Sunday, May 24, 2020

Mga Sakit Na Dulot ng Paninigarilyo

Kaha ng sigaril na may graphic image
Kaha ng sigarilyo na may graphic image


Ang sigarilyo ay isang pampalipas oras o libangan na naging bisyo naman para sa ilan. Ang pagpigil sa paninigarilyo isang pandaigdigang isyu na sinusubukang tugunan ng mga pamahalaan at organisasyon. Sa Pilipinas maging sa ibang bansa, ang paninigarilyo  ay tila ba nagingng  isang rite of passage mula sa pagiging musmos patungo sa pagiging adulto.

Ilan ang naninigarilyo sa mundo?


Ayon sa mga datos, hindi hihigit sa 1 bilyong katao ang  naninigarilyo sa daigdig. Tatlumpu at limang bahagdan (35%) ng mga kalalakihan sa daigdig ay naninigarilyo samantalang anim na bahagdan (6%) lamang ng populasyon ng kababaihan ang gumagamit nito.

Ilan ang nanigarilyo sa Pilipinas?


Samantala sa nakalap na datos ng Philippine Statistics Authority mula sa Global Adult Tobacco Survey 2015, 15.9 milyong katao, edad 15 taong gulang pataas ang nainigarilyo sa Pilipinas. 13.1 milyon sa mga ito ay naninigarillyo araw-araw. Ayon pa sa datos ng GATS 2015, labing isang (11) sigarilyo ang katamtamang bilang na nakokonsumo ng isang tao araw-araw.

Bakit nagsisigarilyo ang isang tao?


Maraming dahilan kung bakit naninigarilyo ang isang tao. Lingid man sa kaalaman ng isang tao o hindi, marami ring  sakit ang maaring makuha sa pag-gamit nito. Ano ang mga kemikal na taglay ng sigarilyo? Ano ang mga sakit na dulot ng sigarilyo?

Ano ang mga kemikal na makukuha mula sa sigarilyo?


Ang ang sigarilyo at ang usok nito ay nagtataglay ng mahigit 200 kemikal kasama na ang nitrogen, carbon dioxide, carbon monoxide, at carcinogens. Ang carcinogen at cocarcinogen sa usok tulad ng polycyclic anomatic hydrocarbon ay nagdadala ng cancer.

Ano ang mga Sakit na nakukuha sa sigarilyo


Huwag magsigarilyo
Pagtanggi sa sigarilyo upang makaiwas sa mga sakit
                           


Cancer


Ang sigarilyo ay nagdudulot ng sakit tulad ng cancer sa baga, (lung cancer), cancer sa lalamunan (oesophageal cancer), cancer sa lapay (pancreatic cancer), cancer sa bato (kidney cancer) at iba pa.

Sa paliwanag ng agham, tumitigas ang cilia kapag ang usok ay pumasok sa bronchial tubes. Ang cilia ay mga buhok sa baga na sumasala sa mga duming pumapasok sa hingaan at itinataboy ito papunta sa lalamunan at ilong. Ang pagtigas ng cilia ay siyang dahilan kung bakit naiipon sa baga ang mga kemikal na nagdudulot ng cancer katulad ng carcinogen at cocarcinogen na lubos na nakapipinsala sa baga kung mananatili duon.


Pagka-stroke


Ang carbon monoxide ay mapaminsala. Ang kemikal na ito kapag kumapit sa dugo ay umaagaw sa lugar ng oxygen sa dugo dahilan upang bumaba ang bilang nito. Ang oxygen ay kailangan ng utak at puso. Ang kakulangan ng oxygen ang siyang dahilan ng stroke.

Mga sakit na may kaugnayan sa puso at ugat


Ang nikotina at carbon monoxide na taglay ng sigarilyo ay mga dumi. Pinapagod ng mga ito ang puso at baga dahil bumibilis ang tibok ng puso at baga upang matagkal ang mga ito. Kasunod nito ang paglapot ng dugo na siya namang dahilan ng pagbabara ng mga ugat o aortic annneurism at peripheral vascular diseases.


Pulmonary Emphysema



Ang mga duming taglay ng usok ng sigarilyo na kumakapit sa baga ay nagdudulot ng pulmonary emphysema o ang paninigas ng kalamnan ng baga. Kapag nanigas ang kalamnan ng baga, hindi ito makakapagbomba (pump) ng sapat na oxygen na siyang dahilan ng hirap sa paghinga.


Iba pang mga karamdamang dulot ng sigarilyo


  1. Paglala ng peptic ulcer
  2. Pagkasira ng ngipin
  3. Pagkakaroon ng singaw sa gilagid
  4. Pangangati ng ngala-ngala
  5. Pagkamaga ng lalamunan
  6. Pagkalaglag ng bata o malnutrisyon ng sanggol

No comments:

Post a Comment