Friday, January 20, 2017

ANG PANINIWALA NG MGA PILIPINO TUNGKOL SA MGA ENGKANTO


Naniniwala ba ang mga Pilipino sa mga Engkanto? 


Mga Engkanto at Engkantada
Mga Engkanto at Engkantada


   Simula pa nuong unang-una lubos na talagang naniniwala ang mga Pilipino na may mga engkanto at lamang lupa. Bagaman hindi nakikita , sinasabing nasa paligid lamang  sila at namumuhay na katulad nating mga normal na nilalang.

Ano nga ba ang mga anyo at uri ng mga engkanto?

shape shifter
Engkantong shape-shifter


    Ayon sa mga matatanda at sa mga may karanasan na. May ibat-ibang kaanyuan ang mga engkanto. Mayroong kalahating tao at kalahating hayop. Mayroon din namang mga hayop na may kakayahang magsalita o makipag usap sa mga tao. May nagsasabing ang mga engkanto daw ay anyong tao din na may bihis maharlika at aristokrata, katulad ng mga sinaunang tao.

Ayon  naman sa iba sila ay mga taong may mataas na antas nga pamumuhay. Maiuugnay dito ang mga kwento tungkol sa maalamat, kagilagilalas at misteryosong isla ng Biringan sa Samar. Sinasabing ang Biringan Island daw isang isla na natatago sa mata ng karamihan. Nagku-kuwento ang ilang tagaroon na naranasan na daw nila ang makarating sa nasabing Isla Biringan sa Samar at ang iba naman ay pinagpakitaan ng misteryosong Biringan Island


Saan matatagpuan ang mga Engkanto?


      Matatagpuuan ang mga engkanto sa halos lahat ng lugar. Sa kabundukan, sa kagubatan, sa dagat, sa mga ilog at sapa at maging sa mga matataong lugar man. Sinasabing ang daan daw patungo sa daigdig ng mga engkanto ay nasasa malalaki at matatandang puno, sa mga batuhan at sa malalim na ilog at sa ilang piling lugar.

Ano ng epekto ng paniniwala sa engkanto at lamang lupa sa buhay at kultura ng mga Pilipino?


Engkanto


     Ang paniniwala sa mga engkanto ay maiuugnay sa pagiging magalang ng mga Pilipino at sa pagiging mapagmahal sa kalikasan. Magalang na tinatanggap ang mga bisita, kahit na ang mga estranghero, lalung- lalo na sa mga liblib na lugar sa mga lalawigan sapagkat maari daw na ang taong ito ay isang engkanto na nag-anyong tao. Maaring magtamo ng mabigat na kaparusahan ang sinumang magtataboy at hindi magbibigay ng tulong sa  isang pulubing humihingi ng kaunting tulong o nakiki-inom lang ng tubig. Ang malawakang tagtuyong naganap sa isang lalawigan sa Mindanao ay sinasabing  naging resulta ng pagdadamot ng mga mamamayan sa mga pulubing nakiki-inom.


 Lubos naman ang pag-aalaga ng mga Pilipino sa mga matatandang puno sapagkat sinasabing  duon nanahan  ang mga engkanto. Madalas din silang magpasintabi sa tuwing dadaan sa mga malalaking bato, sa mga sapa at batis at sa tuwing maglulunoy sa  mga ilog. Sinasambit nila ang salitang “ tabi-tabi po nuno” sa tuwing magagawi sa mga lugar na pinaniniwalaang pinamamahayan ng mga engkanto.

Ang pagkakaroon ng albularyo “shaman” ay maiuugnay din sa paniniwala ng mga Pilipino sa engkanto. Sa tuwing may mga hindi pangkaraniwang sakit ang isang tao, katulad ng biglaang pagtubo ng mga bukol sa katawan at pamamaga, dinadala nila ito sa isang albularyo upang masuri at isagawa ang “pagsusuob o pagtawas” upang matukoy kung ang karamdaman ay kagagawan nga ng isang engkanto. Kung mapatunayang kagagawan nga ito ng engkanto, isasagawa ang isang ritwal ng pag-hingi ng tawad. Karaniwan nang nag-aalay ng isang buhay na manok at malagkit na bigas sa lugar kung saan sinasabing nanahan ang engkantong nasaktan.Kung totoo man o hindi ang pag-iral ng mga engkanto. Ang  paniniwalang ito ay may malaking ambag kulturang Noypi

Lawrence Avillano 2017


No comments:

Post a Comment