Friday, May 1, 2020

Mga Salitang Hiram sa Kastila o Espanyol.

Ang Pilipinas ay napasailalim sa kamay ng mga Kastila sa loob ng higit sa 300 taon. Hindi kaginsa-ginsa na makikita, madarama, maamoy at maririnig natin ang impluwensiya ng mga kastila sa ating mga Pilipino at sa ating Kultura.

Hanggang sa ngayon, sa ating araw-araw na pamumuhay marami pa rin tayong mga ginagamit na salitang hiniram lang mula sa wikang Kastila o Espanyol (Spanish Loan Words)

Naririto ang ilan sa mga salitang  hiram lang natin sa mga kastila.

Salitang Hiram sa Kastila o Espanyol
Marami sa mga salitang hiram sa kastila ang may kinalaman sa pagkain


Mga Salitang Hiram sa Kastila o Espanyol - Filipino Spanish Loan Words


  1.  Abono  - Abono - Fertilizer
  2. Alkansiya - Alcancia - Piggy Bank
  3. Bangko - Banco - Bank
  4. Baso - Vaso - Cup
  5. Banyo - Ba(enye)o - Bathroom
  6. Bareta - Barreta - Bar
  7. Bentilador - Ventilador - Fan
  8. Bintana - Ventana - Window Pane
  9. Kadena - Cadena - Chain
  10. Kalye - Calle - Street
  11. Kanto - Canto - Corner
  12. Kutsilyo - Cuchillo - Knife
  13. Kuwarto - Cuarto - Room
  14. Kuwarta - Cuarta - Money
  15. Kristal - Cristal - Crystal
  16. Kwenta  - Cuenta - Bill
  17. Kandado - Candado - Padlock 
  18. Kutsara - Cuchara - Spoon
  19. Libro - Libro - Book
  20. Luho - Lujo - Luxury
  21. Miryenda - Merienda - Snack
  22. Parol - Farol - Lantern
  23. Pasilyo - Pasillo - aisle
  24. Piko - Pico - Pick
  25. Palasiyo - Palacio - Palace
  26. Sarhento - Sargento - Sergeant
  27. Seradura - Ceradura - Lock
  28. Sinturon - Cinturon - Belt
  29. Tinidor - Tenedor - Fork
  30. Tuwalya - Toalla - Towell
Ang simple `di ba? Hindi mo aakalain na ang ilan sa mga salitang nabanggit ay hiniram pa pala natin mula sa ibang wika. Isa lamang iyan sa patunay ng hindi maitatangging ugnayan nating mga Pilipino sa mga Kastila.

16 comments:

  1. Ang galing mo magsulat. Ang simple pero may laman at madali maintindihan. Yan pala ang mga salitang kastila na inangkin na natin. Minsan kala mo tagalog talaga e.

    ReplyDelete
  2. Maraming salamat po...감삽니다....ありがとうございました

    ReplyDelete
  3. thank you very mouch nakakuha ako ng kunting kasagotan

    ReplyDelete
  4. Taragis dami nun ah sinakop na nga tayo inalipin na tayo pati ba naman sa salita d parin tayo makawala sa mga espanyol na yan

    ReplyDelete
  5. Wala naman po dito ang prayle, kuwalta,kumbento, kutsero at suwete

    ReplyDelete