Is a blog that intends to promote, Filipino culture, traditions, history, peopling, Philippine travel destinations, festivals, current events and issues surrounding the nation.
Showing posts with label foods.. Show all posts
Showing posts with label foods.. Show all posts
Saturday, October 25, 2014
Ang Pandesal o Spanish Salt-bread
Naimbento ito noong panahon ng Kastila at naging popular bilang isang pagkaing sa agahan o almusal.
Sinasabing ang kakulangan sa mga sangkap noong panahong `yon ang dahilan kung bakit mga payak na sangkap lang ang ginamit sa pandesal. Ito ay ang harina, itlog, mantika ng gulay, asin at kaunting asukal.
Payak din ang pamamaraan ng pag-gawa nito.Pagkatapos maiwasto ang masa, irorolyo ito sa hugis baston (babastonin) bago gagayatin sa tama at pare-parehong sukat. Ang bawat piraso ay isasawsaw o di kaya naman ay pagugulungin sa mumot ng tinapay o bread crumbs. Hahantayin muna itong umalsa bago ipasok sa pugon.
Hanggang sa ngayon popular pa rin ang pandesal sapagkat isa ito sa pinaka affordable na pagkain para sa almusal
Malaki ang ginagampanan ng pandesal sa hapag kainan ng bawat pinoy. Tila hindi kumpleto ang almusal kung sa hapag ay walang pandesal. Masarap itong kainin kasabay ng mainit na kape o gatas. Bagaman malambot, hindi maipaliwanag kung bakit gustong-gusto natin itong isawsaw sa kape.
Sunday, October 13, 2013
Mga Lutuing Pinoy
Pagdating sa pagluluto, hindi pahuhuli ang mga pinoy. Sa katunayan libo-libong pinoy ang nagsisilbi bilang kusinero sa ibat-ibang panig ng daigdig. May ilan pa nga na gumawa ng pangalan at umani ng parangal dahil sa taglay na husay sa pagluluto.
Bakit mahilig magluto ang mga Pilipino?
Likas sa atin ang hilig pagkain kaya naman halos lahat ng Pilipino ay may kakayahang magluluto. Ang mga lutuing pinoy ay nagpapakita ng makulay na kultura ng ating bansa. Sumasalamin din ito sa ating kasaysayan sapagkat may mga lutuing natutunan natin mula sa mga dayuhang mananakop at mangangalakal.
Bawat lalawigan o bayan ay may
espesyalidad at ito ay naayon sa heograpiya, sa klima o di kaya nama`y sa mga
uri ng hanapbuhay. Halimbawa ang mga bayang nasa baybaying dagat ay may mga
espesyal na lutuing lamang dagat, samantalang mga gulay at karne naman ang
inihahanda ng mga magsasaka. May ilan din naming mahilig maghanda ng lutuing
ma-anghang dahil sa lamig sa kanilang lugar. May mga lugar ding katulad ng
lalawigan ng Quezon kung saan niyog ang pangunahin produktong agricultural,
kaya naman ang bawat pagkaing inihahanda duon ay palagi na yatang may gata.
Anu-anong pagkain ang tunay na tatak pinoy?
Kung ang pag-uusapan ay ang pagakaing
orihinal na talagang tatak pinoy, wala nang hihigit pa sa adobo at tinola. Ang
tinola ang madalas ihain ng mga pinoy sa tuwing may mga panauhing dunadating sa
kanilang mga tahanan sapagkat mabilis at madali itong lutuin. Isasangkutsa lang
ang manok sa kaunting mantika, bawang sibuyas, paminta at luya pagkatapos ay
sasabawan at lalagyan ng upo o di kaya ay papaya, pakukuluan ng limang minuto
at may tinola ka na. Yan ang dahilan kung bakit madalas mabanggit ang tinola sa
mga aklat na sinulat ng mga dayuhang manlalakbay. Nabanggit din ito sa aklat na
Noli Me Tangere at inilarawan bilang pagkain ng mga Indio, manok na ginisa sa
luya at nilahukan ng upo. Ang paghahain
ng tinola sa mga bisita ay isang kaugalian ng mga Pilipinona nagpapakita ng
magiliw na pagtanggap sa mga panauhin.
Anu-ano ang mga panghimagas ng Pilipino?
Hindi rin mawawala ang mga matatamis na
panghimagas. Kilalang-kilala ang mga Pinoy pagdating sa mga minatamis katulad
ng pakumbo, bukayo, panutsa, makapuno, at sampalok. Mga orihinal na panghimagas
na talaga namang napakasarap at angkop na angkop sa ano mang okasyon.
Hindi talaga mahihigitan ang sarap ng mga
lutuing pinoy. Masasabi din nating world class ang dating na talagang
babalik-balikan ang sarap. At saan man man tayo makarating maipagmamalaki ang
mga lutuing Pinoy na isa sa mga makukulay na tatak nag Kultura ng Pilipinas.
- Lawrence Avillano
SHARIFF KABUNGSUAN FESTIVAL
15-19 of December
Cotabato City
Shariff Kabungsuan Festival is held in Cotabato City every
15-19 of December to celebrate the arrival of Shariff Kabungsuan in Mindanao
via the Rio Grande, and the introduction of Islam to the native people. It is a
very significant event in Cotabato city. As an Islam festival, it become a
display of Muslim culture.
There are lots of events during the celebration of the
festival. It includes the Alimango festival, cultural presentations, acrobatic
shows, culinary competitions featuring traditional dishes, battle of the bands,
and exhibits featuring native products.
The high-lights of the
festival Is ”Guinakit” the parade of artistically decorated bancas along
the Rio Grande river and the “Pagana Maguindanao” a traditional way of dining among the
Maguindanaons and Maranaos.
http://kulturang-noypi.blogspot.com
13/10/13 By: avel
Subscribe to:
Posts (Atom)
-
Isang paglalarawan sa barkong panglayag Ang Pilipinas ay nasakop ng Espanya sa loob ng 333 taon mula 1565 hanggang 1898 . Sa panah...
-
Ang Pilipinas ay napasailalim sa kamay ng mga Kastila sa loob ng higit sa 300 taon. Hindi kaginsa-ginsa na makikita, madarama, maamoy at...
-
10 Salitang Nakakabulol Kinababagabagan Kinatakha-takhan Kinakikilabutan Nginangasab-ngasab Nangangalingasag Pinakipakinabangan ...
-
Ang Tradisyonal na Kasalang Pinoy Paano Isinasagawa ang T...