Friday, January 12, 2018

Pangalan ng mga Sinaunang Diyos at Diyosa ng mga Paganong Pilipino

Mga Diyos at Diyosa


Maikling Pagtalakay sa Panahon ng Paganismo


Bago pa dumating sa Pilipinas ang mga mananakop na Kastila at palaganapin ang Relihiyong Kristiyanismo, may pamamaraan na ng pagsamba ang mga Pilipino. Maraming sinasambang Diyos at Diyosa ang mga Pilipino nuong panahon ng Paganismo.

Ang  bawat kilos o gawi ng mga Pilipino, mga kaganapan sa paligid, likas man o gawa ng tao, ay ginagawa ng ating mga ninuno ang pagtawag sa sinaunang Diyos at Diyosa upang humingi ng patnubay, pananda, at tulong. Ito ay isang malaking bahagi ng sinaunang kulturang Pilipino bago pa dumating ang mga banyaga at ipakilala ang iba pang mga relihiyon.

Sa sulating ito, ibabahagi ang pangalan ng mga Diyos at Diyosa ng mga Pilipino nuong panahon ng Paganismo. Bagaman ang mga pangalan ay espisipiko para sa isang tribo o lugar sa bansa, ito ay pinagbuklod na lamang sa isang listahan. Kaya asahan na maaring magkaroon ng dalwang Diyos/Diyosa ng pagaani, digmaan o iba pa. 

Narito ang mga pangalan ng mga Diyos at Diyosa ng mga Paganong Pilipino

  1. Agawe  - Diyos ng tubig
  2. Agni – Diyos ng apoy
  3. Anitun-Tabu – Diyos ng hangin at ulan
  4. Aman Diyari – Diyos na patron ng mga tamad/katamaran
  5. Aman Ikabli – Diyos o patron ng mga mangangaso
  6. Aman Sinaya – Diyos o patron ng mga mangingisda
  7. Apolaki – Diyos ng Araw
  8. Bathala – PINAKA MAKAPANGYARIHANG DIYOS
  9. Bagobo – Diyos ng digmaan
  10. Bayowa – Diyos ng kasunduan, pagkakasundo o pagkakaisa
  11. Habagat – Diyos ng hangin
  12. Haik – Diyos ng karagatan
  13. Haliya – Diyos ng buwan at tagapangalaga ng mga kababaihan
  14. Hayo – Diyos ng dagat
  15. Idiyanale – Diyos ng pagsasaka
  16. Balangaw – Diyos ng balaghari
  17. Dal`lang – Diyosa ng kagandahan
  18. Damalog – Diyos tagapangalaga ng mga pananim o taniman
  19. Dayeha  o Dayea – Diyosa ng mga lihinm o paglilihim
  20. Diyan Masalanta – Diyosa ng pagibig
  21. Dumangan – Diyos ng Ani
  22. Halmista – Diyos ng mahika
  23. Kaptan – Diyos ng kalawakan
  24. Kidul – Diyos ng lindol
  25. Kilubansa – Diyos ng paghilom
  26. Kuntalapa – Diyos ng pagsisilang o panganganak
  27. Lakapati – Diyos at Diyosa (dalawang kasarian) ng pagkamaanakin (fertility)
  28. Lakan Bakod – Diyos na tagabantay
  29. Lalahon – Diyos ng pagaani
  30. Linga – Diyosa ng pagkamayabong o pagkamaanakin
  31. Lisbusawen –Diyos ng mga kaluluwa
  32. Magyawen –Diyos ng ibang daigdig, Diyosa ng karagatan sa mga Bisaya
  33. Mandarang – Diyos ng digmaan
  34. Mangatiya – Diyos  na maghahabi
  35. Mangaragatan – Diyos ng hangin
  36. Mankukutod –Diyos ng niyugan o magsasaka ng niyog
  37. Mapulon – Diyos ng Panahon
  38. Marandandangan – Diyos ng digmaan
  39. Mayari – Diyosa ng buwan
  40. Oghep – Diyos ng mga burol at kabundukan
  41. Pandaki – Diyos na tagapagligtas ng mga kaluluwa
  42. Pasipo – Diyos ng musika
  43. Pati –Diyos ng Ulan
  44. Sehana – Diyos ng pagibig
  45. Sidapa – Diyos ng kamatayan
  46. Sinukuan – Diyos  ng araw, ng digmaan at ng Bundok Arayat
  47. Sirenha – Diyosa ng mga isda
  48. Sitan –Diyos na tagabantay ng kalaliman ng daigdig
  49. Sodop – Diyos ng ginto
  50. Uwinan Sana – Diyos ng gubat o kakahuyan

Ilan lamang sila sa mga Diyos at Diyosa na sinasamba ng mga sinaunang Pilipino nuong panahon ng paganismo. Ang mga pangalan o ang pagbigkas ay nagkakaiba-iba batay sa Tribo o Lugar.

Hindi maitatangi na malaki ang naging bahagi ng mga sinaunang Diyos at Diyosa sa kuturang Pilipino mula nuon hanggang sa ngayo. Bagaman isa nang bansang Kristiyano ang Pilipinas, kinikilala pa rin ng ilan ang sinaunang Diyos at Diyosa sa ilang mga lugar at nagiging bahagi parin ng papuri at kapistahan. Madalas ding mabanggit maging sa mga makabagong panitikan ang kanilang mga pangalan.

Hindi nasisigurado ng may akda ang buong kawastuhan ng sulating ito. Kung mayroong mga pagkakamali, tinatanggap ang inyong pagtatama at pagpuna. Mangyari lamang na magiwan ng komento upang maiwasto ito o `di kaya ay gamitin ang Contact form sa sidebar ng blog upang makipag-ugnayan.

5 comments: