Ibat-ibang Pamamaraan ng Pagmimina ng Ginto sa Pilipinas
Ang pagmimina ay isa lamang
pangkaraniwang hanap buhay sa pilipinas. Bagaman hindi malakihan ang kita, ito
ay sapat na bilang panustos sa pang-araw-araw na pangangailangan ng isang
pamilya.Ang pagmiminang isinasagawa ng mga
pangkaraniwang mamamayan sa Pilipinas ay
maituturing lamang na pag-galugad o prospect mining (prospecting).
May ibat-ibang paraan ng pagmimina;
- placer mining
- crevice mining
- hard rock mining
- dredging
Ang placer mining ay pagmimina na isinasagawa
sa mga ilog o sapa. Humahanap ng lugar sa
ilog ang mga minero kung saan inaakala nilang nakadeposito ang mga gintong
tinatangay ng agos. Karaniwan na itong matatagpuan sa likod ng malalaking bato,
natumbang mga puno, mga mauugat na halaman at nakalitaw na bed rock.
Pinapala ang mga lupa at inilalagay sa sluice box na nakaharang sa umaagos na ilog. Matatangay ng agos ang lupa at buhangin at maiiwan ang mga bato at piraso ng ginto dahil masmabigat ito. Isinasagawa naman ng mga karaniwang mamamayan ang placer mining gamit ang panning technique dahil sa maykamahalan din ang sluicebox at masmadali silang nakalilipat ng lugar.
Pinapala ang mga lupa at inilalagay sa sluice box na nakaharang sa umaagos na ilog. Matatangay ng agos ang lupa at buhangin at maiiwan ang mga bato at piraso ng ginto dahil masmabigat ito. Isinasagawa naman ng mga karaniwang mamamayan ang placer mining gamit ang panning technique dahil sa maykamahalan din ang sluicebox at masmadali silang nakalilipat ng lugar.
Crevice Mining
Ito ay pagmimina na isinasagawa sa mga bitak
ng nakalitaw na bedrock. Ito ay natural na mga bitak na dala ng mga natural na
paggalaw ng lupa. Napakagandang paraan nito lalung-lalo na kung ang bitak ay
nasa slope. Ang mga crevice ay nagtataglay hindi lang ng ginto kundi ng mga
mamahaling bato at Kristal. Ang mga
flakes ng ginto na inaanod ng tubig mula sa bundok ay nahaharang ng bitak at
nadedeposito duon. Kailangan ng mapanuring mata sa pamamaraang ito upang
matukoy ang bitak kahit na matakpan pa ito ng mga damo. Ang mga lupa ay
kinukuha sa bitak at hinuhugasan sa pamamagitan ng panning at sluicing upang
makuha ang mga gold nugget.
Ito ay pagmimina na isinasagawa sa mga lugar
na may mga batong Quartz. Ang quartz ang palatandaan ng ginto at mga mineral.
Mabuting suriin ang bato, hanapin ang kulay green (luntian), Pula at itim. Ito
ay palatandaan ng mga mineral tulad ng bakal at pyrates na maiuugnay sa ginto.
Ang mga ginto ay maaring irekover sa pamamagitan ng pagtibag, pagpapasabog at
drilling. Ang mga ginto ay maihihiwalay sa ore sa pamamagitan ng milling at
cylinder concentrator.
Dredging
Ang dredging ay isa sa pinaka
mapanganib na paraan ng pagmimina sa Pilipinas. Kinakailangang sumisid sa putik
at lamaw ang minero at isilid sa timba o sako ang pay dirt kung hindi naman ay
higupin ito ng pump pataas. Ito ay karaniwang isinasagawa sa mga latian na
dating bahagi ng isang malaking ilog. Kailangang mapatotohanan muna na ang
latian ay dati ngang ilog na natahuban dahil sa errosion o di kaya naman ay
dahil sa lumago o nabulok na mga halaman. Ito ay maisasagawa sa pamamgitan ng
Sampling at sa pagtatanong sa mga tagaroon particular sa mga matatanda. Maari
ring pagaralan ang ayos at maturity ng ilog. Mahalagang Makita ang palatandaan
ng ginto sa paligid ng ilog bago sumuong sa mapanganib na pamamaraang ito.
Saang Lugar Maraming Ginto o Karaniwang Minahan sa Pilipinas?
Ang ginto ay matatagpuan sa halos
lahat ng sulok ng Pilipinas. Ilan dito ay ang;
- Ilog ng Unisan sa Unisan at Agdangan Quezon
- Abra
- Legazpi
- Albay
- Marinduque
- Dumaguete
- Batanggas
- Davao
- Agusan
Ano ang mga masasamang epekto ng pagmimina?
Napakalaki ng
nagging epekto ng pagmimina sa kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas. Halos
nakalbo ang at natibag ang mga kabundukan dahil sa kaliwa`t kanang mibnahan.
Nagsulputan ang mga dayuhang kompanya sa bansa dala ng magaang mga batas at
medaling pagkuha ng sertipiko ng pahintulot sa pagminimina.
Nakatutulong ba ang pagmimina sa Ekonomiya?
Hindi masasabing
malaki ang naging ambag ng mga minahan sa ekonomiya ng bansa. Ito ay dahil sa
napakaliit lamang na buwis na ipinapataw dito.
Thank you or TY
ReplyDelete