Sunday, May 17, 2020

Buod ng Biag ni Lam-ang

Karaniwang tagpo sa Epiko
Karaniwang tagpo sa isang epiko

Ano ang Epiko?


Ito ay isang uri ng panitikan, hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa pandaigdigang panitikan din. Ang epiko ay isang kwentong panulaan na nagsasalaysay ng husay at kabayanihan ng isang tao. Ang mga epiko ay nagmula pa sa ating mga ninuno at napasalin-salin lang sa bawat henerasyon dahil sa likas na hilig ng mga Pilipino sa pagkukwento. Maraming mga epiko na magpasahanggang ngayon ay nasasa-wikang katutubo pa dahil hindi pa ito naisasalin.

Isa sa mga kilalang epiko ay ang Biag ni Lam-ang, isang epiko ng Iloko. Mababasa mo sa ibaba ang pinaiksing teksto ng epiko. Ito ay isang buod nang epiko, na nagsasalaysay lamang ng mahahalagang kaganapan sa buhay ni Lam-ang.



Buod ng Epikong Biag ni Lam-ang.


Ipinanganak si Lam-ang sa Nalbuan sa Mag-asawang Juan at Namongan Panganiban. Isinilang si Lam-ang na hindi nakikita ang kanyang ama dahil ito ay nabihag at napatay ng mga Igorot.

Isinilang si Lam-ang na mayroon nang ngipin at sa edad na siyam na buwan (9 months) ay siya na ang pumili kung ano ang ipapangalan sa kanya. Sa Edad ding iyon ay nagawa niyang lakbayin ang ang kabundukan at ipaghiganti ang pagkamatay ng kanyang ama sa kamay ng mga Igorot.

Umibig siya kay Ines Kannoyan na kanya namang napaibig sa tulong ng kakaibang husay na ipinakita ng kanyang aso at tandang. Napatumba ng aso ang bahay sa pamamagitan ng pagtahol nito, samantalang napatayo naman ito ng tandang sa pamamagitan ng patilaok.Hinandogan niya si Ines ng isang kaskong ginto. Nagpakasal si Ines at Lam-ang.

Bilang pagtupad sa isang tradisyon, sumisid si Lam-ang sa dagat upang manghuli nang isdang Rarang. Nakain siya ng isdang berkakan sa kanyang pagsisid. Pinasisid ni Ines ang kanyang buto at mulin binuhay si Lam-ang sa tulong ng taglay na galing ng kanyang alagang aso at tandang.

Namuhay na masaya, masagana at mapayapa ang magasawa mula noon.


3 comments:

  1. Ano Ang mahalagang pangyayari sa biag ni lam Ang

    ReplyDelete
    Replies

    1. Bilang pagtupad sa isang tradisyon, sumisid si Lam-ang sa dagat upang manghuli nang isdang Rarang. Nakain siya ng isdang berkakan sa kanyang pagsisid. Pinasisid ni Ines ang kanyang buto at mulin binuhay si Lam-ang sa tulong ng taglay na galing ng kanyang alagang aso at tandang.

      Namuhay na masaya, masagana at mapayapa ang magasawa mula noon.

      Delete