Showing posts with label Kultura. Show all posts
Showing posts with label Kultura. Show all posts

Thursday, September 7, 2023

Mga Epekto ng Globalisasyon sa Kulturang Filipino

 

Globalisasyon ng Pilipinas

Sa mundo ngayon, isa sa mga pangunahing paksang pinag-uusapan ay ang globalisasyon. Ang globalisasyon ay ang proseso ng pagkakabuklod ng mga ekonomiya, kultura, at lipunan ng iba't ibang bansa sa buong mundo. Sa Pilipinas, hindi naiiwasan ang epekto nito sa kulturang Filipino. Sa talahanayan ng paksang ito, tatalakayin natin ang apat na pangunahing epekto ng globalisasyon sa kulturang Filipino.

Modernisasyon ng Kulturang Filipino

Ang isa sa mga pangunahing epekto ng globalisasyon sa kulturang Filipino ay ang modernisasyon nito. Sa pagpasok ng mga dayuhang produkto at teknolohiya sa bansa, nagbago ang pamumuhay at pananamit ng mga Pilipino. Ang pagkakaroon ng access sa mga internasyonal na istilo ng fashion, musika, at sining ay nagdulot ng pagbabago sa tradisyonal na pananamit at estetika ng karamihan. Dahil dito, mas naging cosmopolitan ang hitsura ng mga lunsod at mas nagiging heterogenous ang mga kultura.

Pag-usbong ng Wika at Kultura

Sa kabila ng modernisasyon, nagkaruon din ng positibong epekto ang globalisasyon sa kulturang Filipino. Ang pagkakaroon ng mas maraming oportunidad para sa mga Pilipino na makilala ang kanilang kultura sa buong mundo ay nagpapalakas sa kanilang pagkakakilanlan. Ang Filipino, bilang opisyal na wika ng bansa, ay mas nabibigyang halaga sa mga internasyonal na komunikasyon. Bukod dito, ang Filipino culture festivals tulad ng Sinulog at Pahiyas ay mas naging kilala sa mga dayuhan, nagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas sa iba't ibang bansa.

 Impluwensya sa Pagkain at Kusina

Ang paglaganap ng fast food chains at internasyonal na pagkain ay isa pang epekto ng globalisasyon sa kulturang Filipino. Maraming Pilipino ang nag-aadapt ng mga dayuhang kusina at pagkain, na may impluwensya mula sa Kanluran. Bagamat mayroon itong mga positibong aspeto tulad ng pagkakaroon ng mas maraming pagkain para sa lahat, kinikilala rin ang pangangailangan ng pagtutok sa mga tradisyonal na lutuin upang mapanatili ang kultura ng bansa.

 Pag-usbong ng Teknolohiya at Komunikasyon

Hindi maitatanggi na ang teknolohiya ay malaking bahagi ng globalisasyon. Ang pag-usbong ng internet at sosyal media ay nagpapabilis ng pag-aambag ng mga Pilipino sa pandaigdigang usapan. Gayundin, ito ay nagbibigay daan para sa mas malawakang pag-aaral ng mga Pilipino tungkol sa kanilang sariling kultura at kasaysayan. Ngunit, may mga agam-agam din hinggil sa epekto nito sa pag-aaral ng tradisyonal na kaalaman at kultura ng mga katutubong Pilipino.

Sa kabuuan, ang globalisasyon ay mayroong malalim na epekto sa kulturang Filipino. Habang nagdudulot ito ng modernisasyon at pagbabago, nagbibigay din ito ng oportunidad para sa Pilipinas na mas magbigay halaga sa kanilang sariling kultura at itaguyod ito sa buong mundo. Ang pag-unawa sa mga epekto nito ay mahalaga para sa pagpapasya ng mga hakbang tungo sa pagpapalaganap at pagpapabuti ng kulturang Filipino sa panahon ng globalisasyon.

Lawrence Avillano, LPT.

Monday, April 4, 2022

Ano ang Karanasang Kultural - Kahulugan, Halimbawa at Kahalagahan.

Marahil ay natanong mo na sa iyong sarili kung ano nga ba ang kahulugan ng Karanasang Kultural. Bilang tao, tayo ay napapaloob at umaangkin ng iba`t ibang karanasan. Isa na rito ang karanasang kultural. Ano nga ba ang napapaloob sa uri ng karanasang ito? Paano ba ito naiba sa iba pang uri ng karanasan?

