Tuesday, May 19, 2020

Ano ang dahilan ng paninigarilyo ng mga Pilipino?

Sigarilyo

Ang paninigarilyo ay karaniwan nang libangan ng mga kalalakihang Pilipino. Naninigarilyo sila matapos kumain, habang nasa banyo at nagbabawas, habang nagpapalipas ng oras o kaya naman ay kasabay ng pag-inom ng alak.

Makakikita ka ng naninigarilyo sa halos lahat ng sulok ng Pilipinas. May naninigarilyo sa mga lansangan, sa mga eskenita, sa opisina, sa bahay, sa mga baryo, sa kabundukan, sa gitna ng dagat at marami pang iba. Walang pinipiling oras ang taong lango na sa paninigarilyo.




Bakit naninigarilyo ang isang tao?


1. Pride


    Iniuugnay ng mga pagaaral paninigarilyo sa pride o sa pagkalalaki. Naninigarilyo ang isang tao dahil ayaw niyang sabihin na siya ay mahina at maliitin ng iba. Gusto niyang makasabay sa iba at ipagmalaki ng mga kaibigan. Gusto niyang matawag din na "astig" kagaya ng mga action star sa mga pelikula. Kaya naman ginagawa  rin niya ang ginagawa ng mga kaibigan at ang ginagawa ng mga astig na action star.

2. Pakikisama


Kila ang mga Pilipino sa mabuting pakikisama. Isa rin ito sa mga itinuturong dahilan ng paninigarilyo ng mga Pilipino. Dahil sa pakikisama, nakukuhang tanggapin ng isang tao ang iniaalok na sigarilyo sa kanya. Ang pagtanggap ng sigarilyo, lalo na mula sa bagong kakilala, ay maaring maging simula ng mabuting samahan. Karaniwan na sa mga taong mahilig makihalubilo ang paninigarilyo

3. Tensiyon


Ayon sa ilang mga pagaaral, ang tensiyon ay maari ring mag-udyok sa isang tao upang manigarilyo. Hindi na bago sa atin ang kalagayan ng bansa lalo na sa mga masisikip na lunsod na animo ay laging nagmamadali ang mga tao. Ang kalagayang ito ay nakababalisa at maaring mag-udyok sa isang Pilipino upang manigarilyo.



4. Rebelyon


Ang rebelyon ang karaniwang dahilan ng paninigarilyo ng mga kabataan. Ang damdamin ng pagrerebelde ay nangangailangan ng pagpapakita ng pagiging matatag o matigas upang mas maipakita at mas kapanipaniwala. Ang paninigarilyo ay isang pamamaris ng anak sa magulang na naninigarilyo upang ipakita ang pagrerebelde.

5. Exposure 


Marami sa mga kabataang naninigarilyo ang na-expose o nalantad sa paninigaril sa murang edad. Kung ang kanilang mga magulang ay nainigarilyo, madalas nila itong nakikita o di kaya naman ay sila pa ang nauutusan upang bumili ng sigarilyo sa tindahan o sari-sari store na usong-uso sa Pilipinas. Sa ganitong sitwasyon madali na sa kanila ang tanggapin ang paninigarilyo bilang isang libangan.

No comments:

Post a Comment