Showing posts with label alamat. Show all posts
Showing posts with label alamat. Show all posts

Friday, September 16, 2016

Ang Alamat ng Langaw


Alamat ng langaw
Isang libong taon matapos ang malawakang pagbaha na gumunaw sa mga sinaunang sibilisasyon. Sumilang ang isang kaharian sa isang lambak sa pampang ng ilog Yuan sa bahagi ng mundo na kilala bilang Tsina ngayon. Ito ang kaharian ng Yum-Yum na pinamununuan ng biyudong si Haring Tsing-Tsang-Tsu.

Sa kasagsagan ng pamumuno ng hari naging napakaunlad ng buong pamayanan. Ano pa`t namuhay ang lahat nitong mamayan sa hindi matatawarang karangyaan. Masaya na sana ang hari, kundi lang dahil sa nagiisa niyang anak na si Lang Ao.

Mayabang itong si Lang Ao. Palagi niyang ipinagmamalaking siya ang nagiisang anak ng hari. Ang magiging tagapagmana ng kaharian. Maluho siya at laging laman ng mga kasiyahan. Hindi siya papayag na hindi siya iimbitahan sa kahit na pinakamaliit na salu-salo sa kanilang nasasakupan. At kung mangyari ito, ipadadala niya ang kanyang tauhan upang ipatigil ang kasiyahan.

Wala naman sanang masama kung maimbita si Lang Ao sa mga handaan. Ang problema nga lang ay ang ubod niyang kayabangan. Gusto niyang sa kanya nakatutok ang atensiyon ng lahat at siya ang aasikasuhin ng may paganap. Bukod pa sa taglay niyang kalikutan at katakawan. Mahirap siyang pagsabihan. Kung makinig man ay agad ring naguuli. Palagi ngang ganoon si Lang Ao. Hanggang sumapit ang isang araw sa kanyang buhay na hindi malilimutan ng buong Yum-Yum.

Unang araw iyon sa unang linggo ng tagsibol. Ang mga araw na mainam para sa kasal ayon sa kulturang Tsino. Kaya naman kabi-kabila ang kasalan. Sa makatuwid dagsa rin ang imbitasyon para kay Lang Ao. Imbitado siya ng lahat ng may pakasal sa tagsibol na iyon, maliban na lamang sa isa. Hindi siya pinasabihan ng pamilyang Ben Ben.

Maraming dahilan ang ama ng tahanan. Isa na dito ang pagiging payak ng gaganaping handaan para sa kasalan. Kaunti lamang ang magiging handa at hindi magtatagal ang kasiyahan sa dahilang kinakapos sila sa mga panahong yaon. Nagkasunod-sunod kasi ang kanyang pagkalugi sa Kalakalang Kipot Malay sapagkat umiinam na rin ang mga kalakal buhat sa ibang kaharian sa Indo-Tsina. At iyon nga ang dahilan kung bakit hindi na inanyayahan ng matanda ang anak ng hari. Bagay na lubos na ikinagalit nito.

Nang dumating ang araw ng handaan naging masaya rin ang lahat sa kabila ng pagiging payak nito. Ngunit sa kalagitnaan ng lahat dumating ang anak ng hari kasama ang mga bayaran nitong tauhan. Galit na galit itong nagtutungayaw.

"Hindi niyo ba alam na ako ang anak ng hari! Ang tagapagmana ng lahat niyang kayamanan! Saan kayo kumuha ng kalapastanganan upang hindi ako anyayahan sa piging na ito?! Saan?!" Halos lumuwa ang mata nito at nanlalaki ang butas ng ilong sa galit.

"Hala! Ibubo ninyong lahat ang handa sa lupa!" Utos nito sa mga bayarang tauhan sa pagkatigagal ng lahat ng naroon. Wala na silang nagawa upang lumaban at ipagtanggol ang sarili sa kahihiyang ginagagawa sa kani la ni Lang Ao.