Ang karanasang kultural ay uri ng karanasan kung saan ang isang tao ay nagdadaan sa mga bagong karanasang kaiba sa kanyang nakasanayan. Ito ay hindi lang nagbibigay sa isang tao ng damdamin ng pagka-estranghero kundi nagbibigay rin ng mga bagong kaalaman.

Ang karanasang kultural ay nangyayari sa tuwing ang isang tao ay nagtutungo sa isang hindi pamilyar na lugar, nakikisalamuha sa ibang grupo ng mga tao, nakakaranas ng mga bagong pangyayari o hindi kaya naman ay nakakukuha ng bagong kaalaman tungkol sa isang kultura. Subalit maari rin itong maranasan kahit na ikaw ay nasa-iyong sariling tahanan lamang. Opo, ang karanasang kultural ay maaring maganap kahit pa ikaw ay nasabahay lang.

Ilan sa mga halimbawa ng karanasang kultural ay ang mga sumusunod:

  1. Pagdalo sa mga pagdiriwang kagaya ng Pistahan
  2. Pakikinig sa musikang etniko o opera
  3. Pagtikim sa mga pagkain mula sa iba`t ibang bansa, rehiyon, lalawigan o bayan.
  4. Pagbasa ng mga aklat
  5. Pakikipagusap sa isang tao mula sa ibang lugar
  6. Pagsusuri sa mga Art Exhibit
  7. Pagdalo sa mga seremonya katulad ng kasal
  8. Pagpapatuli
  9. Pagsusuot ng mga kasuotan, hindi lang pag-etniko, kabilang din ang mga kasuotang tinatawag nating nauuso o napapanahon
  10. Paggamit ng mga kasangkapan na karaniwang ginagamit sa ibang lugar.
  11. Pagkatuto ng mga bagong pananalita.
Ang pagkakaroon ng malawak na karanasang kultural ay mahalaga. Ito ay nagsisilbing paraan o daan upang mas maunawaan natin ang ibang tao. Sa pamamagitan nito, naalis natin ang mga stereotype, biases at pagkailang sa ibang tao o lugar. Ito ay isa ring gabay para sa pagkakaunawaan sapagkat sa pamamagitan ng karanasang kultural ay maarin nating masagot ang mga "Bakit?" at "Paano?" patungkol sa isang tao o pangkat nito.

Wednesday, June 3, 2020

Tigmamanukan Sinaunang Pamahiin


Sinaunang Pamahiing Pilipino


Tigmamanukin Sinaunang Pamahiin



Hindi kaila sa atin na malalim ang paniniwala ng ating mga ninuno sa mga pamahiin. Binibigyang kahulugan nila ang pangyayari sa kalikasan at gawi ng  mga hayop at aariing nagdadala ito ng swerte o malas depende sa pagkakataon.


Isa sa mga pamahiin ng mga sinaunang Pilipino ay ang paniniwala na ang gawi ng ibong tigmamanukan ay nagbibigay senyales sa kung ano ang sasapitin ng kapalaran ng isang manlalakbay lalung-lalo na ang mga patungo sa digmaan.


Kapag ang tigmamanukan ay tumawid sa daraanan at nanggaling ito sa kanan patungo sa kaliwang bahagi ng daan, ito ay nangangahulugang "labay" o magpatuloy na kabaliktaran naman kung ang ibon ay lilipad mula sa kanan patungo sa kaliwa.


Kung ang ibon ay mahuhuli sa bitag, dapat daw itong pakawalan habang sinasabi ang mga katagang "Kitay aking pakakawalan, kapag ika`y inalpasan, magtuloy ka`t umawit sa kanan".



Ang Tigmamanukan sa Epiko at Mitolohiya


Sa Mitolohiya ng Paglikha


Sa metolohiyang Pilipino, ang tigmamanukan ang ibon na naging tagapamagitan upang mag-away sina Ulap at Dagat kung kaya`t nabuo ang arkipelagong Pilipinas. Sinasabing ang ibong ito rin ang siyang kumatok sa kawayan kung saan nanduon ang ating mga ninunong si Malakas at si Maganda.



Biag ni Lam-ang


Samantala sa Epikong Biag ni Lam-ang, tumawid at umawit ang mga tigmamanukin sa daraanan ni Lam-ang ang ibong tigmamanukan. Ito ay bago siya sumisid sa ilog para humuli ng isdang Rarang. Bilang resulta, sinamang palad nga si Lam-ang at nakain ng isdang Berkakan.