Tuesday, June 13, 2017

Kahalagahang Kultural ng Malong

Ang "Malong" ay bahagi na ng kulturang Pilipino,  partikular ng mga Muslim. Sa lathalaing ito, tatalakayin natin ang ilang katanungan patungkol sa Malong.

Ano ang kahulugan ng salitang Malong?


Ang salitang "Malong", katulad ng "Patajong" ng mga Bisaya at Tagalog at "Tajong" ng mga Samal, ay nangangahulugang "Mainam na Kasuotan". Katulad din ng "Sarong" ng Malaysia at "Ponong" ng Thailand.

Ano ang Malong?


Ang malong ay isang mahabang tela na may kaakit-akit na mga kulay. Ito ay may disenyong "abstract"na tila alon, mga bulak-lak at dahon at iba pang disenyong base sa Okir at Sari-Manok. Hinabi ito mula sa seda o bulak. May  itong 166cm at 170cm naman ang lapad.

Anu-ano ang Uri ng Malong?

May limang uri ng Malong, ito ay ang;

  1. Landap - Ang pinakakilala sa lahat ng uri ng malong. Ito ay hinabi gamit ang tradisyunal na pamamaraan ng paghahabi at may dekorasyong "Langket". 
  2. Ampik- Ito ay karaniwang malong. Ang kahulugan ng "Ampik" ay kaakit-akit
  3. Andi- isang uri ng malong na ginagamit bilang flag o banner
  4. Bagadat - isang uri ng malong na may disenyong guhit-guhit (stripe)
  5. Bagadon - ang pinakamahalagang uri ng Malong. Nangangahulugan itong "Ibuhol o ibalot" na tumutukoy sa proseso ng paghahabi nito

Ang Malong Bilang Sining


Ang paghahabi ng Malong ay isang sining partikular sa mga T'boli at Maranao. Sa paghahabi ng malong ay napagsasanib ang mga disenyong may malalim na kaugnayan sa kanilang kultura tulad ng Okir at Sari-manok. Ang disenyong Okir ay tumutukoy sa disenyong nagpapakita ng ibat-ibang hugis na ipinakikita ng kalikasan. May dalwang uri ng disenyong Okir;
  1. Ang "Okir a Dato"ay disenyo para sa mga lalaki
  2. Ang "Okir a Bay" ay disenyo para sa mga babae.

Ano ang gamit ng Malong?


Ang malong ay ginagamit bilang (bahagi) ng kasuotan sa araw-araw. May mga uri ng malong na ginagamit bilang kasuotang pormal. Ginagamit din ito bilang sapin sa pananalangin.

Paano isinusuot ang Malong?


Ayon sa nakasanayan, isinusuot ng mga kababaihan ang Malong sa ibabaw ng kanilang blusa na pinapalamutian ng ginto at iba pang ornamento. Nakabalabal naman ito sa baywang ng lalaki. Ginagamit rin ito sa ulo o di kaya`y ipinapandong paminsan.

Kung isusuot ito ng babae kailangang pinapatangan nito ang blusa. 

Anu-ano ang Implikasyong Kultural ng Malong


Ang bagong silang na sanggol ng mga Maranao ay karaniwang ibinabalot sa pinaka magandang  Malong ng pamilya o kaya naman ay ginagamit ang malong bilang duyan ng sanggol.

Angmga namatay ay ibinabalot din sa malong na pinalamutian ng ginto at mga disenyong alon. Pinapabangohan ang  Malong gamit ang tradisyonal na pamamaraan bilang paggalang sa kaluluwa ng namayapa

Ang mga mamahalin o di kaya naman ay na manang malong ay pinapahalagahan at maingat na itinatabi ng mga maranao. Upang maiwasan ang pagkasira ginagamitan ito ng wax at pinapabangohan gamit ang dalawang pamamaraan:

  1. pagpapabango gamit ang mga katas mula sa mga ugat at dahon ng mga halamang tinatawag na “Towa”, “Salapiin” at “Sabi
  2. paglalagay ay tinatawag na BOROK”, kung saan ipinapatong ang malong sa ibabaw ng basket na tinatawag na baloyan at pinauusukan gamit ang uling at abo mula tuyong dahon at ugat ng halamang Salapiin
Lawrence Avillano

No comments:

Post a Comment