Saturday, May 23, 2020

Ano ang mga halamang gamot sa kabag?

Mga Sangkap ng salabat
Mga sangkap sa pahahanda ng salabat

Bahagi ng kultura ng mga Pilipino ang paniniwala sa bisa ng mga halaman bilang gamot sa mga karamdaman. Kaya naman, kung hindi rin lang malala, karaniwan na sa ating mga Pinoy ang humanap ng mga halamang magsisilbing pang-unang lunas sa karamdaman. Isa sa mga karaniwang karamdaman ng mga tao sa Pilipinas ay ang kabag? Ano ba ang kabag? Ano ang mga halamang nakakagamot sa kabag?

Ano ang Kabag?


Ang kabag o gas pain ay pananakit ng tiyan dahil sa pagkapuno ng hangin na hindi mailabas. Ang kabag ay karaniwang dulot ng mga pagkain  ng maaalat, matatamis at mamantika. Kung minsan ang kabag ay dulot ng hindi agarang pagkatunaw ng pagkain. Ang Luya, Yerba buena, Tubang-aso, Lubigan, dahon ng atis at dahon ng guyabano ang mabibisang gamot sa kabag.



Mga halamang gamot sa kabag.


Luya


ang luya ay gamot sa kabag
Luya

Ang luya ay may taglay na mga sangkap na maaring makapagpa-relax sa humihilab at nananakit na tiyan. Ang pag-inom ng salabat o ginger tea ay isang mabisang paraan upang magamot ang kabag.

Paano gumawa ng salabat o ginger tea.

1. Humiwa ng dalwang pulgadang haba ng luya
2. Pitpitin ito
3. Ilagay sa kaserolang may 2 tasa ng tubig.
4. Pakuluin ang tubig na may nakababad na luya.
5. Isalin sa tasa.
6. Lagyan ng kaunting asukal at kalamansi
7. Inumin sa init na kaya na ng dila.


Yerba Buena


Ang yerba buena ay nakapagpapagaling ng kabag
Yerba Buena

Ang Yerba Buena ay isang halamang may mabangong dahon na maihahalintulad sa mint. Ang pag-inom ng tsaa ng Yerba Buena ay nakatutulong upang maging maayos  ang pakiramdam sa ating mga kalamnan sa tiyan. Ang Yerbabuena ay mabisang gamot sa kabag at sa hindi natunawan.

Paano maghanda ng Yerba Buena Tea?

1. Kumuha ng isang dakot na dahon ng yerbabuena.
2. Magpakulo ng dalwang tasang tubig
3. Kapag kumulo na ang tubig patayin ang apoy at ihulog sa mainit na tubig ang yerba buena
4. Takpan ang kaserola sa loob ng tatlong minuto
5. Isalin ang tubig sa tasa
6. Maaring lagyan ng honey o lemon kung nanaisin
7. Inumin habang mainit pa




Lubigan


Isa ang lubigan sa mga gamot sa  kabag at di natunawan
Lubigan

Ang lubigan ay isang halaman na lumalaman na nakagagamot sa kabag at pananakit ng tiyan. Mabango ang amoy ng dahon at ugat nito. Ang lubigan ay may taglay na nga sangkap na nakatutulong upang makadighay o makautot ang isang taong may kabag.

Paghahanda ng Lubigan.

1. humukay ng laman ng  ugat ng lubigan na may habang dalwang pulgada.
2. Hiwain ito sa anim hanggang walong parte
3. Pakuluan ito sa kaserolang may apat na tasang tubig
4. Pakuluin hanggang sa maamoy mo na ang singaw
5. Isalin sa tasa at lagyan ng kaunting asukal upang mabawasab ang pakla
6. Inumin hanggat mainit pa


Dahon ng Atis at Guyabano


Ang dahon ng guyabano ay gamot lunas sa kabagnakakaalis ng kabag ang dahon ng atis


Ang dahon ng atis at guyabano ay mahusay na gamot sa mga sanggol at batang kinakabagan. Ito ay dahil ang amoy at lasa nito ay hindi kasing tapang ng sa Luya, Yerbabuena at Lubigan. May taglay itong mga sangkap na nagpaparelax sa kalamnan ng tiyan at nagpapalabas ng panunaw mula sa atay kaya mabisa rin itong gamot sa kabag.

Paano maghandan ng tsaa na dahon ng guyabano at atis

1. Pumili ng mga mura pang dahon mga tig-lima hanggang tig-pito bawat uri
2. Hugasan itong mabuti bago ilagay sa kaserola na may apat na tasa ng tubig
3. Kapag kumulo na salain ang tubig sa pagsasalin sa tasa
4. Lagyan ng kaunting pampatamis
5. Inumin habang mainit pa.




Tubang Aso o Tubang Bakod


Ang tubang-aso ay gamot na panapal sa tiyan ng may kabag
Tubang-aso: Image Source: MagSakaUnlad


Ang dahon ng tubang aso, Jatropha Curcas Linn, ay mabisang lunas sa kabag. Napatunayan sa mga pagaaral na ang dagta mula sa dahon at katawan nito ay may taglay na acetylcholine, glycosides, saponins, alkaline at tannins na kapuwa nakatutulong upang marelax ang mga kalamnan.

Paano ihanda ang pantapal na dahon ng Tubang - Aso o Tubang Bakod?

1. Kumuha ng mature na dahon para masmalapad
2. Hugasan ang dahon at patuyuin
3. Maari itong pitpitin o di kaya naman ay idarang sa apoy hanggang malanta
4. Itapal sa tiyan

No comments:

Post a Comment