Saturday, October 25, 2014

Ang Pandesal o Spanish Salt-bread


Naimbento ito noong panahon ng Kastila at naging popular bilang isang pagkaing sa agahan o almusal.

Sinasabing ang kakulangan sa mga sangkap noong panahong `yon ang dahilan kung bakit mga payak na sangkap lang ang ginamit sa pandesal. Ito ay ang harina, itlog, mantika ng gulay, asin at kaunting asukal.

Payak din ang pamamaraan ng pag-gawa nito.Pagkatapos maiwasto ang masa, irorolyo ito sa hugis baston (babastonin) bago gagayatin sa tama at pare-parehong sukat. Ang bawat piraso ay isasawsaw o di kaya naman ay pagugulungin sa mumot ng tinapay o bread crumbs. Hahantayin muna itong umalsa bago ipasok sa pugon.

Hanggang sa ngayon popular pa rin ang pandesal sapagkat isa ito sa pinaka affordable na pagkain para sa almusal

Malaki ang ginagampanan ng pandesal sa hapag kainan ng bawat pinoy. Tila hindi kumpleto ang almusal kung sa hapag ay walang pandesal. Masarap itong kainin kasabay ng mainit na kape o gatas. Bagaman malambot, hindi maipaliwanag kung bakit gustong-gusto natin itong isawsaw sa kape.

No comments:

Post a Comment