Monday, April 15, 2019

Kasaysayan ng Lahing Plipino

Lahat ng lahi ay may simula. Sa artikulong ito, tutuntunin natin ng simula ng lahing Pilipino. Saan nga ba nagmula ang lahing Pilipino? Anu-ano ang patunay na may mga tao nang naninirahan sa Pilipinas nuon pang sinaunang panahon? Paano yumabong ang lahing Pilipino mula nuong sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan?

Mga Patunay Arkeolohikal sa Pagiral ng Sinaunang Tao

Arkeologo
Isang Arkeologong nagsusuri ng nahukay na bahagi ng labi ng tao


HOMO LUZONENSIS


Marami nang patunay na may mga tao nang namumuhay sa bansang Pilipinas mahigit 50,000 taon na ang lumipas. Isa sa bagong patunay ay ang natagpuang bagong human specie, ang Homo Luzonensis, sa Cagayan. Ang bagong human specie na natagpuan sa Pilipinas ay tinatayang namuhay sa sinaunang Pilipinas 50,000 taon hanggang 67,000 taon na ang lumipas.


TAONG TABON


Nuong 1962, natagpuan ng mga Arkeologo ang  bungo ng isa sa pinakanaunang tao na nanirahan sa Pilipinas. Ang species ay tinawag na Taong Tabon sapagkat ang bungo ay natagpuan sa kweba ng Tabon sa Lipuun Point, Quezon Palawan. Ang taong Tabon ay tinatayang namuhay sa Pilipinas 22,000 hanggang 24,000 taon na ang nakararaan. Ang masnakagigimbal pa ay kasamang natagpuan sa kweba ang mga kagamitan na tinatayang may edad 45,000 hanggang 50,000 taon.


Ang Teorya ng Pandarayuhan sa Pilipinas.


Isa sa nangungunang teorya ng pandarayuhan sa Pilipinas ay ang Waves of Migraton Theory. Ayon sa teoryang ito, may mga unang lahi ng tao na nanirahan sa Pilipinas. Kabilang na sa mga naunang lahi ang Ita o Negrito, Indones at Malay.

Ang Teorya ng Tulay na Lupa.


Sa teoryang ito, sinasabing nakarating ang mga Ita sa Pilipinas sa pamamagitan ng paglalakad sa tulay na lupa nuong panahong mababa pa ang dagat at nagyeyelo pa ang mundo, tinatayang 12,000 hanggang 15,000 taon na ang nakararaan.


Ang Balangay

Balangay
Halimbawa ng Balangay


Malaki ang ginampanan ng Balangay sa migrasyon ng sinaunang tao sa Pililipinas. Ang balangay ay isang malaking bangka na pinaniniwalaang sinakyan ng mga Indones na siyang sinasabing pangalwang pangkat ng mga tao na dumating sa Pilipinas. Sila ay sinundan ng mga Malay, ang pangatlong pangkat, na sakay din ng mga Balangay.


Ang mga lahing ito ay pinaniniwalaang siyang ninuno ng mga lahing Bikolano, Ilokano, Bisaya at Tagalog.

Iba Pang Lahi sa Paglipas ng Panahon.


Bago pa dumating ang mga Kastila ay nakikipagkalakalan na ang mga Pilipino sa iba pang lahi gaya ng Bumbay, Arabe, Intsik at Hindu. Dumarating din naman sa bansa ang mga misyonero mula sa iba pang mga bansa. Ang mga mangangalakat at misyonerong ito ay nakapagaasawa ng mga Pilipino.


Mga Lahi Mula sa Mananakop.


Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang Pilipinas ay nasakop ng mga dayuhan sa maiksi o mahabang panahon man. Ang bawat mananakop gaya ng mga Kastila, Portuges, Amerikano at Hapon ay may naiambag din sa pagkakaiba-iba ng lahing bumubuo sa mga Pilipino. Ang iba ay nakapag-asawa ng mananakop samantalang ang iba, sa kasamaang palad, ay bunga ng pagsasamantala.


Ang lahing Pilipino sa Kasalukuyan.


Sa kasalukuyan, ang mga Pilipino ay may dugo na ng ibat-ibang lahi mula sa iba`t-ibang panig ng daigdig. Ito ay bunsod ng pandarayuhan ng mga Pilipino upang maghanapbuhay sa ibang bansa at ng pagdating ng ibang lahi bilang turista o di kaya ay upang manirahan sa Pilipinas.

- Lawrence Avillano (2019)



Suggested Citation:

Avillano, L., (2019) - Kasaysayan ng Lahing Plipino
https://kulturang-noypi.blogspot.com/2019/04/kasaysayan-ng-lahing-plipino.html 


2 comments:

  1. It was very interesting for me to read this blog. Thanks the author for it. I like such topics and everything that is connected to them. I would like to read more soon.Sakit.info

    ReplyDelete
  2. Thank you for the feedback. Its good to know that someone is interested on the topic.

    ReplyDelete