Matapos maibubo sa lupa ang lahat ng pagkain at inumin sa piging na iyon, sumigaw si Lang Ao sa pinakamatalim niya tinig. "Lamunin ninyong lahat ang mga yan! Kamatayan ang kaparusahan sa hindi susunod!" mariin pa nitong utos.

Ngunit bago pa makasunod ang lahat ay dumating na parang kidlat sa gitna ng piging na yaon si Xiezhi at si Gao-Yao, ang mga Diyos ng katarungan at paglilitis.

Sa pagkakagulantang ng lahat ay sabay nilang pinakawalan ang isang nakasisilaw na liwanag mula sa kanilang palad kasabay ng pagbigkas ng mga salitang "Dahil sa ang mga ginagawa mo ay isang malaking kalapastanganan sa mata ng mga Diyos at `sang katauhan na nagpapakita ng kawalang katarungan, ay isinusumpa ka naming maging isang nilalang na nagtataglay ng iyong mga masamang katangian upang ikaw ay hindi na panularan pa kailanman!"

Lumipas ang ilang sandali at nasaksihan ng mga naroroon ang pagbabagong anyo ng anak ng hari. Si Lang Ao ay naging isang nilalang na kasing laki lamang ng butil ng mais, maitim, may malaking mga mata at may mga pakpak na humuhuni na animoy bulong. Nagpalipad-lipad itong may taglay na kalikutan. Dumadapo sa mga natapong pagkain at pinagkukuskos ang mga kamay na animo ay gutom na gutom.

Sa pagkagulat ng mga naroroon ay natawag nila ang pangalang "Lang Ao! Diyos ko! Nagbago ang anyo no Lang Ao! Si Lang Ao yan!" kagaya na rin ng pagsambit nila sa tuwing nakikita nila ang insektong iyon ng mga sumunod pang araw.


Sa paglipas ng panahon ang Lang Ao ay naging Langaw dahil na rin sa pagsasalin-salin at pagpapalit wika.

Karapatang Ari (Intellectual Property Right)
Bawal Kopyahin ng Walang Pahintulot mula sa May Akda
Makipag Usap  I-Pm sa kanyang Facebook Account-
Lawrence Avillano

Tuesday, March 10, 2015

Bakit Mapait Ang Puso Ng Saging (Isang Alamat)

Nuong unang panahon, sa bayan ng Pinagbuhatan sa baryo Kawalan. May isang puno ng saging na tahimik na namumuhay na mag-isa sa piling ng matatayog na mga puno ng kawayan. Araw-araw sumisikat ang araw. Gabi-gabi siyang tinatanlawan ng mga bituin maliban lang kung may buwan o di kaya naman ay may sigwang nag-aabang.

Kahit nagiisa, masaya ang buhay ng saging. Kaibigan siya ng lahat. Madalas siyang inaawitan ng mga ibong Pipit, binubulungan ni Bubuyog, hinahagkan ni Paru-paro at kakwentuhan ng mga mayayabong na puno sa paligid.

Duon umiikot ang buhay ni saging, sa luntiang parang na madalas ay basa ng hamog sa umaga at may kaaya-ayang halimuyak ng sariwang damo at bulaklak kung gabi. Sa tabi ng ilog na dinadaluyan ng mababaw na tubig na madalas lumabo sa pagtatampisaw ng mga kalabaw na nagpapahinga sa tanghali. Duon nga umiikot ang buhay ni saging, yuon nga ang kanyang daigdig.
Hanggang mangyari ang isang bagay na ni sa hinagap ay `di niya naisip na magaganap.

Isang kakatwang bagay ang sumibol sa kaibuturan ni Saging. Bagay na sa paglipas ng panahon ay patuloy na lumalaki, umuusad paibabaw hanggang sa hindi na ito kaya pang itago ng saha o ng maninipis na dahon. Sumibol nga ang puso mula sa kaibuturan ni saging.

