Showing posts with label wikang pambansa. Show all posts
Showing posts with label wikang pambansa. Show all posts

Saturday, October 25, 2014

Kasaysayan ng Alpabetong (Abakada) Filipino


Bago dumating ang mga Kastila nuong ika-16 siglo ay may sarili nang sistema ng pagsulat ang ating mga ninuno. Ang sistemang ito ay tinatawag na Baybayin (hindi Alibata) na nagmula sa salitang ugat na Baybay (spell).


Ang Baybayin ay binubuo ng  labing-apat na katinig at tatlong patinig.

Noong dumating ang mga Kastila ang baybayin ay pinalitan ng Alpabetong Romano.

Noong 1930`s binuo ni G. Lope K. Santos ( ang itinuturing na ama ng balarilang Filipino) ang isang abakada na may dalwampung (20) titik na kinabibilangan ng  limang (5) patinig at labing-limang (15) katinig na ang tunog o bigkas ay hango mula sa wikang Tagalog.

"a, b , k , d , e g, h, i l, m, n , ng, o, p, r, s, t, u, w, y."


Noong Oktubre 4, 1971, pinagtibay ng Sanggunian ng Wikang Pambansa (Komisyon sa Wikang Filipino na ngayon) ang pinagyamang alpabeto na binubuo ng 31 titik.

Ito ay ang: "a, b, c ch, d, e, f, g, h, i, j, k, l, ll, m, n, ñ,ng, o, p, q, r, rr, s, t, u, v, w, x, y, z"

Muli itong binago kaalinsabay ng pagbabago ng Pambansang Konstitusyon bilang tugon sa mabilis na pagbabago at pag-unlad ng wikang pambansa. Matapos ang mahabang serye ng sanguniang pulong o seminar nabuo ang Alpabetong Filipino na may 28 titik:
" a, b , c, d, e, f, g, h, i, j, k, l, m, n, ñ , ng, o, p, q, r, s, t, u, v, w, x, y, z."

Thursday, August 21, 2014

Manuel Luis Quezon y Molina

Isang tula patungkol sa minamahal nating Manuel L. Quezon
President of the Philippines (1935–1944)
August 19, 1878 -  August 1, 1944

Manuel Luis Quezon y Molina

Manuel Luis Quezon y Molina
ama ng wikang pambansa
ama ng pambansang kasarinlan
ngunit sino nga ba siya?
tunay ba natin siyang kilala?

ika-labing siyam ng Agosto
isang libo walong daan at pitumpu't walo
nang isilang ang isang dakilang Pilipino
Sa isang butihing mag-asawang guro
na si ginang Dolores at ginoong Lucio Quezon

sa murang edad ay sumabak sa giyera
ipinagtanggol ang bayan laban sa Agila
binigyan ng ranggong de-campo-ayuda
ngunit nuong ang digma'y 'di na kaya
nagpasyang itaas ang puting bandera

kahit pinangakuan ng maraming yaman
hindi nahimok na humimod sa paa ng dayuhan
sapagka't tanging nais ay ang kasarinlan
dahil ang bayang parang impyerno ay mainam
kung tunay na atin ang pamahalaan

nuong mga unang panahon ang bandilang itinataas
iba-iba ang tingkad pati na rin ang tabas
kaya ipinanukala niya at isinabatas
detalyadong espisipikasyon at deskripsiyon ng watawat
wastong kulay, wastong haba pati na rin wastong lapad

nuong mga unang panahon ang bandilang itinataas
iba-iba ang tingkad pati na rin ang tabas
kaya ipinanukala niya at isinabatas
detalyadong espisipikasyon at deskripsiyon ng watawat
wastong kulay, wastong haba pati na rin wastong lapad