Wednesday, June 3, 2020

Tigmamanukan Sinaunang Pamahiin


Sinaunang Pamahiing Pilipino


Tigmamanukin Sinaunang Pamahiin



Hindi kaila sa atin na malalim ang paniniwala ng ating mga ninuno sa mga pamahiin. Binibigyang kahulugan nila ang pangyayari sa kalikasan at gawi ng  mga hayop at aariing nagdadala ito ng swerte o malas depende sa pagkakataon.


Isa sa mga pamahiin ng mga sinaunang Pilipino ay ang paniniwala na ang gawi ng ibong tigmamanukan ay nagbibigay senyales sa kung ano ang sasapitin ng kapalaran ng isang manlalakbay lalung-lalo na ang mga patungo sa digmaan.


Kapag ang tigmamanukan ay tumawid sa daraanan at nanggaling ito sa kanan patungo sa kaliwang bahagi ng daan, ito ay nangangahulugang "labay" o magpatuloy na kabaliktaran naman kung ang ibon ay lilipad mula sa kanan patungo sa kaliwa.


Kung ang ibon ay mahuhuli sa bitag, dapat daw itong pakawalan habang sinasabi ang mga katagang "Kitay aking pakakawalan, kapag ika`y inalpasan, magtuloy ka`t umawit sa kanan".



Ang Tigmamanukan sa Epiko at Mitolohiya


Sa Mitolohiya ng Paglikha


Sa metolohiyang Pilipino, ang tigmamanukan ang ibon na naging tagapamagitan upang mag-away sina Ulap at Dagat kung kaya`t nabuo ang arkipelagong Pilipinas. Sinasabing ang ibong ito rin ang siyang kumatok sa kawayan kung saan nanduon ang ating mga ninunong si Malakas at si Maganda.



Biag ni Lam-ang


Samantala sa Epikong Biag ni Lam-ang, tumawid at umawit ang mga tigmamanukin sa daraanan ni Lam-ang ang ibong tigmamanukan. Ito ay bago siya sumisid sa ilog para humuli ng isdang Rarang. Bilang resulta, sinamang palad nga si Lam-ang at nakain ng isdang Berkakan.

No comments:

Post a Comment