Thursday, August 25, 2011

Alamat ng mga Alamat

Ano ang Alamat ng Alamat

Saan nga ba nagmula ang mga alamat?
Narito ang isang maalamat na kwentong sinasabing pinagmulan ng mga alamat....

                                     Ano ang Alamat ng Alamat


Noong unang panahon ay may mag amang nakatira sa tuktok ng kabundukan......

Ang  anak ay isang babaeng napakabait at ubod ng ganda, na kabaliktaran naman ng ugali ng ama,  na marahil sa pagiging balo ay naging ubod ng sama at siya ay talaga namang matapobre at napakataas ng pagtingin sa sarili .Mayaman sila at tuwang tuwa ang ama kapag nakikita niya ang lahat ng tao sa baba ng bundok na nahihirapan.

Maraming nanliligaw sa kanyang anak ngunit wala siyang nagustuhan.


Dumating ang panahon at natutong umibig ang anak na babae ngunit ang nagustuhan niya ay isang lalaki na hamak na mahirap lamang at hindi pumayag ang ama dahil ang gusto nito para sa kanyang anak ay mayaman din katulad nila.

Sapagkat ang pag-ibig na nanunukal sa puso ng dalaga ay wagas, hindi ito nagawang sikilin ng galit ng ama. Isang gabi naisipan na lang nito na magtanan kasama ng pinakiibig na lubhang ikinaglit ng matapobreng ama.

 Lumipas ang panahon at nagawang tikisin ng ama ang anak, hanggang may dumating na napakalakas na bagyo. Nagsiaakyat ang mga tao sa bundok sa pagaasang makaliligtas sila duon mula sa daluyong ng dagat at magkubli mula sa mga piratang nagsidaong sa pasigan ng dahil sa bagyo.

 Ngunit sadyang maiitim ang budhi ng tinurang ama, hindi niya pinayagan ang mga tao at inutusan ang kanyang mga kawal na itaboy ang mga ito pababa sa bundok maging ang sariling anak ay hindi pinatawad at ipinagtabuyan na para bang hindi ito nagmula sa sarili niyang laman ta dugo.

Makalipas ang bagyo, halos maubos ang mga tao. Marami ang nasawi kasama na ang kanyang anak at ang asawa nito.

Sa labis na kalungkutan ay ninais niyang magpakamatay ngunit sa ganti na rin marahil ng tadhana ay hindi siya mamatay-matay. At habang siya ay nabubuhay sa nakagugutay ng pusong kalungkutan ay wala siyang ginawa kundi sumulat o sabihin na nating maghabi ng buhangin, na nagpapaliwanag ng pinagmulan  halos lahat na lang ng bagay sa kanyang paligid at ang mga kwentong ito ay tinawag ng mga taong Alamat na nagmula sa pinaiksing mga salitang "Alam" at "Lahat" sapagka`t kapag nagkukuwento siya ay tila pauyam na sinasabi ng mga nakikinig ang mga salitang "Alam Lahat! alam lahat!?" na sa paglipas ng panahon ay naging alamat o mga kwentong kathang isip na nagpapaliwanag ukol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay. - lawrence avillano

No comments:

Post a Comment