Ang tamuneneng ko’y lumuha sa bundok,
kasabay ang taghoy ng luha’t himutok;
luha’y naging dagat, along sumasalpok,
ang tamuneneng ko’y sadyang napalaot.
kasabay ang taghoy ng luha’t himutok;
luha’y naging dagat, along sumasalpok,
ang tamuneneng ko’y sadyang napalaot.
Ako namang ito’y humanap ng daong
at kusang tumugpa sa gitna ng alon;
natagpu-tagpuan, sigwa at daluyong,
ang tamuneneng ko’y kung saan nataboy.
at kusang tumugpa sa gitna ng alon;
natagpu-tagpuan, sigwa at daluyong,
ang tamuneneng ko’y kung saan nataboy.
Mana isang araw, humampas ang hangin
dini sa dibdib ko na nahihilahil;
kaya pala gayon ay si tamuneneng,
nasa aking puso’t doon humihimbing.
dini sa dibdib ko na nahihilahil;
kaya pala gayon ay si tamuneneng,
nasa aking puso’t doon humihimbing.
Hayo, mga sama, at ako’y tulungan,
sa dagat itawid itong kapalaran;
kung tayo’y palaring dumating sa pampang,
ang tamuneneng ko’y ating kalangitan.
sa dagat itawid itong kapalaran;
kung tayo’y palaring dumating sa pampang,
ang tamuneneng ko’y ating kalangitan.
Hala, gaod tayo, pagod ay tiisin,
ang lahat ng hirap pag-aralang bathin;
palayu-layo man, kung ating ibigin,
daig ang malapit na ayaw lakbayin.
ang lahat ng hirap pag-aralang bathin;
palayu-layo man, kung ating ibigin,
daig ang malapit na ayaw lakbayin.
No comments:
Post a Comment