Nagpatuloy ang puso sa pagsibol hanggang sa ito ay magkabunga. Isa, dalawa, tatlo..... hanggang sa hindi na niya mabilang pa. Napakasaya ni saging at nagpapasalamat siya sa pagsibol ng puso. Hanggang isang araw nangyari ang hindi inaasahan.

Isang estranghero ang naligaw sa parang na iyon sa gilid ng mababaw na sapa. At sa kanyang pagmamasid ay nakaagaw ng kanyang pansin ang malusog na puso ng saging. Kumuha ito ng sanga, sinungkit ang puso hanggang sa ito ay mahulog sa lupa. At dinala ng estranghero ang pinakaiingatang puso ni Saging. Magmula nuon, naging malungkutin na si Saging.

Dala ng kanyang kalungkutan nabigkas niya ang isang sumpa.

"Magiging mapait ang pusong ninakaw mo sa akin upang hindi ito pakinabangang lubos ng sinoman! Tanging ang may pagtiyatiyaga lamang na maghugas ng sumpa ang makakatikim ng mainam na lasa nito!".

At ang kanyang sumpa ay narinig ni Idiyanale ang diyos ng pagsasaka at ni Lalahon ang diyosa ng ani at isinakatuparan ang sumpang kanyang sinabi. Magmula nga nuon, naging mapait ang puso ng saging. Kailangan pa itong halabusan sa asin bago iluto upang mawala ang pait.

Lawrence Avillano

Sunday, March 8, 2015

Ang Katotohanan sa Likod ng Leron-Leron Sinta

Puno ng Papaya
Puno ng Papaya

"leron-leron sinta
buko ng papaya
dala-dala`y buslo
sisidlan ng bunga
pagdating sa dulo
nabali ang sanga
a dios kapalaran
humanap ng iba"

Pamilyar ka na siguro sa mga linyang ito. Isang simpleng himno na paulit-ulit nating inawit noon sa Elementarya. Sa makatuwid ang "leron-leron sinta" ay napapaloob sa kategoryang awitin o himig pambata. Kung ganyan ang iyong paniniwala, you are absolutely wrong my friend.

Kung lilimiing mabuti, Mapagtatanto na ang leron-leron sinta ay hindi lang basta isang awiting pambata, Ito ay isang himig pambata na may temang pangmatanda (Face grin). Maari rin natin itong ituring na kundiman o love song kumbaga. Sapagkat kung pakasusuriin, ang diwa ng nursery rhyme na ito ay tumutukoy sa isang naunsiyaming pagibig. Halukayin natin sa pamamagitan ng pagsasaling diwa.

Leron-leron sinta - (Kunwa-kunwaring pagibig)
Buko ng papaya - ( Buko - bago pa lamang sumisibol, bago pa lang nararamdaman. Nasa getting to know each other period palang kumbaga)
Dala-dala`y buslo - (pero may nararamdamang pagasa)
Sisidlan ng bunga - (na pinaghuhugutan ng lakas ng loob)
Pagdating sa dulo - (pero sa parteng huli)
Nabali ang sanga  - (wala naman pala "this is the sorry to burst your bubble thing", Paasa mode, Friend zone at kung ano-ano pang ka jejemonan na yun din naman ang ibig sabihin)
a dios kapalaran - (paalam na a dios "I love you Goodbye girl")
humanap ng iba - ( dahil bigo "Move on" humanap na ng iba)

Sa kabuuan, malalarawan ang isang tao na sinibulan ng bagong pag-ibig at umasa na natagpuan na niya ang the one that he/she`ve been searching for his/her whole life. Umasa, nabigo nagmove-on. Napaka tipikal na love story. Eh ano ngayon? Bakit kailangan kong sabihin sayo to?

