Saturday, October 25, 2014

Ang Mga Puno ng Balete at Kababalaghang Pinoy

Balete or Banyan Tree

   Genus: Fycus


Family: Hemi   Epiphytes

Balete or Banyan Tree

Sa hindi mamalamang dahilan, palaging idinadawit sa mga kababalaghan ang mga puno ng balete. Naniniwala ang ilan na sa punong ito naninirahan ang mga lamang lupa, gaya ng dwende, kapre, tikbalang at iba pa. Pinananahanan din daw ito ng mga espiritung ligaw kaya naman naging simbulo na rin ito ng mga katatakutan sa telebisyon.

Ang isa sa pinakatatakutang lugar sa modernong Pilipinas, ang Balete drive, ay ipinangalan sa punong ito. Sinasabing sa isang matandang puno ng balete sa New Manila, Quezon City nagpapakita ang isang white lady na siyang nagiging dahilan ng mga aksidente sa lugar. Bukod duon  marami pang mga pangyayari ang iniuugnay sa punong balete sa nasabing lugar.

Ngunit alam niyo ba na ang pinatuyong sanga, dahon at ugat ng puno ng Balete, kung isasama sa langis ay ginagamit na  pampahilom ng mga sugat. Ang pinakuluang sanga nito ay mabisang gamot sa sakit sa bato.

Ang pinaka matandang puno ng Balete (1328 years old) sa Asya ay matatagpuan sa Kanlaon City, Negros Oriental samantang ang pinakamalaki naman (200 ft talll, 49 ft in diameter) ay matatagpuan sa Baranggay Quirino Ma. Aurora, Aurora Province.

Hindi natin mapabubulaanan kung hindi man mapatunayan ang mga kababalaghang iniuugnay sa mga puno ng balete. Ngunit isa lang ang malinaw, ang mga paniniwala ukol sa puno ng balete ay naging isang karagdagan sa makulay na kultura ng minamahal nating Pilipinas.

No comments:

Post a Comment