Monday, April 4, 2022

Ano ang Karanasang Kultural - Kahulugan, Halimbawa at Kahalagahan.

Marahil ay natanong mo na sa iyong sarili kung ano nga ba ang kahulugan ng Karanasang Kultural. Bilang tao, tayo ay napapaloob at umaangkin ng iba`t ibang karanasan. Isa na rito ang karanasang kultural. Ano nga ba ang napapaloob sa uri ng karanasang ito? Paano ba ito naiba sa iba pang uri ng karanasan?

Ang karanasang kultural ay uri ng karanasan kung saan ang isang tao ay nagdadaan sa mga bagong karanasang kaiba sa kanyang nakasanayan. Ito ay hindi lang nagbibigay sa isang tao ng damdamin ng pagka-estranghero kundi nagbibigay rin ng mga bagong kaalaman.

Ang karanasang kultural ay nangyayari sa tuwing ang isang tao ay nagtutungo sa isang hindi pamilyar na lugar, nakikisalamuha sa ibang grupo ng mga tao, nakakaranas ng mga bagong pangyayari o hindi kaya naman ay nakakukuha ng bagong kaalaman tungkol sa isang kultura. Subalit maari rin itong maranasan kahit na ikaw ay nasa-iyong sariling tahanan lamang. Opo, ang karanasang kultural ay maaring maganap kahit pa ikaw ay nasabahay lang.

Ilan sa mga halimbawa ng karanasang kultural ay ang mga sumusunod:

  1. Pagdalo sa mga pagdiriwang kagaya ng Pistahan
  2. Pakikinig sa musikang etniko o opera
  3. Pagtikim sa mga pagkain mula sa iba`t ibang bansa, rehiyon, lalawigan o bayan.
  4. Pagbasa ng mga aklat
  5. Pakikipagusap sa isang tao mula sa ibang lugar
  6. Pagsusuri sa mga Art Exhibit
  7. Pagdalo sa mga seremonya katulad ng kasal
  8. Pagpapatuli
  9. Pagsusuot ng mga kasuotan, hindi lang pag-etniko, kabilang din ang mga kasuotang tinatawag nating nauuso o napapanahon
  10. Paggamit ng mga kasangkapan na karaniwang ginagamit sa ibang lugar.
  11. Pagkatuto ng mga bagong pananalita.
Ang pagkakaroon ng malawak na karanasang kultural ay mahalaga. Ito ay nagsisilbing paraan o daan upang mas maunawaan natin ang ibang tao. Sa pamamagitan nito, naalis natin ang mga stereotype, biases at pagkailang sa ibang tao o lugar. Ito ay isa ring gabay para sa pagkakaunawaan sapagkat sa pamamagitan ng karanasang kultural ay maarin nating masagot ang mga "Bakit?" at "Paano?" patungkol sa isang tao o pangkat nito.

1 comment:

  1. Napapangiti ako habang nagbabasa dito. Galing mo talaga magsulat. Love you bebe ��

    ReplyDelete