Saturday, October 25, 2014

Philippine Folk Dances: Tinikling



Ang #Tinikling ang itinuturing na pambansang sayaw ng Pilipinas ay nagmula sa Kabisayaan sa Lalawigan ng #Leyte. Iniuugnay ito sa pagdiriwang na may kinalaman sa agrikultura.

Ang pangalang Tinikling ay hango sa pangalan ng Tikling ( isang ibon na may mahabang leeg, tuka at paa) sapagkat ginagaya nito ang galaw ng nasabing ibon na kadalasang makikitang palunda-lundag at patakbo-takbo sa mga damuhan

Isinasagawa ito sa saliw ng isang makalumang tugtugin.Gamit ang dalawang piraso ng mahabang kawayan, ginagaya ng mga mananayaw ang mayumi ngunit mabilis na kilos ng ibong Tikling sa tuwing binibitag ito ng mga magsasaka.

5 comments:

  1. Ano po ba ang ibang kagamitan sa sa pag-sayaw ng tinikling. Maliban na lang sa kawayan?

    ReplyDelete
  2. Atsaka, kailangan po kasi ito ng kapatid ko sa proyekto nila. So please, sagutin niyo po..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bakit po naging pambansang sayaw ang tinikling?

      Delete
    2. Pede namang gamitan ito ng mga kahoy na mahahaba t pwede rin nmang mga sticks na matitibay

      Delete
  3. Magandang umaga! Naririto po ang iba pang kagamitan sa tinikling maliban sa kawayan. Ito ay ang mga sumusunod;
    1. Abaniko o pamaypay para sa mga babaeng mananayaw. Ang paggamit ng abaniko ay nagdadagdag yumi sa mga mananayaw na babae at naglalagay ng kontras sa kilos ng paa at galaw ng itaas na bahagi ng katawan

    2. Bandana - Mapapansin ang bandana na nakapalamuti sa leeg ng mga babae at lalaking mananayaw. Ang pagsusuot ng bandana ay karaniwan sa mga taong lalawiganin nuong una.

    3. Malong - Ito ay ginangamit ng mga mananayaw na kumukontrol sa kawayan. Nagsisilbi itong sapin sa kanilang puwitan upang sila ay hindi madumihan.

    Paalala lamang: ang paggamit ng mga nabanggit sa itaas ay depende sa preperensiya ng mga mananayaw at ng bumuo ng koroyograpiya. Kaya mapapansin na hindi lahat ay gumagamit nito.

    Maraming salamat. Sana ay nakatulong ang aking tugon. Kung sakaling may iba ka pang katanungan o paglilinaw, maari kang magiwan ng mensahe sa aking facebook messenger dito sa Facebook.com/bahalanasabi.ako

    ReplyDelete