Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan.
Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan. Ang salitang alamat ay panumbas sa salitang "legend" ng ingles. Ito ay nagmula sa salitang "leendus" na nangangahulugang
Kalimitang may ginaganapang importanteng tungkulin at bahagi ang mga diyos, at iba pang mga itinuturing na banal na mga nilalang. Maaaring ipinananggalang nila o kaya sinasaktan ang bayani ng alamat. Katulad na lamang ng sa paglalakbay ni Odysseus sa Ang Odyssey, tinulungan siya ng diyosang si Athena at sinasaktan ng diyos na si Poseidon.
Kung minsan, ang bayani ang siya mismong inkarnasyon, o nasa kaanyuhang tao, ng isang diyos. Maaari ring anak o ampon ng isang diyos ang isang bayaning pang-alamat, na kalimitang may namanang mga katangian mula sa isang magulang, karaniwang mula sa ama.
Sa panitikang Pilipino, matatandaan ang mga alamat tulad ng Alamat ng Pinya, Alamat ng Unggoy, Alamat ng Ahas.
Karaniwan ding ibinabase sa alamat ang kasaysayan ng pangalan ng isang lugar, bayan o lalawigan.
Narito ang halimbawa ng isang Alamat:
Ang Alamat ng Pinagmulan ng Pangalan ng Brgy. Lagyo Gumaca, Quezon.
Ang baranggay na ito ay isang maliit ngunit patuloy na umuunlad na pamayanan sa baybayin ng Lamon Bay, na pinanahanan ng mga masisipag at mapagmahal sa kapayapaang magsasaka at mangingisda.
Narito ang Kwento sa Likod ng Kasaysayan:
Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Ang Maiksing Kasaysayan ng Brgy. Lagyo Gumaca, Quezon.
Ano nga ba ang Lagyo? Bakit Ito ang napiling ipangalan sa baranggay?
Ang lagyo ay isa pang katawagan sa nuon ay kinatatakutang isda ang PATING.
Ayon sa nagpasalin-saling kasaysayan na mula pa sa mga orihinal na naninirahan dito nuon. Ganito ang pangyayari…..
Isang araw daw di umano, sa paghibas ng dagat ay tatlong pagkalalaking Lagyo ang natagpuan sa hibasanan. Ang labis na laki ng mga ito ay gumulantang sa mga tao ng baranggay. Nagmamadali silang humangos patungo sa dagat upang kumpirmahin ang katotohanan ng balita. Habang nangyayari ang pagkakagulo, parang sinadya ng pagkakataon na isang dayuhang nagtatala ng mga pangalan ng mga lugar ang dumating. Tinanong niya ang mga tao sa wikang banyaga “ Ano ang pangalan ng lugar na ito?”. Dahil sa pagmamadali at sa pagaakalang tinatanong sila kung ano ang nangyayari tanging “Lagyo! Lagyo! “ na lamang ang isinagot ng mga tao. Di nagtagal mula nuon ang lugar ay pinangalanan nang Lagyo.
x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x
Sa pagbubuod, mapagtatanto natin na ang alamat ay isang paraan ng pagpapaliwanag ng mga bagay na hindi natin lubos na nauunawaan. - lawrence avillano
No comments:
Post a Comment