Saturday, July 8, 2017

Ibat-ibang Uri ng Anting-Anting o Agimat

Mga anting-anting, agimat at kakaibang galing
Madalas nating marinig, lalo na sa matatanda, ang mga kwento tungkol sa mga taong may anting o agimat. Bukod pa roon, madalas din itong matagpuan sa mga panitikan kung saan ang mga tauhan ay nagtataglay ng kakaibang katangian at galing sa pakikipaglaban.


Ang anting o agimat ay nagbibigay ng mga hindi pangkaraniwang kakayanan. Kung hindi man kakaibang husay sa pakikipaglaban, kakayahang labanan ang sakit,  o kakayahang gumamot ang mga ito ay maari ring magdala ng swerte.  Ito ang isang dahilan kung bakit marami ang gustong magkaroon nito.

Iba-iba ang tawag sa mga ito. Depende sa kakayanan na maaring taglayin ng isang tao o depende sa pinagmulang rehiyon. Narito ang listahan ng mga anting o agimat mula sa ibat-ibang dako ng Pilipinas

Anting-anting o Agimat sa iba`t-ibang panig ng Pilipinas.


Odom ng mga Bikolano o Satagabulag  - ang taong nagtataglay ng agimat na ito ay may mkakayahang maging invissible o mahusay sa pagtatago.

 Sa Gabe o Wiga - Hindi nababasa ang nagtataglay nito kahit pa maglakad siya sa ilalim ng ulan.

 Sa Tagahupa - Ito ay ang galing sa pagpapasunod o pagaawat. Sinasabing kahit pa masidhi ang galit ng isang tao kung kakausapin ng may sa tagahupa nagiging parang tupa sa bait

Pulang Korales - isang uri ng Coral na sinasabing humihigop ng swerte kaya mapalad ang makakatagpo nito.

Karbungko - Isang uri ng batong nagliliwanag sa sa tuwing natatapat sa lugar kung saan may ginto.
Iniingatan ito ng mga ahas.

Ang batong karbungko ayon sa deskripsiyon sa mga panitikan.
Ang Batong Karbungko, isang uri ng agimat, ayon sa deskripsiyon sa mga panitikan


Agsam - isang uri ng baging na matatagpuan lamang sa mga lib-lib na lugar sa Mindanao. Ginagawa itong bracelet na may kakayahang magtaboy ng masasamang espiritu, engkanto at mga lamang lupa.

Pamako - ang may sa pamako ay nagagawang paralisahin ang mga nakakaalitan o sino man na gusto niyang paralisahin.

Pangil ng Kidlat - magtatagpuan sa mga lugar na tinamaan ng kidlat. Ang makakakuha nito ay magtataglay ng hindi matatawarang lakas ng katawan.

Mutya ng Bulak - ang mutya ng bulak ay isang maliit bato namatatagpuan sa loob ng tuyong bulak. Ang may mutya ay may kakaibang gaan ng katawan. Makikita ang husay nila sa pagakyat sa puno dahil kaya nilang tumapak kahit na sa mililiit na sanga dahil sa gaan ng katawan.

Mutya sa Palos - ang makakuha ng mutya sa palos ay may kakaibang liksi ng katawan kaya magaling silang tumakas. Gustong-gusto ito ng mgga kawatan.

Mutya ng Tawak - ito ay maliit na bato na maaring makuha mula sa lungga ng ahas o agawin mula sa ahas mismo. Hindi tatalaban ng kamandag ng ahas ang magtataglay nito

Tagaliwas - ang may sa tagaliwas ay hindi tinatamaan ng bala o ng ano pa mang bagay na maaring makapaminsala

Kabal - ang taong may sa kabal ay may makunat na balat na hindi tinatablan ng matatalaas at matutulis na bagay tulad ng itak at bala

Ilan lamang ang mga ito sa mga uri ng anting-anting o agimat ng mga Pilipino.
May kilala ka bang tao na mayroong anting-anting?
May alam ka pa bang uri nito na hindi matatagpuan sa listahan?

No comments:

Post a Comment