Marahil isa ka sa mga nagulantang ng magsimulang umalingawngaw ang balita tungkol sa COVID-19, isang nakahahawang sakit, at ideklara itong pandemiko ng World Health Organization bilang pandemiko. Marahil ay nakadama ka ng takot at pangamba hindi lamang para sa iyong saririli kundi para rin sa iyong pamilya. Ngunit ang banta ng pandemiko ay hindi na bago sa kasaysayan.
Ang Pilipinas bilang isang maliit na arkipelagong bansa sa Asya ay nakatikim din ng kanyang bahagi sa nakatatakot na banta ng mga pandemiko sa kasaysayan ng daigdig. Dumanas din tayo ng lupit sa kamay ng mga nakamamatay na salot sa kasaysayan ng daigdig.
Cholera Pandemic taong 1880, 1882, at 1902.
Spanish Flu Pandemic 1918 - 1919 .
Ang Spanish Flu, Influenza, o kilala rin bilang Trancazo (Filipino; Trangkaso) ay naging isang pandemikong sakit noong 1918 at kumitil ng buhay 90,000 katao sa huling tala. Sa panahong ito, nasasa-ilalim ang Pilipinas ng pamamahala ng mga Amerikano.
Bagaman ang Pilipinas ay isang arkipelago, ito ay hindi rin nakatulong upang mapigilan ang pagkalat ng Spanish Flu sa bansa sapagkat hindi ito binigyang pansin ng Pamahalaang Amerikano. Nuong pasimula hindi sila tumugon sa mga naunang kaso ng Spanish Flu sa Maynila, bagkus sinabi nilang ito ay isa lamang lokal na karamdaman at tinawag itong trancazo (trangkaso). Nang magkagayon nga, ang buhay ay nagpatuloy na para bang walang banta ng isang karamdamang nakamamatay hanggang sa ito ay kumalat na sa malaking bahagdan ng populasyon at mahirap nang mapigil pa.
Great! Inpormatibong artikulo. Apektado din pala tayo ng mga pandemya noong una. Nakakatakot ang dami din palang namatay. Sana wala nang second wave o third wave ang COVID-19. Nakakatakot isipin.
ReplyDeleteAhhh dati palang pandemic ang cholera ngayon pangkaraniwan na lang na sakit. Sana makagawa na ng gamot para sa COVID-19. Saka sana wala nang second at third wave ang covid di gaya ng cholera at spanish flu.
ReplyDelete