Ito ay isang halimbawa lang na maaring magpatunay na may mga kaalaman tayong pinanghahawakan na maaring may ibang katuturan na sumasalungat sa katotohanan nito. Kaya ikaw na ang bahala kung maniniwala ka sa akin o hindi. Hindi kita pipilitin. Salamat sa pagbabasa. Wag ka sanang ma-leron-leron sinta.

 - Lawrence Avillano

Tuesday, June 3, 2014

Juan, the Student

There was once a poor couple 
who lived happily in a quiet 
place. They had one son, named 
Juan, whom at first they loved 
very much; but afterwards, either 
because their extreme poverty 
made it difficult for them to 
support him, or because of his 
wickedness and waywardness, 
they began to hate him, and 
made plans to kill him. 

In order to carry out this 
purpose, the father called his son 
to him one evening, and said: 
"My son, to-morrow we will go to 
the mountain to get some 
lumber with which to repair our 
house. I want you to prepare our 
breakfast very early, so that we 
may set out before the sun rises." 



On the next morning they arose 
very early and ate their breakfast. 
As it consisted only of rice and a 
few small fishes, it was soon 
finished, and they set out for the 
mountain. When they had arrived 
at a lonely spot, the man seized 
his son and fastened him to a 
large tree. Then he took his bolo 
and cut down the tree in such a 
way as to cause it to fall on the 
boy and kill him. Then he 
returned home, thinking that he 
should have no more trouble on 
account of his son. 

Early the next morning, the man 
heard a noise as of some one 
approaching the house. On 
opening a window he perceived 
his son, whom he supposed he 
had killed on the previous day, 
coming towards the house and 
bearing a heavy load of wood. 
When the boy had come near he 
asked where he should put the 
wood. At first the father was too 
much frightened to reply, but at 
last he told his son to put the 
wood down near the house. 
For a long time Juan lived at 
home, but his parents hated him 
continually, and at last decided to 
give him poison. One day they 
sent him on a long trip, giving 
him seven pieces of poisoned 
bread for his food along the way. 
When he had become weary and 
hungry from walking, he sat 
down under a tree and began to 
open the handkerchief to get 
from it some of the bread to eat. 
Suddenly a number of crows flew 
down from the tree, seized the 
bread, ate it, and almost 
immediately died. The boy at 
once perceived the intention of 
his parents and returned home. 
As soon as he arrived there, he 
declared to his father and 
mother his intention of leaving 
them and going elsewhere to 
live. As soon as they heard him, 
they were full of joy, and readily 
gave him the desired permission. 
He went to a distant town, and 
decided to study. He made such 
progress that his teachers were 
charmed with his diligence. He 
was very fond of debates with 
his schoolmates, and one day 
asked them the following riddle: 
"Two tried to kill one, one killed 
seven, two were left, and one 
went away." They searched 
through the books for the 
answer to the riddle, but as they 
were unable to find it, they 
agreed that Juan was the 
cleverest one among them, since 
they could not answer his riddle. 
One day the student met a young 
lady to whom he gave the riddle. 
She asked for a little time in 
which to study it, and this being 
granted, went home, disguised 
herself as a young man and, 
returning, asked Juan to tell the 
answer to the riddle. "For I 
know," she said, "that many 
students have tried to find the 
solution of this riddle, but have 
not been successful." Juan finally 
granted her request, and told her 
the answer to the riddle, which 
was the story of his life. 
Then the young lady returned 
home, put on her own clothes, 
and went back to the student's 
house, to give him the answer to 
his riddle. When Juan heard her 
answer, he thought her a very 
clever young woman, since she 
had succeeded where so many 
young men had failed, so he fell 
in love with the young lady and 
married her. 

