Narito ang ilan sa mga malalaim at makalumang salitang Pilipino o Tagalog at ang mga kaakibat na kahulugan.
1. Abulusyon - paglilinis o paghuhugas
halimbawa: Ang pagkamatay ni Kristo sa Krus ay isang abulusyon sa minanang kasalanan ng sanlibutan
English: Ablution
2. Sálungahin - ahunin/labanan
Halimbawa: ahunin "Nakaya ng bata na salungahin ang matarik na bundok"/ labanan "kailangang kong salungahin ang malakas na agos ng ilog upang makarating sa ilaya"
English: Acclivity
3. Hirati - sanay
halimbawa; "Ako ay namumuhay na hirati sa dusa"
Eng; Accustomed
4. Bunton - Salansan
Halimbawa; "Makikita ang bunton ng basura sa tabi ng ilog pagkatapos ng ulan"
English: Accumulation
5. Palamara - Tampalasan
Halimbawa; "Siya ay may ugaling palamara at hindi maruning mahiya"
English: Rascal
6. Lilik - Karit
Halimbawa; "Ang niyog ay inaani gamit ang mahabang panungkit na may lilik sa dulo"
English: Reaping-hook
7. Tutupan - Kumpunihin
Halimbawa; "Kailangan nating tutupan ang sira sa bubong ng bahay bago dumating ang tag-ulan"
English; Repair
8. Muwelye - Daungan
Halimbawa: "Gumawa ng munting muwelye ang mga mangingisda sa Baryo Matatag"
English: Wharf
9. Almasen - Imbakan (Puede ring tindahan)
Halimbawa; "Mayayaman lang ang may almasen ng alak at sigarilyo nuong panahon ng mga kastila"
English: Warehouse
10. Hiluka - Putla
Halimbawa; "Kakaiba ang hiluka ng labi ni ate kung walang kolorete"
English: Wanness/Paleness
Is a blog that intends to promote, Filipino culture, traditions, history, peopling, Philippine travel destinations, festivals, current events and issues surrounding the nation.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
10 Salitang Nakakabulol Kinababagabagan Kinatakha-takhan Kinakikilabutan Nginangasab-ngasab Nangangalingasag Pinakipakinabangan ...
-
Mga sangkap sa pahahanda ng salabat Bahagi ng kultura ng mga Pilipino ang paniniwala sa bisa ng mga halaman bilang gamot sa mga kara...
-
Ang Tradisyonal na Kasalang Pinoy Paano Isinasagawa ang T...
-
Isang paglalarawan sa barkong panglayag Ang Pilipinas ay nasakop ng Espanya sa loob ng 333 taon mula 1565 hanggang 1898 . Sa panah...
Ang sarap balikbalikan ang mga ganitong termino, nakakabighani. Salamat sa blog na ito <333
ReplyDeleteDave Carlee
ReplyDelete