“We are all God`s Children
We are all the same”
Yan ang dalawa sa
mga linya ng awiting naging tema sa pagdalaw ni Pope Francis sa Pilipinas.
Ngunit ano nga ba ang nais iparating nito? Ano ang layunin ng Santo Papa sa
pagdalaw niya sa bansa? At ano ang naging epekto nito sa bayan at sa mga
mamamayan?
Kung ating pakalilimiing
mabuti ang mensahe ng awitin, simple lang naman ang nais iparating nito sa sino
mang taong nakikikinig. Nais nitong ipabatid na ang lahat ng tao ay
pantay-pantay. Ano man ang iyong lahi, relihiyon, kulay ng balat, lenguwahe at
katatayuan sa buhay, isa ka rin sa mga anak ng diyos. Kaya naman hindi dapat
magkaroon ng puwang ang diskriminasyon sa ating lipunan. Walang karapatan ang
sinuman na maliitin at apihin ang kanyang kapuwa tao dahil lamang sa inaakala
niyang nakatataas at nakalalamang siya dito sa ilang aspeto.
Ihinahatid din ng
awiting ito ang diwa ng pagbibigayan. Ayon nga sa Santo Papa “We must learn how
to give even in our own poverty”. Sa mga
salita niyang ito, mapagtatanto natin ang katotohanan na hindi lang ang mga
mayayaman ang may kakayahang magbigay at tumulong sa mga naghihikahos at
nangangailangan. Maging ang mga wala rin o ang tinaguriang mahihirap ay may
kakayahan ding makatulong sa kanyang kapuwa kapus-palad. Sapagka`t ibat-iba ang
paraan ng pagbabahagi, may ilang paraan ng pagtulong na kayang ibigay ang isang
mahirap sa kapuwa niya kulang-palad. Ayon nga sa kasabihan ng matatanda “Ang
tubig sa batis ay madaling salukin kumpara sa tubig ng ilog na malalim”.
Ang pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas ay
tila ba isang muling pagkabuhay sa simbahang Katoliko Romano. Kung ating
aalalahanin, matatandaang ilang ulit nang ibinalita ang resulta ng ilang servey
kung saan lumalabas na kakaunti na lamang ang bilang ng mga Katoliko na aktibo
sa pagsisimba. Sa kanyang pagdating ay tila ba nadiligan ang isang halaman na
unti-unti nang dinadaig ng mga damo at tinutuyo ng mabagsik na araw. Ang
halamang tinutukoy ko ay walang iba kundi ang pananampalataya at simbahang
Katoliko Romano.
Para naman sa
bayang nananahan sa silong ng mapagpalang langit ng silanganan. Ang pagbisita
ni Lolo Kiko bilang haligi ng simbahang Katoliko at itinuturing ng ilan bilang
isa sa kahalili ng diyos sa balat ng lupa ay isang matagumpay na araw. Napagtagumpayan ng bayan na ipakita sa
pagkakataong ito ang kanyang hindi matatawarang kakayahan na mabuklod at
magkaisa para sa isang natatanging layunin.
Bilang isang kabataang sinibulan ng damdaming makabayan,
bagaman hindi isang katoliko, ay nagpapasalamat ako sa Santo Papa. Sa aking
diwa ay sumibol ang isang hiling-panalangin, na sana, ay manatili sa puso ng
bawat Pilipino ang naging mensahe ng pagpagdiriwang na ito. Tayong lahat ay
anak ng diyos at yan ay totoo may Pope man o wala.
No comments:
Post a Comment