Sunday, September 11, 2011

Alamat Ng Bulkang Mayon

Ang kwentong ito ay nangyari sa Bicol. May isang pinuno roong ang pangalan ay Raha Karawen. Siya ay may anak na napakaganda. Ito ay si Daraga. Mahal na mahal ng raha ang kaisa-isang anak. Ang kagandahan ni Daraga ay napapabalita rin sa iba't-ibang lupain. May isang masugid na manliligaw si Daraga. Ito ay si Kawen. Ginagawa niya ang lahat para mapaibig lang niya ang dalaga. Kahit ano ang gawin ni Kawen, hindi siya makuhang ibigin ni Daraga sapagkat may iniibig na itong iba. Ito ay si Mayun. Siya ay nakatira sa ibang lupain. Nalaman ni Raha Karawen ang tungkol sa mga mangingibig ng kanyang anak. Maayos niyang kinausap ang mga ito. "Kailangang ipakita muna ninyo sa akin na kayo ay karapat-dapat sa pag-ibig ng aking anak. Magsisilbi kayo sa akin," ang sabi ni Raha Karawen. Hindi nagustuhan ni Kawen ang sinabi ng raha. Ayaw niyan magsilbi dahil siya ay anak din ng isang raha. Gumawa siya ng paraan para mapasakanya si Daraga. Tumawag siya ng mga kawal at marahas niyang ipinadukot ito. Itinago nila si Daraga. Nakarating ang balita kay Raha Karawen pati na rin sa binatang si Mayun. Nang matagpuan ni Mayun ang kinalalagyan ni Daraga ay matapang siyang nakipaglaban upang mabawi ito. Takot na takot na yumakap si Daraga kay Mayun. Subalit tinamaan sila ng palaso ni Kawen. Doon na namatay ang nag-iibigang sina Mayun at Daraga. At lumipas ang maraming taon, sumulpot ang magandang bulkan sa lugar na kinamatayan nina Mayun at Daraga. Ito ay tinawag na Bulkang Mayon. Ang kagandahan ng bulkan ang nagpapakita ng kagandahang loob nina Mayun at Daraga.

Alamat Ng Tagalog

Alamat ng Lahing Tagalog Noong araw ay may dalagang nagngangalang Simang. Napakaganda niya kaya’t maraming binatang nangingibig sa kanya. Halos wala na siyang itulak-kabigin sa mga ito. Isang araw ay nagpasya si Simang: “Sinuman sa inyo ang makapagdala sa akin ng isang malaki at buhay na sawa ay pakakasalan ko.” Hindi agad nakasagot ang ga binata. “Sawa? Mahirap humuli ng isang sawa.” Sa wakas ay tumaya ng binatang si Ilog. “Mahal kong Simang,” sabi niya. “Ang lahat ay gagawin ko para sa iyo.” Humanga ang lahat sa salitang binitiwan ni Ilog. Nang tumayo at umalis ang binata, ni isa man ay walang nagkalakas ng loob na sumunod. Matagal na panahon ang nagdaan. Sabik ang lahat na malaman kung ano na ang nangyari kay Ilog. Kakaba-kaba rin si Simang. “Huwag po sanang mapahamak si Ilog,” bulong niya sa sarili. Iyon pala’y mahal na mahal na rin ni Simang ang binata. Naghiyawan sa saya ang lahat ng bumalik si Ilog. Hawak niyasa isang kamay ang ulo ng nagpupumiglas na sawa habang ang isang kamay ay pumipigil sa buntot nito. Nagpalakpakan ang mga tao. “Mabuhay si Ilog! Mabuhay!” Dinala ni Ilog ang sawa kay Simang. “Para sa iyo, mahal ko,” wika niya. Noon naman ay dalawang sundalong Espanyol ang dumating. Napansin nila ang kaguluhan. Lumapit sila upang mag-usyoso. Ngunit hindi nilanapansin ang pinagkakaguluhang sawa na hawak ni Ilog. Ang napansin nila’y ang kagandahan ni Simang. Lumapit pa ang mga dayuhan kay Simang. Itinanong nila sa dalaga ang pangalan ng lugar na iyon. Ngunit hindi sila napansin ni Simang dahil sa buong paghanga itong nakatingin kay Ilog. Itinaas ni Ilog ang ulo ng sawa saka binitiwan ng isang kamay ang buntot nito. Biglang nilingkis ng sawa si Ilog. “Eeeek!” sigawni Simang. “Ilog! Tagain mo!” Hinugot ni Ilog ang itak sa kanyang baywang at tinaga ang sawa. Naputol kaagad ang buntot ng sawa. Tumalsik ang masaganang dugo, ngunit tila buhay na gumagalaw-galaw pa ito. “Eeeek!” muling sigaw ni Simang. “Taga, Ilog! Taga, Ilog!” Sakabila ng kaguluhang naganap, hindi naalis ang pagkatitig ng mga Espanyol sa dalaga. Muli, tinanong nila si Simang. Sumigaw si Simang, “Taga, Ilog! Taga, Ilog!” “Taga, Ilog! Taga-Ilog!” sigaw din ng mga taong nakasaksi sa nangyari kay Ilog. Nang sumunod na araw ay isinalaysay ng dalawang dayuhan ang tungkol sa magandang dalagang kanilang nakita. Sabi pa ila’y nakita nila ang dalaga sa Taga-Ilog. Taga-Ilog. Nang lumaon ito ay naging Tagalog.

