Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
Sa langit salitang kaloob ng langit
Sanlang kalayaan nasa ring masapi
Katulad ng ibong nasa himpapawid
Pagka’t ang salita’y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo't mga kaharian
At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda
Kaya ang marapat pagyamanin kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin,
Sa Ingles, Kastila, at salitang anghel,
Sapagkat ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggagawad, nagbibigay sa atin.
Ang salita nati’y tulad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.
Is a blog that intends to promote, Filipino culture, traditions, history, peopling, Philippine travel destinations, festivals, current events and issues surrounding the nation.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Tibag - Isang Dulang Pamapanitikan Ang Tibag ay isang pagtatanghal kung buwan ng Mayo na nakaugalian na sa Bulakan, Nueva Ecija, Bat...
-
Ang Pilipinas ay napasailalim sa kamay ng mga Kastila sa loob ng higit sa 300 taon. Hindi kaginsa-ginsa na makikita, madarama, maamoy at...
-
Isang paglalarawan sa barkong panglayag Ang Pilipinas ay nasakop ng Espanya sa loob ng 333 taon mula 1565 hanggang 1898 . Sa panah...
-
Ilan sa bahagi ng ating kultura ay hiram o halaw lamang sa kultura ng mga dayuhan. Likas sa mga Pilipino ang mabuting pagtanggap kung kaya...
No comments:
Post a Comment