Is a blog that intends to promote, Filipino culture, traditions, history, peopling, Philippine travel destinations, festivals, current events and issues surrounding the nation.
Saturday, October 25, 2014
Ang Pandesal o Spanish Salt-bread
Naimbento ito noong panahon ng Kastila at naging popular bilang isang pagkaing sa agahan o almusal.
Sinasabing ang kakulangan sa mga sangkap noong panahong `yon ang dahilan kung bakit mga payak na sangkap lang ang ginamit sa pandesal. Ito ay ang harina, itlog, mantika ng gulay, asin at kaunting asukal.
Payak din ang pamamaraan ng pag-gawa nito.Pagkatapos maiwasto ang masa, irorolyo ito sa hugis baston (babastonin) bago gagayatin sa tama at pare-parehong sukat. Ang bawat piraso ay isasawsaw o di kaya naman ay pagugulungin sa mumot ng tinapay o bread crumbs. Hahantayin muna itong umalsa bago ipasok sa pugon.
Hanggang sa ngayon popular pa rin ang pandesal sapagkat isa ito sa pinaka affordable na pagkain para sa almusal
Malaki ang ginagampanan ng pandesal sa hapag kainan ng bawat pinoy. Tila hindi kumpleto ang almusal kung sa hapag ay walang pandesal. Masarap itong kainin kasabay ng mainit na kape o gatas. Bagaman malambot, hindi maipaliwanag kung bakit gustong-gusto natin itong isawsaw sa kape.
-
Isang paglalarawan sa barkong panglayag Ang Pilipinas ay nasakop ng Espanya sa loob ng 333 taon mula 1565 hanggang 1898 . Sa panah...
-
Tibag - Isang Dulang Pamapanitikan Ang Tibag ay isang pagtatanghal kung buwan ng Mayo na nakaugalian na sa Bulakan, Nueva Ecija, Bat...
-
Ilan sa bahagi ng ating kultura ay hiram o halaw lamang sa kultura ng mga dayuhan. Likas sa mga Pilipino ang mabuting pagtanggap kung kaya...
-
Ang Pilipinas ay napasailalim sa kamay ng mga Kastila sa loob ng higit sa 300 taon. Hindi kaginsa-ginsa na makikita, madarama, maamoy at...
No comments:
Post a Comment