Thursday, August 25, 2011

(Legends) Ano Ang Alamat?

Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.

Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan.

Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan. Ang salitang alamat ay panumbas sa salitang "legend" ng ingles. Ito ay nagmula sa salitang "leendus" na nangangahulugang "Kayarian Hinggil sa mga kuwento ng mga bayani"

 Kalimitang may ginaganapang importanteng tungkulin at bahagi ang mga diyos, at iba pang mga itinuturing na banal na mga nilalang. Maaaring ipinananggalang nila o kaya sinasaktan ang bayani ng alamat. Katulad na lamang ng sa paglalakbay ni Odysseus sa Ang Odyssey, tinulungan siya ng diyosang si Athena at sinasaktan ng diyos na si Poseidon.

Kung minsan, ang bayani ang siya mismong inkarnasyon, o nasa kaanyuhang tao, ng isang diyos. Maaari ring anak o ampon ng isang diyos ang isang bayaning pang-alamat, na kalimitang may namanang mga katangian mula sa isang magulang, karaniwang mula sa ama.


Sa panitikang Pilipino, matatandaan ang mga alamat tulad ng Alamat ng Pinya, Alamat ng Unggoy, Alamat ng Ahas.

 Karaniwan ding ibinabase sa alamat ang kasaysayan ng pangalan ng isang lugar, bayan o lalawigan.

Narito ang halimbawa ng isang Alamat:

Ang Alamat ng Pinagmulan ng Pangalan ng Brgy. Lagyo Gumaca, Quezon.

Ang baranggay na ito ay isang maliit  ngunit patuloy na umuunlad na pamayanan sa baybayin ng Lamon Bay, na pinanahanan ng mga masisipag at mapagmahal sa kapayapaang magsasaka at mangingisda.

Narito ang Kwento sa Likod ng Kasaysayan:

Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

 Ang Maiksing Kasaysayan ng Brgy. Lagyo Gumaca, Quezon.

