanungan na nais sagutin ng saliksik ay nasasagot ng malinaw, nakikita at nakukumpara ang mga datos mula sa mga gabay na katanungang nasagot ng tama at hindi intensyonal na hinulaan sapagkat hindi lubos na maunawaan ng tumugon ang tanong na nasa-wikang banyaga. Mula sa mga datos ay lilitaw ang makatotohanang impormasyon na mapagkukunan ng matatag kongklusyon at makapgbibigay ng mga makabuluhang tagubilin kung paano lulutasin ang mga suliraning inilatag at sinasagot ng pananaliksik.

Aaminin ko rin na maraming magiging limitasyon ang paggamit ng wikang Filipino bilang wika ng saliksik. Isa na diyan ang limitadong bilang ng mga  kaugnay na panitikan at pagaaral bilang tulong o katig sa pagaaral. Ito ay dahil nga sa ang mga saliksik ay nakalathala sa wikang Ingles. Magiging isang karagdagng pasanin para sa mananaliksik ang pagsasalin ng isang pagaaral mula sa Ingles patungo sa wikang Filipino. Ito ay nangangahulugan ng ilan pang-taon ng pagaaral nang mabisang pagsasaling -wika . Ngunit ang suliraning ito ay utay-utay din na matutugunan kung patuloy nating gagamitin ang Filipino sa panaliksik.

Maging ang mga soft-ware pang-estadistika ay nasawikang Ingles din. Bagaman may ginagawa ng hakbang upang tugunan ang suliraning ito, maituturing pa rin itong isang malaking balakid sa paggamit ng Filipino sa pananaliksik. Sa sitwasyong ito, malinaw na kailangang manwal na isagawa ang pagsusuri at pagtataya sa mga nakuhang datos. Isang mabigat ngunit gawaing kakayanin naman.

Sa huli, kahit pa nga nakikita ang mga suliranin sa katuparan ng panawagan ng tema sa pagdiriwang ng buwan ng wika sa taong ito ang "Filipino: Wika ng saliksik". Hindi pa rin matatawaran ang inam na maaring idulot ng paggamit ng Filipino sa pananaliksik. Ipinapanalangin ko na ang mga sangay ng pamahalaan at maging ang mga indibidwal na mananaliksik ay magbigay tugon sa temang ito para sa ikabubuti ng larangan ng pananaliksik at maipakita sa mundo na ang saliksik na nasasawikang Filipino ay hindi rin  naman naiiba sa lahat. Kapaki-pakinabang, naglilinaw, nagpapasulong.

Lawrence Avillano 2018


Tuesday, August 26, 2014

Filipino: Wika ng Pagkakaisa

   Tunay nga kayang wika ng pagkakaisa ang wikang Filipino? Paano nito pinagbubuklod ang lahing Pilipino mula sa loob ng tahanan hanggang sa pamayanan?

   Simulan nating tingnan kung paano pinag-iisa ng wikang Filipino ang pamilya bilang pangunahing yunit ng pamayanan.

    Tunay na mahalaga ang pagkakaisa para sa pamilyang Pilipino na kilala sa pagiging malapit sa isat-isa. Ngunit hindi ito makakamit kung hindi nagkakaunawaan ang bawat miyembro ng pamilya. Dahil dito, kailangan ang isang wikang gagamitin sa araw-araw na pakikipagtalastasan sa loob ng tahanan upang sila ay lubos na magkaunawaan.

   Kung iisa ang wikang ginagamit sa tahanan, magiging madali para sa mga magulang ang mag-utos at magbigay ng tagubilin at madali rin para sa mga anak ang sundin ito sapagkat sila ay lubos na nagkakaunawaan. At kung sila ay nagkakaunawaan matatawag silang buo at isang pamilya na sama-samang humaharap sa mga hamon ng buhay.

   Sa pamamagitan ng wika, naipapasa ng mga magulang sa kanilang mga anak ang kulturang minana pa nila mula sa kanilang mga ninuno. Gamit ang wika inihahanda ng mga magulang ang kanilang mga supling sa pakikisalamuha sa pamayanan sa pamamagitan ng pagtuturo ng mabubuting asal at kaaya-ayang gawi.

   Alam natin na hinndi lang sa tahanan natututunan ang mga mabubuting asal. Natututunan din ito sa paaralan at sa simbahan.

   Ang simbahan bilang banal na institusyon ay nagtuturo ng kabutihang asal, pagpapahalaga at kabanalan sa bawat kasapi nito. Gamit ang wikang Filipino itinuturo sa atin ng simbahan ang pagpapahalaga sa sarili at sa kapuwa bilang indibidwal na pantay-pantay sa paningin ng Diyos maging ano pa man ang katayuan natin sa lipunan. Gamit ang wikang Filipino na siyang nauunawaan ng lahat, ginagabayan nila tayo tungo sa pagkakaisa sa bawat panahon.

   Sa labas naman ng simbahan at tahanan ay ang pamayanan na binubuo ng iba`t ibang sektor na ang pangunahing layunin ay ang kaunlaran ng mga mamayan at ng bansa.

   Upang makamit ito, kailangan ng isang wikang nauunawaan ng publiko at iyon ay ang wikang Filipino. Ginagamit ang wikang Filipino sa mga midya tulad ng radyo, tele-bisyon, pahayagan, at internet. Gamit naman ang midya, hinihikayat ang lahat na makiisa sa mga programang pang kaunlaran at makialam sa mga usapin ng pamahalaan.

Minsan nang ginamit ang wikang pambansa upang udyukan ang mga mamamayang Pilipino na magkaisa sa pagpigil sa lumalalim na pag-abuso ng isang pangulo sa kanyang kapangyarihan.

   Sa makatuwid, malaki ang ginagampanan ng wikang Filipino upang makamit ang pagkakaisa sa loob ng tahanan, sa simbahan, at pamayanan. Ginagamit ito upang magkaunawaan ang bawat isa at kung lubos na nagkakaunawaan ang lahat, hindi imposible ang pagkakaisa tungo sa pagsulong sa iba`t ibang aspeto ng buhay.

  - Lawrence Avillano (buwan ng wika 2014 - Filipino: Wika ng Pagkakaisa)



Wednesday, August 17, 2011

Sa Aking Mga Kababata by Jose P. Rizal

Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
Sa langit salitang kaloob ng langit
Sanlang kalayaan nasa ring masapi
Katulad ng ibong nasa himpapawid

Pagka’t ang salita’y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo't mga kaharian
At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda
Kaya ang marapat pagyamanin kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin,
Sa Ingles, Kastila, at salitang anghel,
Sapagkat ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggagawad, nagbibigay sa atin.

Ang salita nati’y tulad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.