Ang Kahulugan ng Kultura
Ang kahulugan ng kultura ay isang usaping pinagtatalunan ng mga dalubhasa mula sa iba`t ibang sektor ng pag-aaral. Ngunit sa antropolohiya, ang kultura ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay at gawi ng isang pangkat ng mga tao sa isang lugar, bayan, lalawigan o bansa. Ang kultura ay binubuo ng mga gawing panlipunan, pagkain, wika, relihiyon, musika, sining atbp na natatangi sa isang pangkat ng mga tao. Ito ang dahilan kung bakit sinasabing ang kuktura ay nagsisilbing pagkakakilanlan.
Mga Halimbawa ng Kultura
Wika
Ang kaalaman ng isang pangkat ng tao ay maituturing na kultura. Halimbawa na lamang ay ang wika. Ang wika ay umiiral at nagiging wika kapag ito ay ginagamit at nauunawaan ng isang pangkat ng tao. Kung ang wika ay ginagamit sa malawakang antas at ginagamit nang may istandard na sistema, ito ay ganap na wika. Samantala ang wikang ginagamit ng isang maliit na pangkat ng tao sa isang lugar at walang kilalang standard ng paggamit ito ay maituturing na dayalekto o bernakular.
Mga Gawing Panlipunan
Pagmamano
Ang pagmamano ay isang halimbawa ng gawing panlipunan ng mga Pilipino na isang natatanging pagkakakilanlan ng ating pagka-pinoy. Ang pagmamano ay ang paghalik sa kamay ng mga nakatatanda. Ito ay ginagawa bilang pag-galang at pagpapapakita ng respeto sa mga magulang at nakatatanda.
Po at Opo
Ang po at opo ay mga salitang magagalang na ginagamit ng mga Pilipino, partikular ng mga Tagalog, sa pakikipag-usap sa mga nakatatanda at otoridad bilang tanda ng pag-galang at respeto.
Pagkakamay
Gawi na ng maraming Pilipino ang pagkakamay sa tuwing kumakain. Makikita ang gawing ito lalo na sa mga probinsiya at kanayunan. Ito ay hindi dahil sa kakulangan as kubyertos gaya ng kutsara at tinidor kundi dahil sa likas na nakasanayan ito ng mga Pilipino sa bukid.
Palabati
Likas sa mga Pinoy ang pagiging palabati. Madalas maririnig sa mga Pilipino ang batian at masayang kumustahan at usapan sa tuwing magkikita-kita. Ito ang dahilan kung bakit napupuna ng ibang lahi ang mga Pilipino at sinasabing maiingay.
Pagkain bilang Kultura
Ang pagkain ng isang pangkat ay maituturing din bilang isang pakakakilanlang kultural. Ang pagkakaiba ng hilig at nakasanayang pagkain ay may kinalaman sa heograpiya ng lugar at sa kabuhayan kung saan naninirahan ang isang pangkat. Kung ang mga tao ay nakatira sa malapit sa dagat, karaniwang pangingisda ang kinabubuhay ng mga tao sa lugar. Dahil dito, ang mga inihahanda nilang pagkain at espesyalidad ibat-ibang luto ng mga isda at lamang dagat.Ito rin ang dahilan kung bakit iniuugnay ang pagkain sa isang lugar. Halimbawa nito ay nag pagiging uso ng ginataan at lambanog sa Batanggas at Quezon dahil naroroon ang malalawak na mga niyogan. Dahil sa pagkakaiba-iba sa heograpiya at industriyang pang kabuhayan lumitaw ang iba`t ibang Lutuing Pilipino.
Musika bilang pagkakakilanlang Kultural
Hindi maikakakaila ang ang musika aay isang pagkakakilanlang kultural. Kung susubuking pakinggan ang mga tradisyunal na tugtugin, makikilala natin ang pagkakaiba-iba sa himig, ritmo at tekstura ng musika. May iba`t ibang instrumentong pang-musika na ginagamit ang mga pangkat ng tao na nagdadala ng pagkaka-iba. Sa Pilipinas na lamang, makikita na ang pagkakaiba sa tunog ng musika mula sa kanluranng Pilipinas at mula sa timog.
Sining Bilang Kultura
Ang sining ay isang halimbawa ng kultura. Sa Pilipinas makikita ito sa mga sining na naging industriya na sa isang bayan. Halimbawa na lamang ang husay at galing sa paguukit ng mga tao sa Paete Laguna. Ang lalawigan naman ng Rizal ay kilala sa mga magagandang kagamitan kagaya ng bag at bayong na hinabi mula sa pandan at buri
Relihiyon at Kultura
Ang relihiyon ay may malaking impluwensiya sa kultura. Sa Pilipinas ang relihiyong kristiyano, partikular na ang Katoliko, ay may kinalaman sa tradiyon ng pista o taunang pagpapasalamat sa itinakdang santong patron para sa isang bayan o baryo. Nagdidiwang din tayo ng mga tradisyunal na pag-ganap gaya ng Santacruzan tuwing buwan ng mayo . Tuwing Semana Santa o mahal na araw mayroong isinasagawang mga mga dula-dulaan gaya ng Pasyon at Tibag.
Lawrence Avillano, LPT
Maraming salamat ito ay nakatulong ng malaki sa aking pananaliksik.
ReplyDelete