Showing posts with label quezon. Show all posts
Showing posts with label quezon. Show all posts

Sunday, October 26, 2014

Brief History of Municipality of Gumaca


Gumaca is one of the oldest town in Quezon Province and only several years younger than the City of Manila was already a well-established community even before the Spaniards came. 


According to oral tarditions, the community has a barangay government as early as the 14th century with Lakan Bugtali as the first and Lakan Gitingan being the last.

The barangay had for its territory much of the area now under the jurisdictions of the municipalities of Atimonan, Plaridel, Lopez, Alabat, Calauag, Perez, Atimonan, Quezon,Unisan, Pitogo and Macalelon.

Located at the mouth of what is now known as Ppisik river and nestling at the foot of Sierra Madre range, it was - as it is now - also the center of local trade and commerce.

It was perhaps because of this,  that the Franciscan Friar, Fray Diego de Oropesa, first set foot in the community and introduced Christianity  to the people with St. Diego de Alcala being proclaimed as the pueblo`s patron saint. In 1582, the first "vista" was erected and 1686 marked the establishment of a full-pledged town with in dependent (civil) government, the earlier ones being headed by the ever-present Spanish Friars (The municipality of Gumaca boasts of a still complete liine-up of chief executives from 1574 down to the present)

The center of the local governance, built in 1921 on the grounds where the Tribunal and the Casa Real once stood.

Approximately 200 Kilometers south of Manila, Gumaca is a four-parts leisurely drive trough rice fields, coconut plantations, picturesque towns, and scenic resorts.......truly a prelude to the wonder that is Gumaca.

Source: Gumaca Municipal Library

Saturday, October 25, 2014

Ang Mga Puno ng Balete at Kababalaghang Pinoy

Balete or Banyan Tree

   Genus: Fycus


Family: Hemi   Epiphytes

Balete or Banyan Tree

Sa hindi mamalamang dahilan, palaging idinadawit sa mga kababalaghan ang mga puno ng balete. Naniniwala ang ilan na sa punong ito naninirahan ang mga lamang lupa, gaya ng dwende, kapre, tikbalang at iba pa. Pinananahanan din daw ito ng mga espiritung ligaw kaya naman naging simbulo na rin ito ng mga katatakutan sa telebisyon.

Ang isa sa pinakatatakutang lugar sa modernong Pilipinas, ang Balete drive, ay ipinangalan sa punong ito. Sinasabing sa isang matandang puno ng balete sa New Manila, Quezon City nagpapakita ang isang white lady na siyang nagiging dahilan ng mga aksidente sa lugar. Bukod duon  marami pang mga pangyayari ang iniuugnay sa punong balete sa nasabing lugar.

Ngunit alam niyo ba na ang pinatuyong sanga, dahon at ugat ng puno ng Balete, kung isasama sa langis ay ginagamit na  pampahilom ng mga sugat. Ang pinakuluang sanga nito ay mabisang gamot sa sakit sa bato.

Ang pinaka matandang puno ng Balete (1328 years old) sa Asya ay matatagpuan sa Kanlaon City, Negros Oriental samantang ang pinakamalaki naman (200 ft talll, 49 ft in diameter) ay matatagpuan sa Baranggay Quirino Ma. Aurora, Aurora Province.

Hindi natin mapabubulaanan kung hindi man mapatunayan ang mga kababalaghang iniuugnay sa mga puno ng balete. Ngunit isa lang ang malinaw, ang mga paniniwala ukol sa puno ng balete ay naging isang karagdagan sa makulay na kultura ng minamahal nating Pilipinas.

Thursday, August 21, 2014

Manuel Luis Quezon y Molina

Isang tula patungkol sa minamahal nating Manuel L. Quezon
President of the Philippines (1935–1944)
August 19, 1878 -  August 1, 1944

Manuel Luis Quezon y Molina

Manuel Luis Quezon y Molina
ama ng wikang pambansa
ama ng pambansang kasarinlan
ngunit sino nga ba siya?
tunay ba natin siyang kilala?

ika-labing siyam ng Agosto
isang libo walong daan at pitumpu't walo
nang isilang ang isang dakilang Pilipino
Sa isang butihing mag-asawang guro
na si ginang Dolores at ginoong Lucio Quezon

sa murang edad ay sumabak sa giyera
ipinagtanggol ang bayan laban sa Agila
binigyan ng ranggong de-campo-ayuda
ngunit nuong ang digma'y 'di na kaya
nagpasyang itaas ang puting bandera

kahit pinangakuan ng maraming yaman
hindi nahimok na humimod sa paa ng dayuhan
sapagka't tanging nais ay ang kasarinlan
dahil ang bayang parang impyerno ay mainam
kung tunay na atin ang pamahalaan

nuong mga unang panahon ang bandilang itinataas
iba-iba ang tingkad pati na rin ang tabas
kaya ipinanukala niya at isinabatas
detalyadong espisipikasyon at deskripsiyon ng watawat
wastong kulay, wastong haba pati na rin wastong lapad

nuong mga unang panahon ang bandilang itinataas
iba-iba ang tingkad pati na rin ang tabas
kaya ipinanukala niya at isinabatas
detalyadong espisipikasyon at deskripsiyon ng watawat
wastong kulay, wastong haba pati na rin wastong lapad