Saturday, October 25, 2014

Kasaysayan ng Alpabetong (Abakada) Filipino


Bago dumating ang mga Kastila nuong ika-16 siglo ay may sarili nang sistema ng pagsulat ang ating mga ninuno. Ang sistemang ito ay tinatawag na Baybayin (hindi Alibata) na nagmula sa salitang ugat na Baybay (spell).


Ang Baybayin ay binubuo ng  labing-apat na katinig at tatlong patinig.

Noong dumating ang mga Kastila ang baybayin ay pinalitan ng Alpabetong Romano.

Noong 1930`s binuo ni G. Lope K. Santos ( ang itinuturing na ama ng balarilang Filipino) ang isang abakada na may dalwampung (20) titik na kinabibilangan ng  limang (5) patinig at labing-limang (15) katinig na ang tunog o bigkas ay hango mula sa wikang Tagalog.

"a, b , k , d , e g, h, i l, m, n , ng, o, p, r, s, t, u, w, y."


Noong Oktubre 4, 1971, pinagtibay ng Sanggunian ng Wikang Pambansa (Komisyon sa Wikang Filipino na ngayon) ang pinagyamang alpabeto na binubuo ng 31 titik.

Ito ay ang: "a, b, c ch, d, e, f, g, h, i, j, k, l, ll, m, n, ñ,ng, o, p, q, r, rr, s, t, u, v, w, x, y, z"

Muli itong binago kaalinsabay ng pagbabago ng Pambansang Konstitusyon bilang tugon sa mabilis na pagbabago at pag-unlad ng wikang pambansa. Matapos ang mahabang serye ng sanguniang pulong o seminar nabuo ang Alpabetong Filipino na may 28 titik:
" a, b , c, d, e, f, g, h, i, j, k, l, m, n, ñ , ng, o, p, q, r, s, t, u, v, w, x, y, z."

8 comments:

  1. Meron po ba talagang a,b,c,ch,d,e,f,g,h,i,j,k,l,ll,m,n,ñ,ng,o,p,q,r,rr,s,t,u,v,w,x,y,z?

    ReplyDelete
  2. meron po sa pinagyamang alpabetong pinagtibay noong Oktubre 4, 1971. Ngunit tinagkal na sa bagong alpabeto.

    ReplyDelete
  3. Bakit po nagstay yung 'ng' na letter?

    ReplyDelete
  4. @mae Dahil ang 'ng' ay integral sa ponema ng kahit na anong dayalekto sa Pilipinas. Kung kaya itinakda ng mga pantas sa lingwistika na hindi ito alisin. Isipin na lamang na wala ang "ng", maari itong magdulot ng kalituhan lalung-lalo na sa mga batang magaaral. Halimbawa (wala ang 'ng' at hindi ito itinuturo sa pagbaybay) ang salitang "bangka" ay maaring basahin bilang ba-na-ga-ka at yon ay mapapangatwiranan lalung-lalo na kung ang bumabasa ay hindi tagalog ang inang-dila, at mayroon itong intelektwal at legal na basehan uoang basahin ng pagayon. Salamat sa iyong interes. Siyanga pala, maaring magustuhan mo rin ito Mga Makaluma at Malalalim na salitang Tagalog

    ReplyDelete
  5. Anong taon po ba itinuro ang abakada at bakit ito itinuro??

    ReplyDelete
  6. Hello po pano po I pronounce Yung ll at rr

    ReplyDelete