Ilan sa bahagi ng ating kultura ay hiram o halaw lamang sa kultura ng mga dayuhan. Likas sa mga Pilipino ang mabuting pagtanggap kung kaya naman ang kultura ng ibang lahi ay mabilis din nating nayayakap. Isa sa mga dayuhang madalas nating nakakahalubilo ay ang mga Tsino o Intsik.
Hindi kaila sa atin na ang mga Tsino ay may malaking impluwensiya sa ating kultura. Sa ating pakikihalubilo sa kanila, nakuha natin ang ilan sa kanilang mga gawi, pagkain, kagamitan,at maging ilan sa kanilang mga paniniwala. Hanggang sa ngayon, ang kulturang Pilipino ay patuloy pa .
ring naiimpluwensiyahan ng lahing naging malapit na sa atin.
Mga Popular na Pagkaing Mula sa mga Tsino.
Mga pagkaing impluwensiya ng mga Tsino sa Pilipino |
Ang mga pagkaing tsino ay malasa at sagana sa sangkap. Kaiga-igaya rin sapagkat mura, madaling ihanda at talaga namang nakabubusog. Ilan lang mga ito ang sumusunod;
- Mami at Lugaw - Popular na pagkain sa mga lansangan dahil mura at talaga namang makatitighaw ng gutom. Ang malasang sabaw ng mami ay kinahiligan ng maraming pinoy at karaniwang inilalako sa palengke at mga lansangan samantalang ang lugaw naman na re-invent at nagkaron ng ibat-ibang timpla at luto ay madalas na inihahanda ng pamilyang Pilipino sa tahanan
SIOPAO - Siopao - Ang siopao ay halaw sa cantonese steamed bun ng mga tsino. Ang sinaunang siopao ay bun na gawa sa bigas ngunit gumagamit na rin sa ngayon ng ibang sangkap. Pinapalamanan ito ng karne, gulay at mga pampalasa at saka pinasisingawan. May dalwang uri ng siopao na popular sa bansa. Ito ang siopao asado at bola-bola.
Fried Siomai - Siomai - Isa pa sa pagkaing Tsino na nagustuhan na ng maraming Pilipino. Ang siomai ay dumpling na may masang mula sa bigas o sa primera klaseng harina at pinalaman ng karne ng baboy (pork), manok, hipon, o baka. Ang dumpling ay pinasisingawan o di kaya naman ay ipiniprito.
PANSIT
Ang iba pang pagkain na nagmula sa tsina ay ang lumpia, pansit, puto at kutsinta.
Mga Kagamitang Pilipino na Halaw sa mga Tsino.
Mga Kagamitang Porselana |
May mga kasuotan at kagamitan sa tahanan ang mga Pilipino na natutunan natin gamitin mula sa mga tsino. Ito ay resulta ng patuloy na pakikihalubilo natin sa kanila. Hanggang sa ngayon, ginagamit pa rin natin ang mga ito.
Ang paggamit ng tsinelas ay nakuha natin sa mga Tsino. Nang dumating ang mga Kastila, marunong na ang ilang pangkat gumamit ng tsinelas. Di kalaunan, gumawa na rin ang mga Pilipino ng tsinelas na yari sa abaka.
Ang paggamit ng mga kagamitang porselana, gaya ng pinggan, baso at platito ay natutunan din natin sa mga Tsino. Ang mga kagamitang ito ay ang pangunahin nilang kalakal kaya hindi kaginsa-ginsa na natutunan natin itong gamitin.
Ang kasuotang kagaya ng Kamisa ay impluwensiya rin sa atin ng mga intsik. Nauso sa mga Pinoy ang paggamit ng Kamisa na mahaba ang kamay na nagagamit pananggalang sa mainit na sikat ng araw kapag nagtatrabaho sa bukid o di kaya naman ay nangingisda.
Impluwensiya ng mga Intsik sa Gawing Pilipino.
Kung papansining mabuti, makikilala natin ang impluwensiya ng mga Tsino sa ating mga gawi. Ilan sa mga mga ito ang pagtawag nang Ate sa nakatatandang kapatid na babae, Kuya sa nakatatandang kapatid na lalaki at Bunso sa nakababatang kapatid. Ang mga terminolohiyang ito at halaw sa Lengwaheng Hokkien ng Tsina.
May maidadagdag ka pa ba sa talakaying ito. Anu-ano pa ba ang impluwensiya ng mga intsik sa kulturang Pilipino?
Anong impluwenysa ng mga tsino sa pilipinas sa larangan ng panitikan?
ReplyDeleteMgabkaugalian nila na mayron din tayo?
ReplyDelete