Ang KALABAW ay dinala ng mga imigranteng Malay sa Pilipinas nuong 300 - 200 BC ngunit may isang uri din ng kalabaw ang dinala ng mga dayuhang intsik sa bansa (shanghai buffalo) nuong kasagsagan ng panahon ng kastila.
Sa kasalukuyan, karamihan sa mga bagong lahi ng kalabaw ay iniluwas pa mula sa bansang Cambodia.
Malaki ang pakinabang sa kalabaw noon pa man. Bukod sa ito ang pangunahing katulong sa pagsasaka, matatandaang ito rin ang isa sa pinakaunang uri ng transportasyon sa bansa bago pa man dumating ang mga mananakop. Napagkukunan din ito ng sariwang gatas na talaga nanamang kakaiba ang taglay na sarap at sustansiya. Sinasabing ang sungay ng kalabaw ay ginamit ng mga katutubong mandirigma bilang armas at pananggalang.
Sa ngayon, ang Kalabaw ang itinuturing na pambansang hayop ng PIlipinas. Isang hindi matatawarang tatak ng lahing Pilipino. Isang malaking bahagi at pagkakakilanlan ng Kulturang Pinoy.
No comments:
Post a Comment