Ano nga ba ang Lagyo? Bakit Ito ang napiling ipangalan sa baranggay?
Ang lagyo ay isa pang katawagan sa nuon ay kinatatakutang isda ang PATING.
Ayon sa nagpasalin-saling kasaysayan na  mula pa sa mga orihinal na  naninirahan dito nuon. Ganito ang pangyayari…..
Isang araw daw di umano, sa paghibas ng dagat ay tatlong pagkalalaking Lagyo ang natagpuan sa hibasanan. Ang labis na laki ng mga ito ay gumulantang sa mga tao ng baranggay. Nagmamadali silang humangos patungo sa dagat upang kumpirmahin ang katotohanan ng balita. Habang nangyayari ang pagkakagulo, parang sinadya ng pagkakataon na isang dayuhang nagtatala ng mga pangalan ng mga lugar ang dumating. Tinanong niya ang mga tao sa wikang banyaga “ Ano ang pangalan ng lugar na ito?”. Dahil sa pagmamadali at sa pagaakalang tinatanong sila kung ano ang nangyayari tanging “Lagyo! Lagyo! “ na lamang ang isinagot ng mga tao. Di nagtagal mula nuon ang lugar ay pinangalanan nang Lagyo.
x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x 
Sa pagbubuod, mapagtatanto natin na ang alamat ay isang paraan ng pagpapaliwanag ng mga bagay na hindi natin lubos na nauunawaan. - lawrence avillano





Alamat ng mga Alamat

Ano ang Alamat ng Alamat

Saan nga ba nagmula ang mga alamat?
Narito ang isang maalamat na kwentong sinasabing pinagmulan ng mga alamat....

                                     Ano ang Alamat ng Alamat


Noong unang panahon ay may mag amang nakatira sa tuktok ng kabundukan......

Ang  anak ay isang babaeng napakabait at ubod ng ganda, na kabaliktaran naman ng ugali ng ama,  na marahil sa pagiging balo ay naging ubod ng sama at siya ay talaga namang matapobre at napakataas ng pagtingin sa sarili .Mayaman sila at tuwang tuwa ang ama kapag nakikita niya ang lahat ng tao sa baba ng bundok na nahihirapan.

Maraming nanliligaw sa kanyang anak ngunit wala siyang nagustuhan.


Dumating ang panahon at natutong umibig ang anak na babae ngunit ang nagustuhan niya ay isang lalaki na hamak na mahirap lamang at hindi pumayag ang ama dahil ang gusto nito para sa kanyang anak ay mayaman din katulad nila.

Sapagkat ang pag-ibig na nanunukal sa puso ng dalaga ay wagas, hindi ito nagawang sikilin ng galit ng ama. Isang gabi naisipan na lang nito na magtanan kasama ng pinakiibig na lubhang ikinaglit ng matapobreng ama.

 Lumipas ang panahon at nagawang tikisin ng ama ang anak, hanggang may dumating na napakalakas na bagyo. Nagsiaakyat ang mga tao sa bundok sa pagaasang makaliligtas sila duon mula sa daluyong ng dagat at magkubli mula sa mga piratang nagsidaong sa pasigan ng dahil sa bagyo.

 Ngunit sadyang maiitim ang budhi ng tinurang ama, hindi niya pinayagan ang mga tao at inutusan ang kanyang mga kawal na itaboy ang mga ito pababa sa bundok maging ang sariling anak ay hindi pinatawad at ipinagtabuyan na para bang hindi ito nagmula sa sarili niyang laman ta dugo.

Makalipas ang bagyo, halos maubos ang mga tao. Marami ang nasawi kasama na ang kanyang anak at ang asawa nito.

Sa labis na kalungkutan ay ninais niyang magpakamatay ngunit sa ganti na rin marahil ng tadhana ay hindi siya mamatay-matay. At habang siya ay nabubuhay sa nakagugutay ng pusong kalungkutan ay wala siyang ginawa kundi sumulat o sabihin na nating maghabi ng buhangin, na nagpapaliwanag ng pinagmulan  halos lahat na lang ng bagay sa kanyang paligid at ang mga kwentong ito ay tinawag ng mga taong Alamat na nagmula sa pinaiksing mga salitang "Alam" at "Lahat" sapagka`t kapag nagkukuwento siya ay tila pauyam na sinasabi ng mga nakikinig ang mga salitang "Alam Lahat! alam lahat!?" na sa paglipas ng panahon ay naging alamat o mga kwentong kathang isip na nagpapaliwanag ukol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay. - lawrence avillano